KABANATA 84

17.8K 802 145
                                    

Jasper's P.O.V.

All the succeeding events after the ratification of the annulment of our marriage are all but to be expected. Galit na galit ang partido nina Jordanna sa aming pamilya, na kahit na ang mga walang kamalay-malay kong mga magulang at kapatid, pinanggigigilan nila. Si tito Jon at si Joshua ang higit na galit na galit sa aming lahat. Though tahimik lang si tita Abby at si Joaquin, hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na masama rin ang loob nila sa amin. Kitang-kita ko ito sa kanilang mga mata, kahit na hindi sila nagsasalita.

Hindi na kami nakapag-usap ni Jordanna simula nang umalis ito sa bahay. Ni hindi na nga rin kami nagkakatinginan man lang sa mata. Parati itong umiiwas kapag nagkakasalubong kami sa courthouse, madalas din itong naka-scarf at naka-shades kaya halos hindi ko na rin nakikita ang kanyang buong mukha.

I may sound cold and unconcerned, but that's just how I intend to handle our unfortunate situation. Ang totoo, ayoko talaga ng ganito. Ayokong tuluyang magkasira kami ng nag-iisang babaeng minahal ko at mahal ko pa rin naman magpahanggang sa ngayon. Pero kapag naiisip ko na ito na marahil ang tamang solusyon para hindi na s'ya madamay sa gulo ng misyong nakaatang sa aking balikat. Mas maganda na nga siguro ang mawalan na muna s'ya ng kinalaman sa akin. Mas malalayo s'ya sa akin, magiging mas malayo s'ya panganib. Mas mabababawasan din ang aking iniisip at inaalala. Hindi ko na rin naman kasi s'ya maaasikaso, daragdag lamang s'ya sa aking mga alalahanin sa tuwing malilingat ako.

Copyright ⓒ 2014, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"H'wag na h'wag na kayong magpapakita sa 'min." Nanggigigil na panduduro ni tito Jon kay Daddy sa parking lot ng courthouse. "Magkalimutan na tayo!"

"Pare naman. H'wag ka namang ganyan. Paano na ang ating pinagsamaha—!" Tila natatamemeng sagot ni Daddy na hindi rin naman n'ya natapos.

"Kasalanan mo 'to eh!" Nagpatuloy lang sa panduduro si tito Jon sa mukha ni Daddy. "Kung hindi ka ba naman gagong nilapitan ako para ireto 'yang tarantado mong anak..." Sinulyapan akong sandali ni tito Jon at dinuro na rin, "Eh 'di sana 'di masisira nang ganito ang buhay ng anak ko. At ikaw!" Muling bumaling sa akin si tito Jon, nilapitan ako nito at dinibdiban. Napaatras ako ng isang hakbang. "Gago ka!" Bago n'ya ako sinuntok nang malakas sa mukha.

Pumagitna si Daddy; hinila ako papalayo ni Mommy, habang si Helena naman, umiiyak lang sa isang tabi.

"H'wag na h'wag ka nang lalapit sa anak ko, putang ina mo!" Nagpupumiglas ito sa pagkakahawak sa kanya ni Daddy.

Hindi s'ya makawala, pero si Joshua naman itong sumugod sa akin at sinapak din ako sa mukha; malakas din ito kaya't gamuntik na akong matumba. Pilit itong pinipigilan ni Mommy, pero wala naman itong nagawa nang itinulak ako ni Joshua papalayo, dinibdiban din ako nito nang ilang beses at saka ako pinagsusuntok. I just let him punch me for a while until I have enough.

Sinuntok ko na rin s'ya nang maglaon, and before we know it, halos magkabasagan na rin kami ng mukha. Pumutok na ang labi ko, nagdurugo na rin ang ilong n'ya, bago pa kami naawat ng mga security guard at iba pang mga kalalakihang bigla na lang nagsisulputan—at nangialam, mula sa iba't ibang direksyon.

"I will never allow you to come near my sister ever again." Galit na galit na bulyaw ni Joshua; pilit itong kumakawala sa dalawang lalaking nakahawak sa kanya. "Tatandaan mo 'yan!"

I have no intention to activate my jerk mode, if not for the surging angst, irritation and pride that I wasn't able to handle with restraint. "So? I don't want her anymore anyway." Nakangisi ako. That was a lie of course. "She's all yours. She's already been replaced by someone better anyway. Because that's what she is in my life... replaceable!"

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon