KABANATA 88

21.2K 809 99
                                    

Jordanna's P.O.V.

Hindi nila kailangang malaman na sadyang isinasangkalan ko ang sarili ko para makuha nila ako. Otherwise, mas malamang sa hindi, na magsususpetsa kaagad si Lucio sa mga binabalak ko. I have to prepare myself to resist capture to the most believeble way possible, even if it could possibly endanger my life and well being.

I have to put them up in a good fight. Dahil hindi naman lingid sa kanila ang kakayahan kong makipagbakbakan. I have to act in a manner na ayoko talagang sumama sa kanila, kailangang maging kapanipaniwala rin ang pagsuko ko sa kanila. Hindi pwedeng basta-basta. Kailangang pahirapan ko muna sila. Para naman may maisumbong sila sa kanilang amo, na hindi basta-basta nadadakip ang isang katulad ko. May mga masasaktan muna sa kanila, susuko o mamatay.

Kung kailangan kong magpanggap na nanggigigil ako? Gagawin ko. Nasasaktan, umiiyak at nagagalit para mapagtakpan ang tunay kong pakay, gagawin ko rin. Manhid na nga yata ako sa kahit anong tunay na emosyon. Ang magpanggap na nga lang siguro ang kaya kong gawin ngayon. Tulad ng nakasanayan ko na; ako at ng... Daddy ko. Ang nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ko ng sikreto namin ni lola Marietta.

***

"Gaano katagal?" mababa ang boses ni Daddy. Garalgal, habang nagsasalita itong nakatalikod sa akin. Nakatanaw ito sa malayo, habang nag-uusap kami sa aming balkunahe.

"Hindi ko po alam. Basta...matagal." Mahina rin ang aking pagkakasagot; iniingatang walang makarinig sa mga kasama namin sa bahay. Lalo na si Mommy.

Humarap sa akin si Daddy; nanliligid ang mga luha. He's shaking. Halatang pinipigilan ang matinding emosyon. "Hindi mo kailangang gawin ito."

"Alam ko po."

"Pero bakit mo pa rin gagawin? H'wag mong sabihin na para pa rin ito sa tarantado mong..." Hindi ito makahagilap ng tamang salitang itatawag kay Jasper.

"Para sa ikabubuti ng lahat."

"Lahat? Lahat ng ano?"

"Lahat ng mga tao sa mundong ating ginagalawan."

"Hindi mo responsibilidad ang iligtas ang mundo, Jordanna."

"Pero responsibilad kong gawin ang aking bahagi para sa ikabubuti ng mas nakararami. Ikaw nga mismo ang nangaral sa akin n'yan 'di ba? Ang sabi mo sa 'kin, hindi mo rin kayang iligtas ang mundo, ang kaya mo lang gawin ay ang gampanan ang maliit bahagi mo sa kabuuan. Sa bawat kriminal na 'yong naipakukulong, sa bawat isang taong naililigtas mo sa masasamang tao at sa bawat pagkakataong naitataguyod mo ang hustisya, may nagagawa ka nang pagkakaiba...isang magandang pagkakaiba na makapagpapaluwag sa buhay ng iba."

Muli itong umiwas ng tingin at tumingin sa malayo; ganun din naman ako.

"Gusto kong mangako ka sa akin ngayon Jordanna. Mangako kang uuwi ka at babalikan mo kami." Basag na ang boses nito. Hindi man ako nakatingin sa kanya, alam kong tumatangis na ito.

Nasa kaliwa n'ya ako kaya't hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay na nakakapit sa railings ng balkonahe.

"Alam mong walang kasiguraduhan ang buhay, Daddy. Alam mong walang sino man ang maaaring nakapangakong makababalik pa s'ya sa kanyang iniwan at pinanggalingan, bukod sa Diyos na nakapaparo'n at parito kung kailan man n'ya naisin."

Sa halip na sumagot, niyakap n'ya ako; niyakap ko rin naman s'ya pabalik; at nakisabay na rin ako sa kanyang pag-iyak.

"Maghihintay ako..." Garalgal n'yang sambit. "Hihintayin kita sa madilim na sulok ko sa salas araw-araw."

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon