KABANATA 25

44.1K 1.2K 44
                                    

Jasper’s P.O.V.

Umuwi si Helena.  Luhaan.  Nahuli raw kasi n’ya ang nobyo n’ya, na may dina-date na iba.  Desidido akong bumalik sa Australia para lang wasakin ang pagmumukha ng lalaking ‘yon. Pero pinigilan ako ni Helena.  Wala rin naman daw kasi kaming mapapala kundi gulo at sakit ng ulo.  Wala na rin naman daw s’yang balak bumalik sa Australia, at wala na rin daw s’yang balak makipagbalikan pa sa kaliweteng nobyo n’ya.

“Anong plano mo ngayon?” tanong ko.

“Magpapahinga muna ako, kuya.” Sagot n’ya.

“Pa’no ang pagsusulat mo?”

“Pwede naman akong magsulat kahit saan pa ako naroro’n.” Sagot n’ya, “May internet connection naman tayo dito sa bahay kaya p’wede pa rin akong makipag-coordinate sa Publisher ko ro’n.  And besides, mag-e-expire na rin naman ang contract ko sa kanila. Baka mag-self publish na lang ako after that.”

“Self-publish?  Hindi ba masyadong matrabaho ‘yun?  Bakit hindi ka na lang humanap ng local Publisher dito o sa abroad, ok lang naman ngayon ang long-distance transaction, ‘di ba?”

“I could go either way, Kuya.”  Sagot n’ya, “Bahala na.  Sa ngayon, magpapahinga muna ako. I am kind of having a terrible case of Writer’s block these days.  Wala akong maisulat kahit isang sentence. I need a break, don’t you think?”

“No, that’s not what I think.”  Nginisian ko s’ya.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

“And what’s that supposed to mean, big Bro?” kinurot n’ya ako sa braso.

“I think you need a new boyfriend.  'Yung good boy na.  Ang hilig mo kasi sa mga siraulo eh, ‘yan tuloy.” Tinawanan ko s’ya.

“Ayoko nga sa good boys.” Nakangising sagot n’ya, “Boring.”

“Boring?!  Ano ang mas gusto mo? ‘Yung boring na mabait, o ‘yung exciting na kunsumisyon at sakit lang sa ulo?”

“Gusto ko ‘yung tulad ng Kuya ko.” Kinindatan n’ya ako, “‘Yung astig na bad boy, pero tapat magmahal, yeehee!” Nanunuksong kinurot n’ya ako sa tagiliran.

“Sorry sis,” Kumindat ako pabalik, “Nag-iisa lang ako sa mundo eh.”

“Kapal talaga ng mukha mo, ‘no?” inirapan n’ya ako; nakangiti pa rin naman.

“O, ikaw ang nagsabi, tapos ako pa ngayon ang makapal ang mukha? Bakit ba hindi na lang kasi si Paolo ang sinagot mo?!”  Panunukso ko.

“Pwede ba, don’t say bad words, Kuya? Para namang hindi ko alam na kaya mo ipinagduduldulan si Paolo sa ‘kin, dahil masyado kang threatened sa kanya. Dahil aminado ka, at alam mo d’yan sa puso mo, na gusto rin s’ya ni Jordanna, bukod sa 'yo!”

“Excuse me, hindi s’ya gusto ni Jordanna ‘no.  Naawa lang s’ya do’n sa tao, dahil binasted mo!” Sumimangot ako, pero tumawa s’ya nang malakas.

“Whatever, Kuya!”  Humahagikhik s’ya.

“Hindi nga!  Bakit ba ayaw mo d’on? Hindi mo ba type?”

Natahimik s’ya.

“Hoy! Kailangan ko ba ulitin ang tanong ko?”

“I heard you, ano ba?!” Nakairap na sagot n’ya.
“Anong sagot? Ayaw mo ba talaga sa mokong na ‘yun?”

“Hindi naman sa gan’on.”

“Eh ano?  What’s stopping you?”

“He’s too good for me.”

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon