Kabanata IV. HEIRS OF MILITARY FAMILIES

20K 336 40
                                    

ACE's POV

Makagaling sa Macau ay agad akong nag-enroll para sa first sem. Hindi ko sinabihan yung tatlo dahil mga paasa silang sasama sa bakasyon sa Macau.

Kaya naman ngayon ay officially enrolled na ako. Naglalakad na ako palabas ng campus ng makita ko ang isang kamukha ni Johnny Bravo.

Woah! Ganyan pala si Johnny Bravo kapag naging totoong tao. Maskulado ang pangangatawan, ang buhok ay brush up pataas, nakakulay itim na tshirt at..

at..

Pambihira! My sun glasses ding itim! Kaparehas talaga ni Johnny Bravo! Kaya naman nasabi ko ng mga oras na 'yon na sya na.. Sya na nga!

Ang kalokalike ni Johnny Bravo.

Ngunit labis kong pinagtaka kung bakit iba ang daang tinatahak ni Johnny Bravo. Papunta sya sa likod na bahagi ng SVU. Ang aming Unibersidad na inspired sa isang sikat at magaling na manunulat na si William Shakespear. Ang ShakespearVille University.

Dala ng kuryosidad ay sinundan ko si Johnny Bravo hanggang makarating sya sa likod ng SVU na puro puno na ang makikita. Babalik na sana ako ng makita ko si Johnny Bravo na naglabas ng baril. A-anak ng! At itinutok ang baril sa gawi ko. King ina! Paano nagkaroon ng baril si Johnny Bravo? E wala naman syang baril sa cartoon network ah? Amp!

Iilag na sana ako ng biglang dumating si.. si..

Betty Boop!

Ano 'to kelan pa sila nagkaron ng relasyon?!

Sexy si Betty Boop. Nakapout, maputi, at kulot ang buhok.

Wew.. napasipol na lang ako sa sobrang sexy nya. Coke ang size dude coke! Ngunit ng lumapit sya sa gawi ko ay..

A-anak ng! Hindi pala coke sakto! Coke in can pala. Straight ang katawan pre straight! Tsk.

Parehas nagtutukan ng baril si Betty Boop at Johnny Bravo. Nanlaki ang mga mata ko dahil masasaksihan ko ang isang madugong laban. Hawak ni Betty Boop ang isang pistol samantalang si Johnny Bravo ay armalyte ang dala! Mahaba ang kay Johnny Bravo. Tengene yen lugi si Betty Boop!

Asintado na silang pareho ng biglang..

.. "Z-zai!" Lumabas ang mukha ni Zai sa aking..

Woah! Tinamaan na ako ng sinag ng araw sa mukha dahilan upang magising ako sa aking pambihirang, panaginip. Nasambit ko sa isip. At napapailing na lang sa napaka-weird na panaginip na 'yon.

Mumukat mukat pa ako ng may biglang kumatok sa pinto ng kwarto ko, "hoy Ace gising ka na ba? HOY!!" si Alexis 'yon, ang kakambal ko. Boses palang parang naka-amplifier na. Makabasag bungo! Tsk.

Ngunit.. naisip ko muli ang panaginip ko. Weirdest dream of all. Nasambit ko sa isip at bahagyang napahawak sa ulo ko.

Si Johnny Bravo, si Betty Boop at si Zai..

Si Zai na naman..

Simula ng makita ko sya sa Macau ay hindi na sya naalis sa sistema ko. Maging ngayon na nagkita kaming muli. Parang gusto ko syang palaging nakikita.

Aish! Baliw ka na Ace! Baliw ka na. Iiling iling na sabi ko sa isip.

Ngunit pagtingin ko sa oras.. A-anak ng! Alas siete y media na! Malelate na akooooo.

Kaya naman mabilis akong nagshower. Dinaig ko pa si flash sa bilis. Nadatnan ko ang dalawa kong kapatid na kumakain sa dining table. Ang dalawang babaeng malapit sa puso ko. Agad ko silang hinalikan sa noo nilang pareho. At..

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon