Kabanata 38 HEAVEN and HELL.

9.2K 242 18
                                    

Zai's POV

Nandoon ang mga nagtatanong na tingin kina Mich, Anton, at Nyx matapos ko silang kalagan. Ngunit hindi ko muna sila binigyang pansin bagkus ay nilapitan ko ang lalaking itinali ko at tsaka marahang tinanggal ang maskara na nagtataklob sa mukha nito. Doon lumantad sa akin ang itsura nya.

Ngunit kasabay noon ay ang pagkakarinig ko sa malakas na boses ni Hope kaya naman mabilis nyang naagaw ang atensyon ko.

"ZAAAAAAI! Nasan ka?! Magpakita ka na! Zaaaaai! Magsalita ka kung nasaan ka?!" sigaw nya na bakas ang pag-aalala sa tono. At matapos ng sigaw na iyon ni Hope ay my sumunod pa ngunit sa iba na ito nagmula.

"Frieeeeeeza! Hoooooy babae magpakita ka na! Pag hindi ka pa nagpakita magagalit na talaga ako!" bakas din ang pag-aalala sa tono ng boses nito na nasundan pa, "Bibilang ako hanggang sampu kapag di ka nagpakita hindi na kita mamahalin!"

"Sisimulan ko naaaa!"

"Isa!"

"Dalawa!"

"Tatlo!"

"Apat!"

"Lima!"

"Anim!"

"Pito! Waaaa! Magpakita ka naaa!" bakas ang pagkalungkot sa boses nya sa ikapitong bilang nya.

"Waloooo!" humihina ng sigaw nya. Marahil ay nawawalan na ng pag-asa.

"Syam." mahina ng sabi nya. Tanaw ko na kung nasan sya. Habang nagbibilang ay patuloy sya sa paglakad patungo sa direksyon kung nasaan ako ngunit hindi nya pa rin ako napupuna.

"Syam at kalahati." bagsak na ang mga balikat na bilang nya. "Syam at one fourth." Malungkot na ang mga mata at nakayuko dahilan upang di nya ako makita agad. May pagitan na lamang kaming anim na puno. At sa kinatatayuan ko ngayon ay kita ko na ng malinaw ang ekspresyon ng mukha nya. Malungkot ito at malamlam ang mga mata. At mula sa pagkakatungo nya ay bigla syang tumunghay at sinigaw,

"Waaaaaa! Magpakita ka naaaa! Mamahalin pa kitaaaaa!"

Kaya naman.. "Tsh." Pambihira ka Vegeta.

Nagtapat ang mga paningin namin at biglang nanlaki na naman ang medyo singkit nyang mga mata at tsaka patakbong lumapit sa akin

ngunit..

"Uwaaaa! Zaaaai!" naunahan sya ni Hope.

"Huk!" mabilis akong niyakap ni Hope. Dahilan upang mapahinto ang paglapit sa akin si Vegeta.

Pinaghahampas ni Hope ang braso ko na parang wala ng bukas. "Pinag-alala mo ako! Nakakainis ka Zai! Bakit di mo ko inintay!" sabungot ang mukhang asik niya. At tsaka hinampas pa akong muli sa braso ngunit biglang nanlaki ang mga mata nya ng magawi ang tingin nya sa may parteng tagiliran ko. At parang on cue ay bigla syang nagpanic at..

"Uwaaaa! May dugooo! Kumuha kayo ng ambulansya! Nurse! Doktor! Stretch Chaaaair!" bulalas nya habang nanlalaki ang mga matang nakaturo sa tagiliran kong patuloy sa pagdugo. Ito ang nahiwa kanina nung pangatlong lalaki ng iwasan ko ang stiff-bladed knife na hawak nya.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon