KABANATA 49

29.9K 1K 85
                                    

Jordanna's P.O.V.

Bago pa man kami makapasok sa loob ng—diumano'y silid ni Lucio, "Trina! Nilulusob tayo nina Jasper!" Hiyaw ng isang grupo ng mga aswang habang tumatakbo papalapit sa amin.

Ang asawa ko? Narito na ang asawa ko? Pero teka lang, sino kaya ang kasama n'ya kung karamihan sa kanyang mga kakampi ay nasa piitan pa sa ilalim ng gusali?

Naku, kumusta na kaya sina uncle Manuel at auntie Astrid?

"Magmadali kayo!" Sigaw ni Trina, na daig pa ang babaeng Amazona dahil suot-suot nito. "Abisuhan n'yo na si Ama! 'Yung iba! Sumama kayo sa 'kin!" Akmang aalis na ito.

"Pinunong Trina!" Pagtawag sa kanya ng isa sa dalawang kapreng g'wardiyang may hawak sa akin. "Anong gagawin namin sa babaeng 'to?"

"Ikandado n'yo diyan sa loob ng silid ni Ama!" Naiiritang sagot nito. "Bantayan n'yong mabuti 'yan o malilintikan kayo kay Ama!" Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng mga kapre. Humangos na ito papalayo, kasama ng hindi ko mabilang na dami ng mga aswang na kawal.

"Hala!" Pagbaling sa akin ng isa sa mga Kapreng guwardya, "Pumasok ka na do'n sa loob." Binitbit ako nito sa likuran ang aking kuwelyo, sapilitang isinalya sa loob ng kuwarto, at saka walang isang kurap na isinara at ikinandado ako sa loob. Kapwa silang nanatili sa labas.

Wala na akong nagawa kung hindi ang suyurin ng tingin ang loob ng silid. Isa 'tong napakalaking silid na may magagarang antigong kagamitan. Mayro'n itong isang malaking kama na may kulandong, at isang altar na napapalibutan ng sandimakmak na kandilang may sindi sa paligid. Tinititigan kong mabuti ang malaking istatwang nasa gitna ng mga kandilang iyon—na sa una'y hindi ko masyadong mawari kung ano, dahil sa kulay na purong itim ito.

Istatwa pala iyon ng isang Anghel na walang saplot. May dala-dala itong malaking susing palawit sa isang malaking kadenang hawak-kawak nito. Sa likod nito, may nakatiklop na mga pakpak, at mga hugis na sumisimbulo sa mga apoy na nasa paanan nito.

Mula sa altar, iginala ko pang muli ang aking mga mata. Sa pader na nakaharap mismo sa malaking kamang may kulandong, nakita ko naman ang isang larawan sa oleong may nakaguhit na napakaraming Anghel na nakikipagdigma sa kapwa nila mga Anghel. Nakalagay rito sa isang ginintuang k'wadro na may intricate na design.

Sa pinakaibaba ng kuwadro ay may nakatatak: Har Məgiddô (1).

Nasa gitna ako ng pagtitig sa larawang 'yun nang makarinig ako nang tila nagkakagulo sa labas gusali. Agad akong humanap ng bintana upang sumilip.

Mula sa mataas na bahagi ng gusaling kinaroro'nan ko, nakita ko ang libo-libong mga aswang, maligno at engkanto, na nagmamadaling nagsisilabasan mula sa isang nakakubling lagusan—na kitang-kita naman dito sa anggulo ng bintana sa silid ni Lucio. Iginala ko ang aking mga mata, at hayun! Naaninag ko na si uncle Manuel at auntie Astrid, na sa awa ng Diyos ay mukhang nagtagumpay sa pagpuslit sa piitan. Lahat sila'y may kanya-kanyang hawak na sandata, na marahil ay nakuha nila sa mga tagapagbantay na tinakasan nila.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

Habang nagsisilabasan pa ang marami sa kanila sa lagusa'y s'ya namang pagsugod ng mga kauri nila mula sa kampo nina Lucio. Hindi ko na masikmurang mailarawan pa ang detalye ng una nilang salpukan. Basta't ang alam ko, napakadugo nito. Marami ang bumagsak na patay mula sa magkabilang kampo. Habang dumadanak ang dugo sa labas, napapikit na lamang ako at nag-umpisang umiyak.

Sobra-sobra na ngayon ang pag-aalala ko sa asawa ko. Kung totoo ngang nandirito ito sa teritoryo ni Lucio, ano ba ang pag-asa n'ya—o namin, na makalabas pa nang buhay rito? Mukhang imposible, at talagang imposible, kaya naman hindi ko na maiwasan ang hindi isipin na katapusan na namin ito.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon