Kabanata XXIII. The UNEXPECTED VISITORS

13.6K 249 31
                                    

Hope's PoV

Ding dong! Ding dong!

Bigla ako napabalikwas sa pagkakahiga. "Aish!" Sino naman kaya ang keaga aga nagdodoorbell na. May doorbell kami ni Zai sa hideout. Wag ka!

Tinignan ko ang oras. Tsk. 9am na pala? Napasarap ang tulog ko. Paano naman kasi sobrang pagod sa YZ kagabi. Ang daming tao at anong oras na rin kami ni Zai nakauwi. Wala kaming pasok ngayon dahil Sabado kaya nag-overtime kami kagabi sa YZ gym.

Ding dong! Ding dong!

Ay peste! May balak pa atang sirain ang doorbell namin. Aigoo! Patay ka sa akin kung sino ka man.

Kaya naman, naghihikab akong bumaba ng hagdan para daluhan kung sino man ang hinayupak na nagdodoorbell. Psh!

Nasan na ba si Charity? Bakit di sya ang nagbubukas dito?! Aish! Napakalayas na bata! Lagi na lang wala! Si Zai naman tulog pa malamang. Huhu. No choice. Ako na nga ang magbubukas.

Dali dali kong tinahak ang patungong gate namin na maliit lang kasya ang tatlong tao kung sabay-sabay na papasok. Mga isang dipa din 'to.

Pagkabukas ko ng gate..

Nanlaki agad ang mga mata ko.

Kinusot kusot ko ang mga ito baka kasi namamalikmata ako. Sinampal sampal ko din ang parehas kong pisngi.

Pero pagmulat ko,

"WAAAAAAAAHHH!!!" sabay taklob ng dibdib.

Sarado ng malakas ang gate!

Takbo papasok ng pinto ng bahay.

Hablot ng tuwalyang pantapis sa pinakamalapit.

At muling balik sa gate!

Hinga ng malalim.

Inhale Exhale.

Bukas ng gate.

"Ehem, bakit kayo nandito?" malumanay na tanong ko ngunit nakataas ang isang kilay. Aware na wala akong pangtaas na undergarments. Huhu. Baka bosohan ako nito. Bastos pa naman 'tong kaharap ko lalo na ang mga kasama nya.

"Ahm, actually pinapunta kami ni Charity." sambit nya at sinilip pa ang pinto ng bahay. Psh!

"Ahh.. Pinapunta lang pa-- ANOOOO?! Si CHARITYYYY?!!" napalakas na tanong ko. Bakit naman sila papapuntahin ni Charity dito?

Tumango tango naman sya at sinabing "pwede na bang pumasok?" malumanay na sabi nya. At aba't! Nagdirediretso na papasok ang hinayupak!

"Hoy Enzo! Bakit ba kasi tayo nandito?! Umuwi na tayo!" ouch ha! Nakakabingi ang boses nitong si Ace. Amps!

"Halika na nga pumasok na nga tayo! Gusto ko makita ang bahay ni Zai at ni Hope." si Drei. Oo, kasama rin sya. Silang apat, actually.

"Hep! Teka nga, teka nga! Ang iingay nyo ah. Bahay nyo ba 'to ha?! Bahay nyo?" mga buset na 'to!

"Pwede ba Hope ang boses mo hinaan mo nga." pagalit na bulong ni Ace. Tsh! Ako pa daw ang malakas ang boses.

"Tse! Pakielam mo ba!" asik ko.

"Hindi ka pa nga ata nagtoothbrush manlang." sabi nya at tinitigan ako.

Bigla akong napatakip sa bibig ko. Bwisit na Ace 'to! Hinahard ako.

"Oh see." dagdag nya pa.

"HINDI KITA PAPAPASUKIN DITOOOO!!" sigaw ko sa mukha nya at nagtakip ulit ng bibig. Huhu. Hindi pa nga ako nagtoothbrush at nagmamadali akong pagbuksan sila. Buset!

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon