KABANATA 20

54K 1.4K 213
                                    

Jasper’s P.O.V.

Alien? E.T. Phone home?

Sa una, hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya, o matatawa. Pero habang pinagmamasdan ko kung ga’no ka-inosente ang pagkakasabi n’ya—na sinamahan pa ng kanyang cute na hagikhik, napatawa na rin ako sa kanya.

Lalo tuloy akong nai-engganyo na h’wag na munang sabihin sa kanya, para malaman ko kung ga’no kalayo ang aabutin ng kanyang nakaaaliw na imahinasyon.  Jordanna, is similar to my Mom, but not exactly like her;  but I see a lot of my Mom in her.  Hindi ko lang masiguro exactly kung ano; it could be ‘yung pagiging a little ‘slow’ or it could be something else na hindi ko pa matukoy.

“Bakit?  Paano nga kung totoong Alien kami,” Pakikisakay ko sa trip n’ya, “Aayawan mo na ba ako?”  Kunwari’y seryoso ako.

“Are you trying to tell me na…” Nanlalaki ang kanyang mga mata.  “Alien nga kayo?”

“Paano nga kung gan’on?  Paano nga kung Alien ako?  Aayawan mo na ba ako?”

I want to know kung hanggang saan mo ako tatanggapin, Jordanna.  I want to know the truth.  Kahit nagkukunwari lang ako ngayon, gusto kong malaman kung pa’no mo ako tatratuhin, kung sakaling malaman mo, na hindi nga nagmumula sa mundong ito, ang dugong nanalaytay sa mga ugat ko.  

Gusto kong malaman ngayon pa lang, kung maibubuhos ko ba sa ‘yo ang lahat ng katotohanan tungkol sa pagkatao ko; o kung mas makabubuting panatalihin ko na lamang itong sikreto.

“Ahm,” Tila hindi ito mapakali.  Pinipisil-pisil n’ya ang kanyang mga kamay, “Depende siguro.”

“Depende saan?”

“Depende kung saang planeta kayo nanggaling.”

Nangunot ako.  Napakamot.  Pilit inaarok, kung ano na naman kaya ang tumatakbo sa kanyang, medyo kakaibang pag-iisip.

“Ano naman ang kaso kung saang planeta ako nanggaling?”
“Ahm.”  

Mas lalong tumindi ang pagpisil n’ya sa kanyang mga kamay.  Nagpaparoo’t-parito ito.  Hindi mapakali.  Nag-aalala.

Ano kaya?

Hindi pa man din n’ya alam kung ano talaga ako, hindi na ba n’ya ako matanggap?  Nag-iisip na ba s’ya ngayon ng alibi kung papa’no s’ya makikipagkalas sa akin?

H’wag naman sana.  Pero kung mangyari man 'yun...babawiin ko. Kasama na sa plano ko ang sabihin sa kanyang nagjo-joke lang ako.  Na hindi naman talaga ako Alien.  Na tine-testing ko lang talaga kung ano ang magiging reaksyon n’ya.

Dahil hindi...

Hindi ako makapapayag na mawala s’ya sa akin.  Kung kinakailangan kong magsinungaling buong buhay ko, papasanin ko, masiguro ko lang nand’yan lang s’ya sa tabi ko.

Ganun ko s’ya kamahal.  

Ganun ko s’ya kagusto.

Kung kinakailangan kong magpanggap na isa lamang akong ordinaryong tayo, sa buong buhay ko, mas mamatamisin ko.  Kaysa naman ang manatili sa mundong ito na wala s’ya sa buhay ko.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon