Kabanata XXII. The TRANSFEREES PART 2

14.8K 250 7
                                    

Zai's PoV

Inutusan ni Miss Agusan na magpakilala na yung apat na bago.

"Nickel is the name girls." pakilala nya sabay kindat.

"Kyaaaaaah!"

"OMG! Kumindat sya sakin!!"

"Okay, next." masungit na sabi ni Miss Agusan ngunit halatang natutuwa din sya sa mga bagong dating.

"I'm Samuel. But you can all call me Sam." pakilala ng sumunod.

"Zai, ang gwapo nyaaaa~" si Hope yan nakapatong ang mga pisngi nya sa parehas na palad nya. Malayo na ang narating ng imahinasyon nito.

"Tch! Di naman sila gwapo. Mas gwapo pa rin ako." dinig kong maktol ni Andrei. Bahagya akong napangiti dahil mukhang may makakatapat na ang grupo nila.

"Elixer." pakilala ng pangatlo.

"Kyaaaaah! Ang tipid nila magpakilala pero gwapo pa din."

"Sana akin ka na lang Elixer!" sigaw ni Marie na kaklase din namin. Nasa unahang row sya.

"Tch!" sabay irap ni Elixer kay Marie.

"Okay, last."wika ni Miss Agusan.

"Renz. Tch! Bakit ba kasi kailangan pa natin magpakilala dito?!" Halatang naiinis na pakilala nung Renz.

Nagulat naman ang iba sa pagalit na tono ni Renz. Ngunit—

"Kyaaaah! Kahit mukhang galit si Renz ang gwapo pa din nya! Sya ang type ko!" sigaw ni Thalia sa pangalawang row.

"Oo nga! Ako din sya ang gusto ko!"

"Hindi! Akin lang sya noh. Hmp!"

"Anong sayo?! Sakin!"

"Akin sabi sya e!"

"Akin nga!"

"SILEEEENCE!!" biglang bulalas ni Miss Agusan. At nang dahil doon ay tumahimik ang buong klase.

Kasabay noon ay ang pagpasok ng tatlong kabilang sa Fantastic 4. Pft. Di ko mapigilang di mapangiti sa tawag sa grupo nila. Bigbang ba sila?Parang yung mga koreanong nasa mga posters ni Hope sa hideout. 

At kaya pala si Andrei lang ang nagmamaktol kanina. Lumabas pala silang tatlo at ngayon lang bumalik.

Maangas ang dating ng pagpasok nila. Animo'y nag slow motion ang lahat ng pumasok sila sa front door. At nang makaharap na nila ang apat na bago ay animo'y mas lumamang pa sila sa dating. Pinangungunahan pa rin ni Ace.

Tumahimik ang lahat at akala mo'y nasa music video ang pagpasok nila. Mahangin ang dating ngunit naroroon pa rin ang angas. At animo'y sinasabi nila sa apat na THIS IS OUR TERRITORY.

Nang makalagpas ang tatlo sa unahan ay saka lamang nagsigawan at tilian ang mga kaklase kong babae. Kabilang pa rin ang mga bakla.

"KYAAAAH! Kay Ace pa rin ako!"

"Walang tatalo sa fantastic four ng SVU! Yieee! Napapalibutan ako ng mga gwapo ang swerte ng college year ko dito sa SVU! Wooo!" sigaw ni Nyx.

"Ang gwapoooo nila Ace! Hanep sa dating!"

"Enzo my love!"

"Troy I LOVE YOUUU!"

Nagkagulo na naman ang buong classroom. At pana'y ang sigaw ni Miss Agusan ngunit di na sya pinakinggan pa.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon