KABANATA 99

11.8K 481 111
                                    

Jasper's P.O.V.


Tila sasabog na ang ulo ko sa sobrang pag-iisip. Ano ba ang gagawin ko? Pa'no ko ba matatapatan ang matagal na pinagplanuhan ng Lola ko? Hindi pa nakakatulong itong, halos mamilipit na ako sa kakaisip, nginingisian pa ako ng demonyong si Lucio na tila ba nangungutya pa ito. Lalo tuloy ako nabablangko at natataranta; bagama't hindi ko naman ito ipinahahalata sa kanya.

"J-Jazz?" Tinapik ako ni Jordanna sa balikat. Nagulat ako. "J-Jazz!" Napalingon na ako sa kanya. Nakatingala ito. Sinundan ko ang kanyang tinatanaw. "What the he—" Napanganga ako sa nakita ko; gayun din si Lucio at lola Senda.

Nagdidilim na ang kalangitan. Nagsimula na ang paglitaw ng maiitim na ulap sa bandang itaas ng isla ng Kapa'akai. Nag-umpisa na rin itong kumalat papunta sa lahat ng direksyon mula ro'n. May halo itong mga kulog at kidlat, at may maitim na butas na animo'y puyo sa mismong itaas—sa tapat ng himpapawid, ng isla.

"Parating na sila." Mahinang sambit ni Lucio. Napapanganga rin ito sa aming nakikita.

"Parating na sino? Ano bang nangyayari?" Tanong ni lola Senda kay Lucio.

"Hindi..." Napapailing si Lucio. "Hindi maaari!" Hinahabol nito ang kanyang paghinga. "Hindi maaaring mangyari 'to!" Sinabunutan muna nito ang sariling buhok bago ito humiyaw; nagsisigaw at nagwawala, na tila mayro'n itong matinding ikinagagalit at ipinagpoprotesta.

"Ano bang nangyayari Lucio?" Sinusubukan itong pakalmahin ni lola Senda, "Ano ang hindi p'wedeng mangyari?"

"Ang Diyablo..." Sambit ni Lucio. Bahagya na itong kumalma. "At ang iba pang mga nangrebeldeng anghel na may matataas na katungkulan sa kanilang mga teritoryo sa himpapawid (1). Paparating na sila lahat." Napaupo ito sa malaking bato. Yumuko at itinuon ang kanyang mga siko sa ibabaw ng kanyang mga tuhod. Muli nitong hinagod ang kanyang buhok, bago nito muling sinabunutan ang sarili sa gano'ng p'westo. "Hindi ko akalain na maging sila'y papanig na rin kay Marietta! Hindi p'wede 'to." Tiningnan n'ya ang kanyang mga braso. Wari'y may hinahanap ito pagbabago sa kanyang balat. "Kung nasa panig na sila ni Marietta...katapusan ko na rin." Nang-umpisa na itong manginig. "Mga traydor!" Biglang sigaw nito. Nakatingin ito sa maiitim na ulap na malapit nang makarating sa tapat namin. "Ano pa nga ba ang aasahan ko sa mga demonyong nagtraydor din sa Diyos?" Halos pabulong na ang mga huling pangungusap nito.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Ibig sabihin ba nito, sasakupin na nila ang mundo?" Tanong ni Jordanna kay Lucio. "Katapusan na ba ng mundo?"

Nagbuntong-hininga muna si Lucio bago ito tumayo para muling pagmasdan ang kinalalagyan ng puyo sa himpapawid. "Hindi pa...pero ito na ang hudyat sa nalalapit na pag-uumpisa ng katuparan ng propesiya tungkol sa 'matinding kapighatian'(2) ng 'sangkatauhan sa ibabaw ng lupa. Umpisa na ng nalalapit na pagsapit mga kaguluhan, digmaan, salot at mas pinatinding paghihirap ng bawat tao sa bawat lahi at bansa."

Lalong lumakas ang tunog ng kulog; dumalas na rin ang pagguhit ng kidlat. Kasunod noon ang nakabibinging ingay na maihahalintulad sa tunog ng mga trumpeta at tinig mga demonyong sabay-sabay na nagsasalita, umaangil at naghihiyawan sa bandang itaas. Tiningala namin ang lahat ng direksyon pero wala naman kaming nakita.

"Panginoong Lucio!" Pagtawag ng isang tik-tik na lumilipad sa bandang itaas. May kabuntot itong hindi lamang iisang daang kalahi nito. "Tumungo kayo sa bandang kanluran!" Hiyaw nito; itinuturo ang direksyon ng kanluran. "Alam nila na naririto kayo, magmadali kayo, parating na sil—" Isang pana ang bigla na lamang pumailanlang mula sa kakahuyan. Dumiretso ang pana mula sa ibaba, tumagos papunta sa lalamunan nito, at lagpasan sa ulo nito. Bumagsak ito mula sa himpapawid, gayun din ang mga kasamahan nitong pinagpapana rin ng mga hindi nakikitang nilalang mula sa ibabang bahagi ng kanilang kinaroro'nan. Tinantiya ko ang layo ng kinaroro'nan ng mga pumana sa mga ito. At sa aking palagay, hindi na ito lalagpas pa sa kalahating milya.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon