Kabanata I

34.1K 716 40
                                    

ZAI HELLA'S POV

"Miss Zaila! Miss Zaila! Gumising po kayo. Nagwawala na naman ang mommy nyo." yugyog sa akin ng isang kasambahay sa mansyon. Bahagya pang malabo ang paningin ko dahil sa biglaang pagmulat at dahil sa na aninag kong ilaw ng aking silid. Ayoko sa maliwanag. Hindi ako nakakatulog sa maliwanag na paligid.

Kinusot kusot ko ang aking mga mata at bumangon sa pagkakahiga. "Ang Presidente saan naroroon?" malumanay na tanong ko. At bakas ang pagpapanic sa kanyang mukha.

"Wala po ang Presidente. May dinaluhang pagtitipon." tugon nito na bakas ang pagkabalisa sa mukha.

Walang imik na kinuha ko ang black jacket ko sa pagkakasabit nito at isinukbit ito sa balikat. Hindi na akong nag-abalang suotin ito bago umalis.

"Miss Zaila! Miss Zaila saan ka pupunta?" aligagang habol sa akin ng kasambahay. Ngunit hindi na ako nag-abalang lumingon pa.

Mabilis akong nakasakay sa pula kong sports car. At mabilis itong pinaandar palayo sa mansyon. Nagmimistulang isang malamig na impyerno ang lugar na iyon. Mahirap ipaliwanag ang pakiramdam kapag naririnig ko sya. Ang tinig nya..

Ang tinig ng sarili kong ina..

ACE's POV

"Ha! Badtrip! Anong feeling sa akin ni General walking machine na hindi napapagod? Utot nya!" tsk. Kung hindi ko lang sya lolo at kung hindi ko lang sya ginagalang at nirerespeto hindi ko sya susundin sa kahit anong iutos nya! Tsk.

Kasalukuyan akong naglalakad palabas ng subdividision ng mga Lim habang may mabibigat na mga paa. Hindi ko gusto ang maglakad. Suhestiyon ito ni General! Kahit kailan ay hindi ko naisip na lalakarin ko ang mahabang subdivision na ito. Demmit! May sarili akong kotse ngunit ayaw ipagamit ni General hanggat hindi ako nakakaikot ng bente sa buong subdivision. Ito na nga lang isang beses ay hirap na ako. Ano pa kaya yung bente?! Aish! Nagulo ko na lang ang buhok ko sa pagkadismaya sa sinapit ko ngayon.

At sa di kalayuan ay may natanaw akong paparating na kotse. Sa takbo palang nito ay alam ko ng nasa maximum speed ang itinatakbo nito. T-teka! Bawal 'yon dito sa subdivision ah? Tsk tsk. Humanda ka sa akin kung sino ka mang wreckless driver ka.

Kaya naman ng mamataan kong sa gawi ko ang daan nya ay mabilis akong pumunta sa gitna ng kalsada at doon humarang. Ngunit napansin kong nakalas pala ang sintas ng sapatos ko. Kaya minabuti kong yumuko at itali itong muli ngunit ng pag-angat ko ng mukha ko ay ganoon na lamang ang pagkabigla ko ng ang liwanag ng ilaw sa unahang kotse ay nasa mukha ko na.

Damn! Tanging naisagaw ko sa isip.

And everything went black.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon