KABANATA 28

38.2K 1.1K 151
                                    

Jasper’s P.O.V.

“Ano ka ba naman, Kuya! Pumirmi ka nga!”  Singhal sa akin ni Helena, “Para kang kiti-kiti! Heto, isuot mo na ‘to,”  Isinuot na n’ya sa akin ang barong. “Huwag kang gagalaw, ibobotones ko lang.”

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Para akong nilalagnat na nilalamig.  Hindi pa ako ninerbyos ng ganito sa tanang buhay ko.

“Wow, ang g’wapo naman ng anak ko.” Ani Mommy habang lumalapit ito sa ‘kin; nakasunod n’ya si Daddy. “Lalo mong naging kamukha ang Daddy mo.” Humalakhak ito.

“Pumirmi ka sabi Kuya!”  Singhal ulit ni Helena, “Ang likot mo, hindi ko maibutones nang maayos itong barong mo.”  Bumubulong-bulong din s’ya na tila b’wisit na b’wisit. Nagtatampo pa rin kasi ito sa akin, hanggang ngayon.

“Handa ka na ba?”  Tanong ni Daddy sa akin.  Nakangiti naman s’ya; it’s one of those very rare instances.

“O-opo.” Ninenerbyos talaga ako.

“Bakit ba nanginginig ka d’yan?!” Nakasimangot na tanong ni Helena, nang matapos na n’ya sa pagbobotones sa barong ko.  “Gusto mo bang umatras?”

“Hell no!”

“Oh, e bakit ka ganyan?”  Nakapamaywang na ito, “Hindi ba dapat, excited ka? Hindi ‘yang mukhang nerbyos na nerbyos ka na hindi ko maintindihan.”

“Natural ‘yan, anak.”  Pagsambot sa akin ni Daddy.  “Natural ‘yan sa isang lalaking ikakasal.”

“Kahit gusto n’yo naman ang pakaksalan n’yo?” tanong ni Helena kay Daddy.

“Mas lalo kapag gustong-gusto mo ang pakakasalan mo.”  Tatawa-tawang sagot ni Daddy, “Ito kasi ‘yung isa sa mga pagkakataong hindi mo maintindihan kung gusto mong pabilisin o pabagalin ang oras.  Pabilisin para makasal na kayo. Pabagalin naman para hindi matapos agad ang espesyal na okasyon.”

“O, baka ma-late na tayo.”  Pagsingit ni Mommy. Tumitingin ito sa kanyang relo. “Tayo na sa sasakyan, naghihintay na ro’n ang lola Mo.” Nakatingin ito sa akin.

Dahil mabilisan ang aming paghahanda, sa isang maliit na kapilya lamang kami nakapagpa-reserba ng araw ng aming kasal.  Punuan na kasi sa mas malalaking Katedral, na ang kalakaran, kailangang magpapareserba ka muna ng ilang buwan hanggang isang taon bago kayo ikasal.  Tamang-tama lang naman ang kapilya para sa amin. Malalapit na kaibigan at kaanak lang naman ang aming inimbita. Masuwerte lang talaga siguro ako at hindi maarte si Jordanna. Kaya ayos lang sa kanya ang simpleng kasalan lang.

“O, ano naman kaya ang nangayayari?!”  Bulalas ni Mommy.  Nakatanaw ito sa harapan ng kapilya habang papalapit do’n ang aming sinasakyan.

Sinilip ko ang tinatanaw n’ya, tilay mayro’n kasi ro’ng kaunting kaguluhan.

“What the hell?!” Bulalas ni Helena na nasa aking tabihan.  S’ya ang nasa gitna namin ni Lola.  Ako ang nasa kaliwa.  “Is that ate Zoe?!”

“I think so.”  Sabi ni Mommy. Humihinto na ang aming sinasakyan.  “Jasper, stay put.  Huwag kang lalabas.” Sabi n’ya sa akin, bago umamba palabas ng kotse, “Ako ang haharap.”  Pahabol n’ya. “Helena,” Pagbaling n’ya kay Helena, “Come with me.”

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon