Kabanata VIII.

19.3K 317 16
                                    

Zai's PoV

Kinabukasan, maaga akong gumising upang maabutan ko ang Presidente at makapagpaalam sa kanya na aalis ako ngayong araw. Ngunit sa pagkadismaya ko'y hindi pala umuwi ang Presidente dahil may out of town charity gathering syang pinuntahan at marahil ay doon na lang sya nagpalipas ng buong magdamag.

Sa pagkadismaya ay tinungo ko ang silid ng aking ina dito sa mansyon. Akmang hahawak pa lamang ako sa doorknob ay may pumigil na sa akin. "Miss Zaila wag po. Hindi makabubuti sa inyong ina na makita kayo ngayon. Baka po lalo lang lumala ang kondisyob nya." Ang sabi ng private nurse na nag aalaga sa kanya. At akmang hahaplosin nya ang likod ko ngunit..

"Wag." pagtanggi ko. Ayoko ng hinahawakan ako at ayoko rin ng may dumidikit sa akin.

Nakatungo akong sinuot ang jacket ko at tsaka kinuha ang susi ni Storm, ang pangalan ng kotse ko.

Dumiretso na lang ako sa bahay nila Hope at doon nakita ko na ang magandang preparasyon ng mansyon ng mga Tuangco para sa kaarawan ni Charity.

Maaga pa ako at nag-intay pa ng isang oras doon bago dumating sina Nyx. "Zai ang aga mo naman." bungad nya sa akin. Tumango lang ako bilang sagot.

"Hi Zai!" bati naman sa akin nina Mich at Mona.

"Nasaan na si Hope? At ang birthday girl?" tanong naman ni Anton. Tinuro ko ang garden ng mansyon kung saan gaganapin ang birthday ni Charity.

"Wow! Ang gandaaaa." Sabay sabay nilang nasambit pagkakita sa venue. "Tara na sa loob Zai." yaya nila sa akin.

"Mauna na kayo."usal ko. Gusto ko munang manatili dito sa labas ng mansyon habang nakasandal kay storm.

"Sige, sunod ka mamaya ha." Sambit ni Mona at pumasok na sila sa loob.

Maya maya pa'y natanaw kong palabas na si Hope ng mansyon nila at dal daling nagtungo sa kinaroroonan ko. "Zaaaaai!" tsk. That loud annoying voice. "Okay, okay hihinaan ko na ang boses ko. 'To naman." aniya dahil umiwas ako sa kanya. "Kanina ka pa daw nandito. Bakit di ka pumapasok?" malungkot ang boses na tanong nya.

"Di bagay sa'yo ang malungkot. Pumasok ka na don. Sudunod na ako."

"Talaga ha?" Pinanlakihan nya ako ng mga mata. Tumango ako bilang tugon. At tsaka tumakbo na syang muli papasok ng bahay.

At biglang nagflashback sa utak ko ang mga sinabi ng mga lalaking nakaitim. Hindi lamang daw sila ang nagmamatyag sa akin kundi may iba pa. At tatraydorin daw ako ng taong iyon.

Nah.. Napailing ako. Hindi maaaring si Hope 'yon.

Pinalis ko muna sa isip ko ang mga agam-agam na iyon at nakisaya muna sa celebration party ni Charity. "Unnie!" patakbong nagtungo sa akin si Charity at akmang yayakapin ako ngunit umiwas ako. "Sorry unnie. Ayaw mo nga pala ng yayakapin ka." malungkot na aniya kaya naman nilabas ko na lamang ang regalo ko sa kanya mula sa pagkakatago sa likod ko. At iniabot sa kanya. "Waaaa! Unnie thaaaank you! I will treasure this promise." aniya at mahigpit na niyakap ang box ng regalo.

Bigla naman nagsalubong ang mga kilay ni Hope at nagpameywang. "Bakit 'yong kay Zai itetreasure mo. Tapos yong regalo ko sa'yo basta mo na lang iniwan kung saan. Huhuhu." emosyonal na reklamo ni Hope at tsaka nag-walk out.

Nilingon ko naman si Charity, "sya ang nag-organisa nitong party mo. Go, say thank you to her." wika ko sa kanya.

"I love unnie Hope too just like how I love you unnie Zai." She explained.

"I know." Tugon ko. Malapad syang ngumiti at tsaka sinundan ang pinsan nyang si Hope.

Nagpatuloy pa ang party ni Charity. At kapansin-pansin na wala syang inimbitang kaklase nya. Tanging malalapit na pamilya lang nya ang naririto at kaming mga kaibigan ni Hope.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon