Kabanata 32 ANG PAGTITIPON

11.9K 222 38
                                    

ACE POV

"Alexis, okay na ba?" tanong ko kay Alexis habang pilit inaayos ang pagkakasuot ng necktie ko.

"Ayos na sana kung marunong ka lang mag necktie." aniya at hinigit ang kwelyo ng soot kong polo at sya na mismo ang nag-ayos ng necktie ko.

"Tch. Ang hirap naman kasi matutunan. Parang madali kapag sayo ko prinaktis pero kapag sa sarili ko na ay mahirap. Nababaliktad ko ang paglusot lusot kung saan saan ng knot." frustrated na sabi ko at bahagyang ngumuso. Tsk. Tagal ko ng nagpapraktis, bakit kasi di ko matutunan pag sa sarili ko na ginagawa. Aish.

"Oh ayan na. Ayos na wag ka ng ngumuso at magreklamo dyan." aniya at tinignan ang mukha sa dala nyang mini mirror. Magaling maglagay ng kolorete sa mukha si Alexis. Maging si Alexa ay palagi nyang inaayusan. Nagmumukha tuloy matured minsan si Alexa. Pero aaminin kong magaling talagang tunay sa pagdedesenyo si Alexis. Ang balak nga sana nyang kunin ay fine arts ngunit bigo sya dahil ang gusto ni General na kunin nya ang nasunod, ang kunin ang kursong BS Nursing. Kaya naman ang frustration nya sa kursong gusto ay ibinaling na lang sa pag-aayos sa sarili nya. Mahilig syang magshopping at mamili ng mga damit na naisin nya. "Oh anong mga tingin yan?" tanong nya na pinaningkitan ako ng mata.

"Wala naman, gumaganda ka lang lalo." sabi ko at ngumiti sa kanya.

"Alam ko na yan bro, matagal na. Hahaha!" at tumawa ng mala-kontrabida. Masama talagang binabati ang isang 'to.

Gumilid ako ng tingin at dahan-dahan umalis sa kinatatayuan ko kanina habang tumatawa pa rin si Alexis. Nag-imagine na kasi ng kung ano-ano sa isip nya. Ngunit hindi pa ko nakakalayo ng tuluyan ay nahigit na nya ang laylayan ng suot kong polo. "Saan ka pupunta?" tanong nya.

"H-hehe, wala ah. Dito lang oh kukunin ko ang suit ko." pagdadahilan ko. Ngunit tinotoo ko na at inabot ko na ang suit kong maayos na nakapatong sa isang silya. Lakas mag-imagine ni Alexis. At gustong gusto nya talaga yung pinupuri sya. Lalo tuloy tumataas ang self-confidence nya nag-uumapaw na. Masama talagang napupuri.

Maya maya pa'y bumaba na rin sila mommy kasama si Alexa. "Waaaa! Baby girl ang cute cute mo." bulalas ni Alexis at mahigpit na niyakap si Alexa. Napaka-adorable nga naman talaga ni Alexa sa suot nyang baby pink dress na hanggang tuhod nya. Lalo syang naging chubby tignan sa suot nya. Mataba na sya ay lalo pa syang tumaba sa suot. Kapartner ng bestida nya ang isang pares ng white doll shoes. At ang kulot nyang buhok ay nakaponytail pataas. Very charming and bubbly little girl.

"Syempre si mommy ang pumili nyan para sa little princess namin." nakangiting sabi ni mommy. Napakaganda rin ni mommy sa suot nyang beige gown na medyo hapit sa katawan nya. Magandang lahi talaga ang pinagmulan ko.

"Oh Ace anak maayos na ba yang pagkakasuot mo sa necktie mo?" baling sa akin ni mommy.

"Yes mom, inayos na ni Alexis." sabi ko.

Tinitigan naman ako ni mommy sa mata at lumapit sa akin. "Ace anak, that pair of formal attire suits you. Your very handsome." aniya habang pinapagpag ang suot ko ng suit. At inililinya ng maayos ang necktie na suot ko.

Bahagya akong nailang at tipid na ngumiti kay mommy.

"Gege, mommy's right. Your handsome." singit ni Alexa na nakangiting nakatingin sa akin. Si Alexis naman ay malapad din ang ngiti. Bigla akong nailang sa mga papuri nila ngayon na dati rati naman ay aminado agad ako. Marahil ay dahil sa isang taong hanggang ngayon ay kakaiba pa rin ang tingin sa akin. Si Zai..

Napanguso naman ako at sinabing, "do you think so?" malumanay na tanong ko.

At sabay-sabay silang ngumiti ng malapad at sinabing, "ofcourse!"

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon