UKOL SA IKALAWANG BAHAGI

76.8K 1.8K 641
                                    

DISCLAIMER

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

***

PREVIEW (TEASER)

"Nagbago ka na nga." Sabi sa akin ni Helena, "Naging mas mahusay ka ngang pinuno ng iyong hukbo." Umiiyak na ito, "Pero masyado ka namang naging tutok sa kanila, na napapabayaan mo na ang iyong asawa! Kailan ka ba huling umuwi para kamustahin si Jordanna?"

"Anong gusto mong gawin ko?" Sagot ko, "Ang maging katulad ng dati? Mahina at talunan? Hindi na pwede! Dahil hindi na ako makapapayag na muli pang magapi ni Lucio. Mamatay muna akong muli, bago mangyaring muli niya akong matalo."

"Sana'y hindi mo pagsisihan ang mga nagiging paninidigan mo, Kuya."

"Hinding-hindi ko pagsisihan ang magampanan ko ang aking misyon. Kung hindi mauunawaan ni Jordanna 'yun. Pasensyahan na lamang kami."

"Talaga?" Nakangising reaksyon ni Helena, "Kasama ba sa dapat na pagpasensyahan niya ang pakikipaglandian mo sa ibang mga babae?"

"It's not of your business."

"Ginagantihan mo ba siya dahil sa nangyari sa inyong mga anak?"

Hindi ako nagsalita. Lalo't wala naman akong dapat ipaliwanag

"Hindi naman niya ginusto na makunan siya ah."

***

"Ganito na lang ba tayo, Jazz?" Humahagulhol na sambit ni Jordanna.

"Pwede ba?!" Singhal ko sa kanya. "Pagod ako, at maraming mas mahahalagang iniisip. Kaya kung pwede lang, bigyan mo naman ako ng katahimikan!"

"'Yun ba talaga? O dahil lang ito sa kanya."

Hindi ako nagsalita.

"Sagutin mo ako, Jazz!" Hiyaw niya, "Mas gusto mo na ba si Kriselda?"

Pinilit kong umiwas pero hinila niya ang braso ko. Pilit na pinapaharap sa kanya.

"Sagutin mo ako!"

"Saka na lang tayo mag-usap." Kalmado kong sagot.

"Sagutin mo na ako, ngayon na!" Mas lalong tumindi ang kaniyang pag-iyak, "Siya na ba ang mas gusto mo!"

Hindi ako sumagot, pilit umiiwas ng tingin sa kanya.

"Sumagot ka!"

"Saka na lang sabi eh."

"Ngayon na sabi eh!" Niyugyog niya ako, na mas lalong ikinainit ng ulot ko. "Siya na ba, ha?" Hinataw niya ako sa dibdib, "Magsalita ka!" Sinampal niya ako na mas lalong ikinadilim ng paningin ko. "Saguti--"

"Oo!" Bulyaw ko sa mukha niya, "Siya na nga! Ano? Mananahimik ka na ba?!"

***

"Ginagayuma ka ni Kriselda, Jasper. Mag-iingat ka." Paalala ni Uncle Manuel. "Mukhang nauulit lang ang pagkakamali mo kay Kate noon."

"Pati ba naman kayo?"

"Huwag mong ipagpalit ang pagsasama ninyo ni Jordanna, sa isang babaeng hindi mo naman alam kung pakawala na naman ni Lucio."

"Hindi siya Aswang." Sagot ko, "Kung 'yan ang pinag-aalala niyo."

"Bakit? Aswang lang ba ang kayang gamitin ni Lucio?"

***

"Mabuhay ang Pinunong Jasper at ang ating hukbo!" Hiyawan ni Ronaldong Amalanhig, matapos naming lipulin ang mga Tik-tik.

"Mabuhay!" Hiyawan naman ng lahat, habang binubuhat ako sa kanilang pagbubunyi.

Sa kabila noon ay nakapagtatakang malungkot na pinagmamasdan lamang ako ni Lolo Alfonso at Uncle Manuel, na dapat sana'y mga nangungunang bumabati sa akin, sa aming tagumpay.

***

"Maaari ngang sa tingin mo'y nakalalamang ka na nga ngayon kay Lucio." Nanlulumong sambit ni Lola Marietta sa akin, "Nasa iyo na ang tangumpay at mas malawak na teritoryo. Pero para sa akin..." Tiningnan niya ako na tila lungkot na lungkot, "Isa ka pa ring talunan. Masakit mang aminin, pero mas masahol ka pa ngayon sa kanya. Naging matagumpay ka nga at naging mas malakas, pero nawala naman ang iyong puso. Mas lalo ka na nga ngayong naging matigas at matapang, pero masyado ka na ring nagiging marahas, malupit at walang pakundangan sa iyong kapwa. Nakalimutan mo na ba ang iyong pagkatao?"

"Pagkatao? Bakit, tao ba ako?"

***

At umalingawngaw ang halakhakan ng mga demonyong kaalyansa ni Lucio.

"Ano Jasper?!" Anunsyo ni Lucio, "Isa lang ang maaari mong piliin sa kanilang dalawa." Habang itinuturo ang mga nakagapos na si Kriselda at Jordanna. "Ang iyong bagong mahal na si Kriselda, o ang dati mong asawa na si Jordanna."

"Jazz, tulungan mo ako." Umiiyak na hiyaw sa akin ni Kriselda.

Napasulyap ako kay Jordanna. Hindi ito nagsasalita, bagama't walang hinto ang pagtulo ng kanyang mga luha.

"Sino ba ang mas mahalaga sa 'yo, ha Jasper?!" Kantyaw ni Lucio na sinundan ng nakaiinis niyang paghalakhak.

Hindi ako sumagot. Pilit tinatantiya ang aming sitwasyon.

"Paano ba ito?" Nakangising pagbaling ni Lucio sa dalawang babae, "Hindi siya makapamili. Sino ba sa inyo ang handang magsakripisyo na lamang, para matapos na ang negosasyong ito?"

"Jazz!" Hiyaw ni Kriselda. "Tulungan mo ako." Mas tumindi ang pag-iyak nito. "Ayokong sumama sa kanya! Ikaw lang ang gusto kong makasama. Ikaw lang!"

"Ako na lang ang kunin mo, Lucio." Kalmadong utas ni Jordanna kay Lucio. Tuloy pa rin naman ang pagpatak ng mga luha nito. "Asahan mong buong buhay kiyang paglilingkuran sa abot ng aking makakaya."

Nagkagulo ang mga aking mga kasamahan. Nagulat ako. Hindi makapaniwala sa mga narinig ko.

***

"Anong iniiyak-iyak mo?!" Singhal sa akin ni Zoe. "Hindi ba't ikaw naman ang unang nang-iwan sa kanya? Hayan! Wala na siya! Wala nang hahadlang sa pagmamahalan niyo ng Kriselda mo!" Akmang iiwanan na niya ako.

"Zoe sandali."

"Ano?"

"Tulungan mo ako."

"Si Jordanna ang kusang sumama kay Lucio, Jazz." Sagot nito. "Tanggapin mo na lang. Kagaya ng pagtanggap niya sa pagtalikod mo sa kanya."

[ABANGAN ANG KABANATA 51]


JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon