KABANATA 67

19.3K 809 39
                                    

Jordanna's P.O.V.

"Jordanna?" gulat na gulat si Caleb nang makita n'ya akong nakatayo sa labas ng pintuan ng apartment n'ya. Tumingin s'ya sa relo, "Anong gingawa mo rito?" alas-tres pa lamang kasi nang madaling araw.

"Kasama kasi ni Andre ang boyfriend n'ya sa apartment n'ya. Ayoko namang pumunta kay Kuya baka isumbong n'ya ako kay Daddy. Ok lang ba na dito muna ako kahit mga ilang araw lang?"

"H-ha?" Pagkasabi n'ya no'n ay may biglang yumapos na babae sa kanyang likuran.

"Baby... Sino ba 'yan?" bulong no'ng babae sa may likod ng tenga n'ya.

Oops. Awkward...

"Ah, eh... Pasensya ka na Caleb." Tatawa-tawang sabi ko, "May kasama ka rin pala. S-sige. A-aalis na ako. M-may mapupuntahan pa naman akong isa."

"Teka Jordanna, hindi p'wedeng hayaan na lang kitang gumala sa kalye sa ganitong oras? Nasaan ba si kuya Jasper?"

Hindi ko sinagot ang tanong n'ya; nakuha naman n'ya agad ang ibig kong sabihin.

"May naghihintay namang taxi sa 'kin," Itinuro ko ang taxi na nasa harapan ng apartment n'ya, "I'll be alright. Pasensya na sa abala." Tumalikod na ako.

"Pero Jordanna..." Hirit pa nito, pero hindi ko na ito nilingon.

"Baby, ano ba? Matulog na tayo." Sabi naman ng babae sa kanya.

Lumingon ako sandali, just to say, "I'll be alright, really." Bago ako dali-daling sumakay sa likurang bahagi ng taxi.

***

"Sorry po sa abala." Matapos kong uminom ng tubig na iniabot sa akin ni... ate Senda.

"Hindi ka nakakaabala, Jordanna. Mabuti nga at dito mo naisipang pumunta." Umupo na ito sa aking tabi, "Pero bakit naman disoras nang madaling-araw mo pa naisipang umalis sa inyo? Alam mo bang nagkalat ang masasamang tao at nilalang sa mga ganitong oras, lalo pa ngayon, sa kalagayan mo."

Hindi ako nagsalita. Yumuko lako at saka muling naramdaman ang sakit ng pagtatampo ko kay Jasper.

Ang walanghiya. Hindi man lang ako pinigilan. Pinabayaan na lang talaga n'ya akong umalis. Ang maglagalag sa napanganib na kalye. Alam ko, may mga nasabi akong hindi maganda, pero hindi ba n'ya maintindihan na nasabi ko lamang naman ang mga 'yon dahil sa mga sama ng loob ko sa kanya?

Hinawakan ni ate Senda ang mga kamay ko sa ibabaw ng aking mga hita.

"Ano bang pinag-awayan n'yo?"

"Kung ano-ano na po." Naiiyak na sambit ko, "Na, nagkakabuhol-buhol na at lumalalim na rin po sa paglipas ng mga araw. Siguro nga po, masyado pa akong bata para maunawaan ang isang katulad n'ya. Pero kasalanan ko po ba kung bata pa 'ko? Kasalanan po ba kung hindi pa maarok ng pang-unawa ko ang mga pinagdaraanan n'ya?! Bakit po ba kailangan ko ring magsakripisyo para sa misyon n'ya? 'Yung misyon n'ya, na hindi naman n'ya ipinagtapat sa akin bago pa man kami nagpakasal. Pakiramdam ko po kasi, nagoyo ako eh. Ang sabi kasi n'ya sa akin noon, gusto na n'yang magkapamilya, pero bakit po ganito? Halos wala po s'yang oras para sa 'kin?"

"Sa totoo lang, Jordanna. Noong una, hindi ko rin alam kung bakit tila itinakda na ni Marietta at Helga, ang pagpapakasal n'yo ni Jasper. Bukod kasi sa malaki ang agwat ng edad n'yo, alam na alam naman nila na ganito ang mangyayari. Malaking responsibilidad kasi ang nakaatang sa mga balikat ni Jasper, na nakatakda na sa kanya bago pa man ito naipanganak. Responsibilidad na hindi n'ya maaaring talikuran at pabayaan na lang. Tungkulin na hindi basta-basta, mapanganib pa at walang kasiguraduhan. Isang destino, na mas malamang sa hindi, na ikapahamak pa ng sino mang may kuneksyon sa batang 'yon. Pero..."

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon