KABANATA 7

66.8K 1.4K 154
                                    

Jasper's P.O.V.

Nanahimik kami sa pagkain nang may naramdaman akong umaali-aligid sa amin. Hindi ako pwedeng magkamali; ramdam ko ang malalakas na senyales na may mga nakamatyag sa amin.  Napahinto ako sandali; nakiramdam. Pinilit h’wag lumingon, para walang makaalam. Sa halip, iniikot ko ang aking mga mata kahit hindi gumagalaw ang aking leeg at buong katawan; sinuyod ko ang bawat sulok na abot ng aking paningin at pandma.

Nag-aalala ako sa aking likuran; kung saan, nakaharap si Jordanna sa aking harapan. Do’n ko pa man din sila mas nararamdaman, na tila ba, kaunti na lang, pwede na nila akong sunggaban.

Napasulyap ako kay Jordanna. Nakayuko ito; meron itong kung anong binabasa sa cell phone nito. Noon na ako napabuntong hininga't napaisip, kung gaanong nakaka-frustrate na di ko mabasa ang kanyang pag-iisip.  Wala s’yang muwang sa tunay kong pagkatao. Hindi n’ya alam ang misyon ko sa mundo. Hindi n’ya tanto ang kakaibang mundong ginagalawan ko; at sa mga kakilakilabot na mga nilalang na nakakasagupa ko.

Pa’no nga kaya kung si Jordanna na nga ang kapalaran ko? Pa’no ko ipapakilala sa kanya kung sino ako? Paano ko ipapaliwanag sa kanya, ang kabilang mundong ginagalawan ko? Pa’no kaya n’ya tatanggapin ang mga kababalaghang kalakip ng pagkatao ko?

Ano nga kaya? Yayayain ko na ba s’yang umalis? Humayo, tumakas, tumalilis?  Hindi naman ako takot sa mga demonyong 'to. Iniiwasan ko lang talaga na maging agresibo ang mga ito. Ayoko maghamon ng gulo sa publiko, na maaaring ikapahamak ng mga inosenteng tao.

"I won't appear too tensed, if I were you." Biglang sabi ni Jordanna sa akin.  Nagulat ako. Nakayuko pa rin kasi ito, habang kinakalikot ang kanyang cellphone. "Mas lalo ka lang nilang mahahalata."

Ano kaya ang pinagsasabi ng babaeng 'to? Are we on the same page, or is she talking about some other things…only God knows what?

Ah! This could be something else. Siguro iniisip n’ya na may kinatatakutan akong mga normal na tao; na may mga kaaway ako at iniiwasan sa paligid-ligid. She could be referring to anything, besides the truth. Anything, but the truth, of course.

"Mahahalatang ano?” nakangisi ako. Pinipilit pagtakpan ang katotohanan sa loob ko.

"Mahahalatang nararamdaman mo sila."

Huh?

"Sinong sila?” patay malisya ako, s’yempre.

Sa halip na sumagot, ibinalik n’ya ang kanyang cellphone sa kanyang bulsa, bago n’ya ako tiningnan ng mata sa mata.

"Tayo na." Sabi n’ya. Nakangiti. "Dumidilim na eh."

Did she just ignored my last question?

Hindi ako kumibo. Nanatiling nakaupo at nakakunot-noong naghintay ng kanyang sagot. Nagulat ako nang bigla itong tumayo, lumapit sa akin, hinila ako sa braso at saka...

"Honey..." Malakas pero malambing na pagyaya n’ya sa akin, na tila ba nagpaparinig s’ya sa kung sino, "Halika na honey, uwi na tayo." At saka n’ya hinawakan ang kamay ko; ipinaglakip n’ya ang aming mga palad at isinuot n’ya ang kanyang mga daliri sa pag-itan ng aking mga daliri; kaliwang kamay n’ya, sa aking kanan.

Ano raw? Honey? Ako, honey...n’ya?

Nagunot ako habang hinahatak n’ya ako palabas; pasimpleng nilingon at sinulyapan ko ang aming pinanggalingan.  Nakumpirma ko naman ang aking hinala. Pamilyar na mga mukha. Mukha ng mga demonyo, sa kanilang katawang-tao. Ramdam kong nagsitayuan na rin ang mga 'to; pawang mga naka-akmang susunod, 'di kalayuan sa likuran ko.

JASPER, The Demon SlayerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon