KABANATA 74

24.9K 908 112
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Anong plano mong gawin, Ate?" tanong ko kay ate Helena.

Yumuko muna ito, bago umiling at saka muling sinapo ang mukha at umiyak.

Sadyang hinintay ko muna ang pag-alis ni Jazz, bago ko ito muling pinuntahan sa k'warto n'ya.

"Naghiwalay na ba talaga kayo ni Kuya Paolo?"

Tumango ito; nananatiling nakayuko.

"Nag-away ba kayo?"

Muli s'yang tumango.

"Third party?"

Hindi s'ya kumibo.

"Is there somebody else besides him?"

Nagulat s'ya sa tanong ko; nananatiling nakaiwas ang tingin n'ya sa akin.

"Ate, hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa, pero gusto kong malaman na nandito lang ako, ha?"

"May sarili ka ring problema, dadagdag pa ba ako?" humihikbi ito; nakatingin na sa akin.

"Ate naman." Hinawakan ko ang mga kamay n'ya; lalo naman itong umiyak sa ginawa ko. "You're like a real sister to me, sino pa bang magdadamayan kundi tayo? Ano ba talaga ang inaalala mo? A-ano ba talaga ang nangyayari sa 'yo?"

Ilang minuto rin s'yang tila nag-iisip. Tila naghahagilap ng tamang salita.

"Masyadong complicated, Jordanna." Aniya, "Hindi ako sigurado kung maiintindihan mo."

"Dahil ba 'yan sa bata pa 'ko?" nanlulumong wika ko, "O dahil sa tingin mo, ganung nga ako katanga."

"No!" S'ya na ngayon ang humawak sa mga kamay ko, "It's definitely not the latter, Jordanna. Yes, it's more like, bata ka pa. Hindi ko alam kung maiintindihan mo ang kalokohang pinasok ko simula nung mga panahong..."

Natigilan na naman ito.

"Panahong ano, Ate?"

"Nung mga panahong...kasing-edad mo lang ako."

"Nung eighteen ka?"

"O-Oo..."

"Pero kung matagal mo nang pinasok ang kalokohang 'yun? A-anong kinalaman no'n sa problema mo ngayon?"

Napabuntong-hininga ito, "Ikuk'wento ko sa 'yo ang detalye pero sa isang kundisyon, Jordanna."

"Anong kundisyon, Ate?"

"Na hindi mo sasabihin ang tungkol dito kahit kanino. Lalong-lalo na kay Kuya at sa mga magulang ko."

Natulala ako sandali. "Oo, sige Ate."

"Mangako ka muna." Itinaas n'ya ang kanyang kanang palad na tila nanunumpa.

Itinaas ko rin ang kanang palad ko. "Pangako."

Makailang beses itong nabuntong-hininga bago nito sinabing..."I joined a cult, a secret society. A secret sex society."

***

"Kamusta ka na, ba?" tanong ni Andre, sa pagbisita nilang dalawa ni kuya Josh sa bahay. Narito kami sa aming salas.

"Okey lang." Mahina kong sagot.

"You don't look, 'okey lang' to me." Kumakain ito ng strawberry na isinasawsaw n'ya sa whip cream.

Nagkibit balikat ako; napapatingin kay kuya Josh na siryosong-siryoso sa pag-abubot sa kanyang cellphone.

"Ba't ganyan ang mukha mo, Kuya?" hindi ko na natiis. Mukha kasing problemadong-problemado ang hitsura n'ya. "May problema ka ba?"

Sumulyap ito sa akin at nagbuntong-hininga, bago muling ipinagpatuloy ang pagta-type sa cellphone n'ya.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon