KABANATA 29

38.4K 1.4K 364
                                    

Jordanna’s P.O.V.

Hindi ko alam kung bakit mukhang aburidong-aburido si Jasper.  Akala ko pa naman mas excited pa s’ya kaysa sa ‘kin. Pero sa unang tingin ko pa lang sa kanya ngayon, tala ba, lungkot na lungkot ito.  Naapektuhan kaya s’ya ng pagwawala ni ate Zoe kanina? Ano kayang iniisip n’ya? Bakit parang hindi s’ya masaya?

"A-are you ok?"  Tanong ko, habang nakatayo na kaming dalawa sa gitna ng altar.

Hindi s’ya kaagad nakapagsalita.  Sa halip, tiningnan lang n’ya ako, na tila iiyak na.

"Hey... ok ka lang ba?"  Hinaplos ko ang braso n’ya.

"Mahal na mahal kita Jordanna,"  Aniya, habang nag-uumpisa nang magsalita ang Pari ng kanyang mga seremonyas. "Pero sana... sana mapatawad mo ‘ko."

Nanliligid ang mga luha n’ya.

Kinakabahan ako.  Bakit s’ya nagkakaganito?  Bakit s’ya umiiyak?  Bakit s’ya humihingi ng tawad?

"A-anong ibig mong sabihin, Jazz?"

Hindi s’ya umimik, sa halip, hinalikan n’ya ang mga kamay ko, ang mga labi ko, at pagkatapos ay bigla na lamang s’yang umalis, at iniwan ako sa altar.

Shit!  What is happening?

"Jasper!" Narinig ko sigaw ni tita Helga? Habang lumalakad papalabas si Jasper.

"Putang ina! Anong kagaguhan ito?!"  Sigaw ni Daddy.

"Kuya!"  Sigaw ni Helena.  Tumakbo ito at hinabol ang kanyang kapatid.

"Jordanna, Hija." Wika ni Tita Helga. Akmang papalapit na ito sa akin sa altar pero hinarangan ito ni Daddy.

"Anong kagaguhan ‘to, Helga, Jason?!"  Galit na galit na si Daddy sa mga magulang ni Jasper, na tila mga gulat na gulat din sa ginawa ng kanilang anak.

"Hindi ko rin alam."  Umiiyak na sagot ni tita Helga. Pilit itong lumalapit sa akin.  "Maniwala ka sa ‘kin Jon, hindi ko rin alam."

Nilapitan ako ni Mommy. Umiiyak din ito para sa akin.  

"Hinding-hindi ko makakalimutan ang kahihiyang ginawa n’yong ‘to sa amin!"  Galit na galit na sigaw ni Daddy habang dinuduro ang mukha ni tito Jason. "Tinanggap namin ang alok n’yo.  Kayo ang lumapit sa pamilya namin, hindi ako! Tinanggap ko ang anak n’yo nang buong-buo. Tapos gaganituhin lang pala n’ya ang anak ko?! Putang ina n’ya! Putang ina n’yong lahat, lalong-lalo na ang inyong anak!"

Lumingon sa akin si Daddy at hinila ako sa braso.

"Halika na Jordanna, umuwi na tayo."  Sinensyasan n’ya sina Mommy, kuya Josh at Joaquin. "Halina kayo!" Dumaraan na kami sa kinauupuan nina tito Bernard at tito Art, kasama ang kanilang pamilya nang sinabihan ni Daddy ang mga ito nang, "Mamili na kayo, kung sino ang kakampihan n’yo! Dahil simula sa araw na ‘to kung sino ang sasamahan kami ngayon, sila na rin lamang ang ituturing kong mga tunay kaibigan!" Lumingon ito sa side nina tito Jason, tito Luke at tito Tristan, "Magkalimutan na!"

"Teka Jon,"  Paghabol kay Daddy no tito Luke? "Bakit naman kami nadamay?" Nasa likuran na nito si tito Tristan.

"Bakit?” matapang na sagot ni Daddy, "Sa akin ka ba kakampi?"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon