KABANATA 1

108K 1.6K 237
                                    


Jordanna's P.O.V.

"Saan ka na naman nanggaling? Madilim na sa labas ah!" Pagbungad sa akin ng Daddy ko, na sa tingin ko, kanina pang parang tangang nakaabang para sa pagdating ko sa bahay. Nakaupo ito sa pinakamadilim na bahagi ng aming salas, na para bang, sinadya nitong pumuwesto ro'n, para lang gulatin ako sa pagdating ko.

"Sa kaklase ko lang po Dad, gumawa ng project."

Gustuhin ko mang sumagot nang pabalang, sinunod ko na lang ang bilin ni Mommy. H'wag na h'wag raw akong sasagot nang alanganin sa kanila ni Daddy. Ayon sa kanya, kahit daw ga'no pa katindi ang pagkayamot ko, dapat ko raw parating isasaalang-alang ang dignidad ng aking mga magulang. Sinabi rin n'ya, na para raw hindi na mas lumala pa ang sitwasyon, h'wag ko raw dapat kalilimutan ang kababaang-loob at paggalang sa tono ng boses ko. Parehas kasing Abogado ang mga magulang ko, kaya, binalaan na rin n'ya ako, na kahit ano pang gawin kong pagtatanggol sa sarili ko, hindi rin ako mananalo. Tama man o mali ang kanilang pangangatwiran, ang magulang ay magulang, na hindi kailanman katanggap-tanggap na sagutin nang pabalang.

Ewan ko ba ro'n sa Mommy ko, parati na lang kasi n'yang ipinagtatanggol ang medyo may topak na Daddy ko. Pero kahit gano'n ang Daddy ko, nakapagtataka naman na pagdating kay Mommy, akala mo, kung sinong maamong tupa ito. 'Ander de Saya' nga ba ang tawag sa mga lalaking takot sa asawa? Gano'n na nga. 'Yun na nga siguro ang tamang itawag sa bossy, striko at moody, pero tila takot naman kay Mommy na Daddy ko.

Maangas ang Daddy ko. Napakasungit rin nito sa aming magkakapatid--maging sa ibang tao. S'ya na nga 'yung tipo ng taong, mag-aalangan kang lapitan, dahil hindi mo alam kung sasalubungin ka nito ng kasungitan. Pero sa kabila ng tila untouchable na personalidad n'ya, nakapagtataka talagang tila asong bahag ang buntot n'ya pagdating kay Mommy. Kahit anong sabihin ni Mommy, nakikinig s'ya; kapag si Mommy ang nakikiusap sa kanya, 'Yes mahal' lang ang parating sagot n'ya. Pero kung ako talaga si Mommy sasamantalahin ko 'yun. Kung ako sa kanya, uutusan ko si Daddy ng kung ano-ano; aalipinin ko ito, para feeling reyna ako. Ang saya siguro kung gano'n, 'no?

"Gumawa ng project? Dis-oras ng gabi?!"

Dis-oras ng gabi? Ala-syete pa lang naman ng gabi ah! Ang nakatatandang kakambal ko nga na si kuya Joshua, wala pa; maging ang bunsong kapatid kong si Joaquin, nasa labas at nagbubulakbol pa rin, pero 'wag ka, sa aming tatlo, kahit na ako ang dumating nang mas maaga, ako lang ang parati n'yang kinagagalitan.

"Ano na naman ba 'yan?"

Hay sa wakas, nariyan na si Mommy. Ligtas na naman ako.

"Eto kasing anak mo," Itinuro ako ni Daddy, "Biling-bilin ko sa kanya, ala-sais, dapat nandito na s'ya. Anong oras na?" tumingin ito sa relo n'ya, "Alas-otso na oh!"

Weh, alas-Otso na raw? Alas-siyete singko lang oh. Ano ba 'yung relo n'ya? Naka-set sa Daylight Savings Time?

Napapailing na lang si Mommy. Alam naman kasi n'yang nuknukan lang talaga ng ka-O.A. si Daddy. 'Yung maliliit na mga bagay, pinapalaki; ang mga unanong problema, nagiging higante. 'Yung usok, nagiging wildfire para sa kanya. Parang babae...daig pa nga ang babae sa pag-e-exagerrate.

"O s'ya, magbihis ka na, anak." Malambing na sabi sa akin ni Mommy, "Tumawag na sa 'kin ang Kuya mo at si Joaquin. Pauwi na sila. Pagkarating no'ng dalawa, bumaba ka na para makapaghapunan na tayo ha?"

"Opo." Humalik at yumakap ako kay Mommy, bago ako umakmang aalis na.

"Hoy, sandali." Eto na naman po si Daddy! (Gigil mode inside) Ano na naman kaya ang ihihirit n'ya?

Lumingon ako sa kanya; nagpanggap na hindi naiinis. "Po?"

"Bakit ako, walang kiss?" itinuturo nito ang kanyang pisngi.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon