KABANATA 105

14.2K 558 64
                                    

Jordanna's P.O.V.

Six months later...

"Ewan ko naman dito sa Daddy mo Jordanna," Naaburidong wika ni Mommy. Nagpaparoo't parito ito sa loob ng k'warto. "Kung kailan naman kabuwanan mo na, saka naman sumumpong na mag-host ng reunion ng barkada nila rito sa bahay. Pero kesyo hindi raw available ang bahay nina tito Bernard mo dahil inaayos daw ang landscaping nito; hindi rin daw p'wede sa bahay ng tito Art mo dahil may pa-party rin daw ang tita Laura mo."

Sa sobrang laki ng tiyan ko, hindi na halos ako makatayo, kaya daig ko pa ang lumpong hinahagilap ang wheelchair na kinuha nila para sa akin. "Di bale mommy, hindi na lang po ako lalabas. Dito na lang po ako sa loob ng k'warto. Tutal, ang alam naman nila, nasa ibang bansa ako. Ok lang ako Mommy, 'wag ka nang ma-stress."

"Anak..."Inalalayan ako ni Mommy paupo sa wheelchair ko, "Ang putla-putla mo na. Naka-inom ka na ba ng pre-natal vitamins mo?"

"Oo, Mommy."

Nagbuntong-hininga ito, "Ang payat-payat mo na anak. Nag-aalala na talaga ako para sa kalusugan mo. Kaya mo pa ba?"

"Every other day naman akong pinupuntahan ng OB ko rito, Mommy. At sabi naman n'ya, malulusog naman ang mga anak ko."

"Hindi ang mga apo ko ang tinutukoy ko, kundi ikaw."

Hindi na ako nagsalita. At this point, wala na talaga akong pakialam sa sarili ko. Ang mahalaga, mailuwal ko nang maayos ang mga anak ko. Kung ano man ang mangyari sa akin, hindi na ako nag-aalala dahil nariyan naman ang mga magulang ko para alagaan sila...at si Jasper, kapag nalaman na n'ya. Sigurado akong matutuwa 'yun kapag nalaman n'yang nailuwal ko nang maayos ang mga anak n'ya, kahit na maging katumbas pa 'yun ng buhay ko. Makabawi man lang sa kapabayaan ko noon; at para hindi na rin siya magalit sa akin kahit wala na ako. Tatlo man ang naiwala ko, apat naman itong ipinalit ko. Bawing-bawi na ako; may bonus pang isa.

***

"I still can't believe you haven't told that scumbag, about your pregnancy. Tingnan mo nga 'yang hitsura mo?" Ang usual na panenermon sa akin ni kuya Josh, simula nang malaman n'yang buntis ako. "Nag-iisa kang naghihirap at nakakulong dito sa bahay; dito sa k'warto mo, habang s'ya, ayun! Nakikipag-date na naman yata kung kani-kanino. Masyadong sinusuwerte ha?!"

Kung dati, sumasagot pa ako, ngayon, pinababayaan ko na lang s'yang magsalita. Napapagod na rin kasi akong magpaliwanag, gayun din ang paulit-ulit na alalahanin na, pagbali-baliktarin man ang mundo; nabuntis man ako o hindi, wala na akong kabuluhan pa kay Jasper. Na...hindi na n'ya ako gusto, or worse, tulad ng sinabi n'ya, na-brainwash lang siguro s'ya at hindi naman talaga n'ya ako gusto talaga. Ang sakit. Ang sakit-sakit pa rin kapag naalala ko, pero ano ba ang magagawa ko? Nangyari na ang lahat, at kung totoong pinaikot lang din s'ya ng Lola n'ya para ikundisyong mahalin ako, wala rin s'yang kasalanan kung tutuusin. Biktima lang din s'ya ng pagkakataon, tulad ko.

"Kuya, magpapahinga na ako." Mahinang sabi ko kay kuya Josh. "Tulungan mo naman akong humiga oh."

Tinitigan ako ni kuya Josh na tila iiyak na. "Jordanna." May tumulong luha sa kanyang kanang mata. "Bagsak na bagsak na ang katawan mo, kung may maitutulong sana ako para mabawasan ang paghihirap na nararamdaman mo..."Lumuhod ito sa harapan ko at saka umiyak ng nakasubsob sa kandungan ko.

"Ok lang ako Kuya..." Hinaplos ko ang likod ng kanyang ulo. "Nandyan ka naman para sa mga anak ko di ba?"

Bigla s'yang tumunghay at tumingala sa akin, "Bakit ba kung magsalita ka parang nagpapaalam ka na? Ano ba talaga ang nararamdaman mo?! Tapatin mo nga ako?!"

Umiyak na lang din ako kaysa ang sagutin pa ang kanyang tanong. Paano ko ba sasabihing...'nanghihina na ang katawan ko kuya. Hirap na hirap na ako. Kinakaya ko na lang ang manatiling buhay at lumalaban, alalang-alang sa mga anak ko, pero...hindi ko alam kung hanggang kailan ako tatagal. Sana, kahit man lang hanggang sa huling minuto, umabot ako. Marinig ko man lang sana ang kanilang pag-iyak; o maramdaman ko man lang ang kanilang balat.'

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon