KABANATA 59

23.1K 900 44
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Sino ka?!" Mataray na bungad sa akin ni Andre. Nakahalukipkip ito at nakataas ang isang kilay. "Anong ginagawa mo sa bahay ng bestie ko?"

"Loka." Sagot ko. Mas binuksan ko pa ang pintuan ng gate, "Ikaw ang dadayo-dayo rito sa amin tapos ikaw pa ang may ganang magmaganda d'yan." Nakangisi ako.

"My 'ghad' Jordanna!" Nagpapaypay na pumasok ito sa loob. Pakembot-kembot pa. "Hindi na kita nakilala, ang losyang mo na, 'lam mo 'yun? Tingnan mo nga 'yang buhok mo? Bakit nakatali 'yan? At ano 'yang suot mo?" hinagip n'ya ang aking t-shirt na tila diring-diri ito. "Nakakadiri parang binili mo lang sa talipapa, yuck!"

Ang intrimitidang bakla, at mas nauna pang pumasok sa loob ng bahay, habang inila-lock ko ang gate.

"Nagparito ka lang ba para laitin ako?" Nang makapasok na ako sa loob ng bahay. Naka sitting pretty na ito sa aming sofa. Naka-upo ito na akala mo, kung sinong Reyna.

"'Yung totoo?" Taas-kilay n'yang sagot, "Oo. Joozeko bestie, ano ba naman 'yang itsura mo? Nabuntis ka lang nagmukha ka nang dukha. At saka, ano bang ginagawa mo rito sa bahay n'yo at nagkukulong ka? Pinagbabawalan ka bang lumabas ni kuya Jasper?"

"Hindi naman. Tinatamad lang akong lumabas. Ang init kasi. Tapos lumalaki na 'tong tiyan ko."

Sinipat n'ya ang tiyan ko.

"Ano ba 'yan? Paano na ang figure mo 'day? Parang kailan lang tayo niregla at pinamukulan nagpabuntis ka naman agad? Joozeko naman Jordanna, h'wag mong sabihin na wala ka nang balak i-enjoy ang pagiging babae natin?"

May 'tayo' at 'natin' talaga s'ya?

"Hindi ko naman ine-expect na mabubuntis ako agad." Habang umuupo na ako sa tabi n'ya, "Ano ba talaga ang sinadya mo rito?"

"Labas naman tayo. Shopping tayo. Kailangan ko kasi ng mga bagong pairs of shoes na babagay sa gown ko." Dinukot n'ya ang compact powder sa kanyang purse, binuksan, nanalamin at saka pinulbuhan ang kanyang ilong.

"Gown? Para saan?"

Sinamaan n'ya ako ng tinigin bago n'ya isinilid muli ang kanyang compact powder.

"Nakakalimutan mo na ba na ako ang crowned Miss Gay Bikini?"

"So?"

"Anong so? Kailangan ko ng gown at new shoes na babagay sa aking tiara at sash. Naimbitahan kasi akong mag-judge sa isang beauty contest do'n sa amin."

Natawa ako. "Eh bakit naman kailangang naka-gown ka pa? Contestant ka ba?"

"Ano pa? Eh di para bongga ako 'no, at saka, para ma-insecure sa 'kin 'yung babaeng umagaw sa jowa ko."

Napakunot-noo ako. "Anong connect?"

"Isa sa contestants 'yung maharot na babaeng mang-aagaw." Nag-umpisa na itong suminghot. Inilabas nito ang kanyang panyo at buong kalandiang nag-emote, "Walanghiya s'ya, isang butas lang naman ang lamang n'ya sa akin ah." Inipit ko ang aking labi para pigilan ang aking pagtawa, "Mas makinis ako sa kanya, mas sexy, mas maputi, mas matangkad. Putang inang p*k-pek n'ya! 'Yun lang naman ang lamang n'ya sa akin ah." Nagbabadya na s'yang umatungal."Naku makikita n'ya...hahanap ako ng paraan para ma-expose ang maitim n'yang kili-kili sa coronation night."

"O, mas maganda ka naman pala, pero bakit parang ikaw pa ang insecure d'yan?" bahagyang tinakluban ko ang aking bibig para itago ang pagkaaliw ko sa kanya.

"Eh kasi nga may matris s'ya ako wala!" Muli s'yang nagpaypay, "Naku, maghintay lang s'ya kapag pinayagan na ako ni Daddy at Mommy na magpa-sex change. Tanginang mga babaeng 'yan! Makikita nila! Manlulugon lahat ang mga bulbol nilang lahat sa sobrang inggit sa akin. Aagawin kong lahat ang mga jowa nila at paluluhurin ko silang sinisipsip ang aking...ang aking...ang aking..mga daliri sa paa. Mga b'wiset!"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon