KABANATA 15

62.3K 1.5K 119
                                    

Jasper's P.O.V.

Mabuti na lang, hindi nagalit si tito Jon at si tita Abby sa biglaang pagdedesisyon kong do’n muna tumira sa kanila. Tita Abby even thought, it was the sweetest gesture she have ever seen from me. Tuwang-tuwa naman si Josh at Joaquin, na tila ba, mas excited pa sila sa ‘kin. Si tito Jon naman, masaya rin, pero only after na hintak n’ya ako sa isang tabi at pinagsabihan na h’wag ko lang sisirain ang kanyang pagtitiwala, dahil malilintikan daw talaga ako sa kanya.

Natural lang naman 'yung pag-aalala n’ya. Unica hija nila si Jordanna, kaya hindi naman p’wedeng ialis sa kanya ang pag-aalala bilang isang ama. I am good with that. Malinis naman ang intensyon ko at wala naman akong balak magloko.

Ang tunay na nawiwirduhan ako, kay Jordanna mismo. Hindi ko kasi maintindihan ang ikinikilos n’ya lately. Tila kasi, ilag na ilag ito sa akin. Pakiramdam ko nga, sadyang lumalayo s’ya sa 'kin na tila ba meron akong nakahahawang sakit. May kinalaman kaya ito sa nangyari kanina? May nakita kaya s’ya sa akin na hindi n’ya dapat makita?

"Ano ba 'yang ginagawa mo anak?” tanong ni tita Abby kay Jordanna, nang makita n’yang may kung ano-anong ibinubudbod ito sa palibot ng pintuan ng kanyang kuwarto.

"P-po?” ninenerbyos na reaksyon n’ya sa kanyang ina. Sumulyap rin ito sa 'kin; nakatayo kasi ako sa bandang likuran ni tita Abby. Hila-hila ko ang aking trolley luggage. Papapunta na sana kasi kami sa guestroom na inihanda nila para sa 'kin. "Ah eh...wala po." At saka ito dali-daling pumasok sa kanyang kuwarto, bago nito ito isinara at ikinandado.

Napailing si Tita Abby. Sinenyasan ako nito, para sundan s’ya papunta sa kuwartong inihanda n’ya para sa akin.

"Pagpapasensyahan mo na si Jordanna, Jasper." Sabi sa akin ni tita Abby, habang nilalagyan n’ya ng punda ang gagamitin kong mga unan. "Medyo mapapaniwalain kasi ‘yun sa kung ano-anong bagay." Natatawa s’ya, "Katulad ng Mommy mo. Kaya alam kong magkakasundo sila." Naglalagay na s’ya ng comforters ngayon, "Minsan nga, naiisip kong baka kaya ganyan si Jordanna eh dahil madalas akong dalawin ng Mommy mo no'ng ipinagbubuntis ko pa lang sila ni Josh. S’ya, ang daddy mo, pati na rin sina tito Tristan, tito Luke at tito Benj mo, madalas kaming puntahan dito no'n para magbudbod ng asin at maglagay ng bawang sa palibot ng bahay. Pangonta raw sa Aswang na tumitiktik sa mga nagdadalang-tao."

"Naniniwala po ba kayo?"

"Ang totoo, hindi." Sagot n’ya, "Pero s’yempre, iginagalang ko naman ang paniniwala ng mga magulang mo at ng mga tito mo. Kaya hayun, pinababayaan ko lang sila. Kanya-kanya lang naman ng paniniwala ang mga tao at wala namang masama ro'n."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved. 

Napangiti ako. Hindi man s’ya naniniwala, masuwerte pa rin ako na mababait ang magiging mga biyenan ko. Wala akong problema kay tita Abby, para ko na s’yang pangalawang Mommy.

"So, si Jordanna po ba, naniniwala?"

"Hindi ko masabi. Mahilig kasi s’yang manood ng mga katatakutan, lalo na sa gabi. I was thinking na kaya s’ya ganyan, dahil din sa mga napapanood n’ya."

Horror movies sa gabi pala ha, hmmm.

***

Alas-onse ng gabi, kumatok ako sa pinto ni Jordanna.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon