KABANATA 30

40.9K 1.4K 216
                                    

Jordanna's P.O.V.

Pumayag ang Lolo. Pero dahil sa hitsura ni Jasper, sinamahan kami ni Mommy para makaligo s’ya at makapagpalit ng malinis na damit. Dahil magkasukat na magkasukat naman sila ni Daddy, hinanapan na lang s’ya ni Mommy ng puting long-sleeves na polo at khaki pants mula sa wardrobe ni Daddy.

May malalaking putok sa kanang kilay at ibabang labi si Jasper. May mga kaunting bangas din ito sa palibot ng kanyang mukha. Medyo nangingitim na rin ang kanyang mga pasa na dulot ng pambubugbog sa kanya ni Daddy.

"Eto na lang isuot mo, anak." Habang inaabot ni Mommy ang isa sa aking simpleng bestidang puti. Wala itong manggas at hanggang tuhod ko lamang ang haba, "Para bumagay sa suot ni Jasper."

Isinuot ko kaagad ang bestida. Itinaas ang aking buhok. Na nilagyan naman ni Mommy ng puting bulaklak na ipit.

Matapos kong magbihis, lumabas na ako ng kuwarto ko, kung saan naghihintay na sa akin si Jasper habang nakasandal ito sa dingding.

"Hihintayin na lang namin kayo sa hardin." Sabi ni Mommy. Bago nito kami iniwanan.

Lumapit sa akin si Jasper at maluha-luhang pinagmasdan ang aking mukha. Pinasadahan n’ya ng kanyang kanang hintuturo ang palibot ng aking panga, na dumako naman sa aking noo, pababa sa tutok ng aking ilong. Gano’n din ang ginawa n’ya sa linya ng aking mga labi bago n’ya ako marahang hinalikan.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"I love you..." Bulong n’ya sa gitna ng kanyang mga halik.

"I love you too..." Sagot ko. Matapos n’yang pakawalan ang aking mga labi.

Kalmado naman ang lahat, nang lumabas na kami sa hardin. At kahit nakasimangot pa rin si Daddy, kalmado na rin naman ito. Hindi ko na namamataan si ate Zoe, maging ang batang lalaki, pero naroro’n pa rin naman si kuya Patrick, na tila natutulala at may malalim na iniisip.

Nag-uumpisa na ang seremonya ni Lolo, nang biglang lumapit sa amin si tita Helga sa kalagitnaan nito.

"Jordanna," Bulong nito sa akin. "Isuot mo ito, bago ang wedding ring mo." At isinuot n’ya sa kaliwang palasingsingan ako, ang isang gintong singsing na may malaking diyamante. Kinuha n’ya mismo ‘yun mula sa kanyang daliri. "Ipapasa mo 'yan, sa mapapangasawa ng una n’yong anak na lalaki, ha?” huling bulong n’ya, bago tuluyang umalis.

Nagkangitian kami ni Jasper sa ginawa ni tita Helga. Ang sweet n’ya. I am certainly fortunate to be her daughter-in-law.  Sumunod na ang pagsusuot namin ng singsing sa isa't-isa.  Ito ‘yung pagkakataon na pinagtatawanan na si Jasper at kinakantyawan dahil sa walang hintong pagtulo ng mga luha nito.

"Ano ba 'yan?!" Kantyaw ni Daddy kay Jasper, "Daig ka pa ng batang bagong tuli ah! Iyakin ka naman pala!" Nagtawanan mga tao. Nagkatinginan naman kami ni Jasper at nagngitian.

"I now pronounce you, Husband and Wife." Anunsyo ni Lolo, "You may kiss your bride." Sabi nito kay Jasper.

Hinalikan naman ako agad ni Jasper.

"Hoy!" Sigaw ni Daddy, "Dahan-dahan naman! Kapag namaga ang nguso ng anak ko, tatamaan ka ulit sa akin!"

Tatawa-tawang nagkamot sa ulo si Jasper. Sinundan ‘yun ng malakas na pagtatawanan at palakpakan ng mga tao.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon