KABANATA 19

53.8K 1.3K 123
                                    

Jordanna’s P.O.V.

"kuya Jasper is what?!"  Bulalas ni Andre.

"Shhh.. Ang bungaga mo naman, Drey, halika nga rito!" Hinatak ko ito papalapit sa akin.  Nasa gitna kasi kami ng corridor.

"Ano ba ‘yan Jordanna," Reklamo n’ya, aksidenteng napayapos kasi s’ya sa ‘kin,  Dahan-dahanin mo nga ang paghatak mo! Baka isipin ng madlang crowd dito, tomboy ako 'no!"

"Arte naman nito!"  Sinabunutan ko ito.

"Aray ko naman!" Pumipilantik na inayos n’ya ang kanyang kulot na wig na may silver na ribbon!

"Ano ba 'yan Drey! Para saan naman 'yang wig na ‘yan? Ang init-init eh."

"Pakialam mo ba? Eh sa hindi ako nakapag-blow dry kanina, tinanghali ako ng gising!" Inayos din n’ya ang kanyang extra-large sunglasses.

"Ewan ko sa 'yo. Ang arte lang."

"Tse! Huwag ka ngang inggitera! Kasalanan ko ba, kung mas maganda ako sa 'yo!" Inaayos din ulit n’ya ang kanyang paglalakad, na animo’y nag-e-ensayo ito sa pagrampa.  "Bago lumayo usapan natin.  Inookray mo lang ba ako, o trulaloo ‘yan? Para naman kasing hindi kapanipaniwala."

"Eh sa 'yun nga ang sinabi n’ya eh."

"Naniwala ka naman?!"

"Wala akong sinabing naniniwala ako, ang sabi ko, 'yun ang sinabi n’ya."

"Ay ewan ko sa 'yo Jordanna. Parang hindi naman yata bagay kay kuya Jasper ang maging isang... Street Magician! Eh ano naman ang mga tricks n’ya aber?!"

Ano ba ang sasabihin ko?  Na napigilan n’ya ang isang Aswang na mambiktima ng isang buntis? Ano ako bale? Eh di lalong hindi naniwala ang baklang ‘to!

"Naibabaluktot n’ya ang isang kutsara sa pamamagitan lang ng pagtingin dito." Eh sa 'yun nga ang isa sa mga unang tricks na ipinakita sa akin ni Jasper eh.  "Tapos nakuha n’ya ulit ang minarkahan n’yang silver coin, na inilagay ko sa aking bulsa, nang hindi man lang n’ya ako hinahawakan o nilalapitan.  Tapos 'yung minarkahan n’yang Ace of spades, na inilagay ko sa satchel ni Daddy, biglang napunta na sa loob ng ref in split seconds! As in!"

"Hay nako, baka may daya lang, at dahil pagka-shunga ka, eh nalulusutan ka lang.To see is to believe 'no."

Nakakainis talaga ang baklang ‘to.  Hindi na nga ako pinaniwalaan. Ininsulto pa ako.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved. 

"O, ayan na pala ang Mr. Street Magician mo."  Nang-iinis na sambit ni Andre habang lumalabas kami ng building.  "Hi kuya Jasper!” Biglang sigaw nito na may halong kawag ng kanyang p’wet.

"Hello."  Nakangiting bati naman ni Jasper. Sumasalubong na ito sa amin.

"Honey."  Ako, kasabay ng pag-angkla ko sa kanyang kanang braso. "Pakitaan mo nga ang baklang ‘to ng magic mo."  Nakanguso ako.

"Sige nga... kung totoo nga!" Umangkla naman ang bakla, sa kaliwa ni Jasper.

Sumulyap muna sa akin si Jasper, bago ito bumaling kay Andre at...

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon