KABANATA 61

22.7K 938 55
                                    

Jasper's P.O.V.

Lumipas ang hapunan, hindi pa rin ako kinikibo ni Jordanna. Hindi ko na naman ito pinilit pa dahil ayokong makahalata sina Paolo at Helena na nagkakaproblema kaming mag-asawa. Dumiretso ito sa k'warto, habang ako nama'y tumamabay muna sa salas, kasama ng magkasintahang daig pa ang mga ahas na sawa kung maglingkisan.

Nasa gitna kami ng pagkuk'wentuhan nang may narinig kaming lagabag mula sa aming k'warto. Lagabag na sinundan ng tunog nang tila nabasag na salamin ng bintana.

Dali-dali kong pinuntahan ang aming kuwarto; sumunod naman sa akin ang dalawa. Sa aming pagpasok, nakita ko na agad ang nabasag na salamin ng bintanang tila mayro'n ditong sapilitang lumabas. May biglang lumagabog sa loob ng kabinet; napatingin kaming tatlo ro'n, at saka lang namin napansin na may gumagalaw nga ro'n sa loob na tila nagpupumilit makalabas. Tiningnan ko ang magkasalubong na handle ng dalawang pinto, at saka ko lang napansing may naka-angklang kawad na hanger do'n. Agad ko namang tinanggal ito para mabuksan ko ang pinto ng kabinet.

"Honey!" Tila batang umaatungal na yumakap sa akin si Jordanna matapos kong buksan ang kabinet.

Pawis na pawis ito at basang-basa ng luha ang buong mukha.

"Anong ginagawa mo sa kabinet?" Tanong ni Helena; inilalayan ko si Jordanna hanggang sa makaupo ito sa gilid ng aming kama.

Umatungal ito nang mas malakas—at humikbi sandali, bago ito kumalma para magsalita, "'Yun din ang tanong ko eh, anong ginagawa ko sa kabinet?"

Nakakatinginan kami nina Helena at Paolo.

"Hindi mo alam kung bakit ka nasa kabinet?" Kunot-noong tanong ni Paolo.

"Basta't ang naaalala ko lang, pagkaalis ni Jazz kaninang umaga, binuksan ko 'yung kabinet para testingin kung kasya ako sa loob..."

Muli akong napasulyap kay Helena; kapwa kaming nagtataka.

What the heck was she thinking in the first place? Bakit kailangan n'yang subukan kung kasya s'ya sa kabinet? I don't get it. Plano ba n'yang do'n matulog? But, why?

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Sa una, hindi talaga ako kumasya kasi may mga damit sa loob." Humihikbing pagtutuloy n'ya."Kaya ang ginawa ko, inilabas ko lahat ang mga nakatiklop." Itunuro nito ang mga nakatiklop na damit sa ibabaw ng aming dresser, kung saan ako kumuha ng damit kanina. "At saka 'yung mga naka-hanger." Itinuro naman n'ya 'yung isang tambak ng mga naka-hanger na damit namin, sa may paanan ng aming kama. "Pagkatapos no'n, pumasok na ako sa kabinet. Pero wala pang isang kurap, bigla na lamang may nagsara ng pinto habang nasa loob ako. Akala ko nga si Jazz kasi wala naman si ate Helena. Kumakatok ako mula sa loob at nagsisigaw. Umiyak na nga ako, pero wala namang nakakarinig sa 'kin. Hanggang sa, nakatulog na ako sa pag-iyak. Tapos—"

"Are you trying to tell me na nasa loob ka na ng kabinet natin since this morning after I left?" tanong ko.

Tinignan n'ya ako nang matalim, "Kasasabi ko lang 'di ba?"

Napatinging muli ako sa magnobyo; bakas sa mukha ng mga ito ang pagtataka.

"Honey..." Pang-ungot ni Jordanna; nakayapos na ito sa braso ko. "Gutom na gutom na ako." Tila naiiyak ito "Hindi pa ako nanananghalian at naghahapunan."

Kumpirmado. Hindi nga s'ya ang kasalo namin kanina. At ibig sabihin din no'n, hindi rin s'ya ang nagsungit at sumampal sa 'kin kanina, so...ang ibig sabihin, hindi rin ito ang niyakap at hinalikan ko?

Oh shit!

Pa'no pala kung lalaking engkanto 'yun?

***

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon