KABANATA 45

32.1K 1.2K 169
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Pasensya na sa inyo." Naiilang na sabi ng babaeng ipinakilala nila sa akin na si Alyssa. Nakatingin s'ya sa amin ni auntie Astrid. "A-ano kasi ma—"

"H'wag mo kaming intindihin, Alyssa." Pagsingit ni auntie Astrid. "Hindi na naman kami inosente ni Jordanna. Hindi ba Jordanna?" Siniko ako nito.

"P-po?! O-opo."

"Pero, mukhang bata pa s'ya eh." Sagot ni Alyssa kay auntie Astrid. Sumusulyap-sulyap ito sa akin.

"Ito?" reaksyon naman ni auntie Astrid habang itinuturo ako, "Bata pa talaga 'to." Bumaling ito sa akin at, "Ilang taon ka na nga ulit, hija?"

"Eighteen po."

"Eighteen?!" Bulalas ni Alyssa. "Bata pa nga, Naku!" Naaaburido. Kinakagat-kagat nito ang kanyang mga kuko sa kanang kamay.

Tinapik s'ya ni auntie Astrid at, "H'wag kang mag-aala, Alyssa. Bata pa nga 'yan pero may asawa na 'yan."

"Ha?"

"Oo, ito ang asawa ni Jasper." Sagot ni aunti Astrid habang tinatapik-tapik ang aking likuran. "Kilala mo naman si Jasper hindi ba? Anak 'to ni Jonathan Romero. Kilala mo rin naman si Jon di ba?"

"Anak ka ni Jon?!" Muling bulalas ni Alyssa. Nanlalaki ang mga mata.

"Opo." Sagot ko.

"Kay Ella?" nakatingin ito kay auntie Astrid.

"Naku hindi." Sagot naman ni auntie Astrid. "Hindi naman sila nagkatuluyan ni Jon eh. Anak ito ni Jon sa napangasawa n'yang si Abby. Pero malamang hindi mo na kilala si Abby, dahil hindi naman sa University natin 'yun nag-aral, bukod sa, mas bata 'yun sa 'tin."

"Ah, gano'n ba?" Si Alyssa ulit; titig na titig ito sa akin. "Mabuti naman kung gano'n. Maldita 'yung si Ella na 'yun eh. Mas maldita pa sa akin noong una." Tatawa-tawa s'ya. "Naku, hija. Kamukhang-kamukha mo ang Daddy mo, kamusta na s'ya? Topakin pa rin ba?" Humalakhak ito.

Pa'no ko ba sasagutin ang katanungan n'ya, gayung narito ako sa kulungan kasama n'ya. Na-miss ko tuloy ang Daddy. Kahit naman siraulo 'yun, mahal ko 'yun 'no.

Bago pa man ako nakasagot, may narinig kaming mga yabag na nagmumula sa 'di kalayuan. Nang dahil do'n, natatarantang tila may kinakapa-kapa si Alyssa sa loob ng pouch na nakasabit nang pahiris sa kanyang balikat. May dinukot s'ya ro'n na isang bungkos ng mga susi, at isang manilaw-nilaw na katsang nakatiklop.

"Pasensya na, Manuel." Ninenerbyos na pagbaling n'ya kay uncle Manuel. "Masyado akong naaliw sa pakikipagkwentuhan. Heto," Iniabot n'ya ang isang bungkos ng susi at nakatiklop na katsa kay uncle Manuel, "Pasensya ka na kung natagalan bago ako nakabalik dito. Tinipon ko muna kasi ang lahat ng mga kopya ng mga susi ng lahat ng mga selda. Pati na rin 'tong balangkas ng pasikot-sikot sa buong gusali. Medyo delikado kasi kaya natagalan ako."

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Hindi ba sa sinabi ko sa na 'yo, h'wag mo nang ituloy ang plano mo, kung malalagay ka lamang sa alanganin?" Nag-aalalang sambit ni uncle Manuel matapos n'yang tanggapin ang mga susi, "Papa'no kung may nangyari sa 'yo?" Inihaplos nito ang kanyang kanang kamay ang kaliwang pisngi ni Alyssa. "Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung magkataon."

"Kailan ba ako hindi nalagay sa alanganin?" sagot ni Alyssa, "Mahigit dalawang dekada na akong nasa bingit ng alanganin dito, pero parati naman akong nakakaligtas." Lumingon ito sa labas. Medyo lumalapit na kasi ang tunog ng mga yabag sa aming kinaroro'nan, "Pa'no? Aalis na ako ha?" Inakap nito si uncle Manuel. "Minarkahan ko ang susi ng mismong seldang ito para madali mong mahanap. Nilagyan ko rin ang bawat susi ng bilang, ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga kulungan, mula sa bungad, hanggang sa dulo. Maiigat kayo, ha?" Mangiyak-ngiyak ito, bago kumalas sa pagkakayakap kay uncle Manuel.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon