Kabanata 36 THE CAVE and THE STRANGERS.

10.4K 198 19
                                    

ZAI's  POV

Nang makarating kami ng Malusak Cave agad sinalubong si Timbol ng iilang opisyal ng gobyerno ng probinsya. Nakipagkamay ang mga ito kay Timbol at sa fieldtrip coordinator na kasama namin. Dalawang kagawad at isang konsehal ang naroroon. Ang mga opisyal ay may inihandang iilang mga tourist guide na dito naninirahan sa probinsya upang tulungan kami sa pagtotour sa loob ng CAVE. Pamilyar na ang mga ito sa loob ng kweba at katiwala na ng mga opisyal ng gobyerno dito sa lalawigan. Habang abala si Timbol sa pakikipag-usap sa kanila ay maayos naman kaming pinahanay ng presidente ng klase na si Anton upang masimulan na ang naturang tour at pagmamasid sa loob. Bilin ni Timbol na tandaan ang lahat ng aming makikita at huwag daw matutulog sa loob dahil malamig doon at tahimik. Hindi nya kami sama-samang pinapasok bagkus ay may pagitang tatlo hanggang limang minuto ang pagpasok ng magkapareha upang maiwasan ang pagtsitsismisan at pag-iingay sa loob. Nag-uumapaw ang mga bilin ni Timbol. Ang dami nyang nalalamang pakulo sa buhay na sya lamang ang nagpapatupad.

Karamihan sa mga kaklase naming babae ay natatakot at ayaw pumasok ngunit wala ring nagawa sa pagka-istrikto ni Timbol. Samantalang ang iba naman ay kakikitaan ng excitement sa mukha.

Si Timbol ang nagdesisyon sa mga magkakaparehang papasok. Nauna na sa pila ang magkasamang si Nyx at Mona. Kasunod ay si Anton at si Mich. Hindi pinagpares ni Timbol si Anton at Nyx dahil baka daw puro tsismisan at ingay lang ang gawin ng dalawa sa loob. Kasunod ay sina Janine at si Marie na bakas ang takot sa mga mata ng pumasok sa kweba.

Hanggang sa mangalahati na ang  klase. Ang kalahati ay nasa loob na samantalang ang iba ay naghihintay pang tawagin..

Sumunod na tinawag ni Timbol sina Samuel at Troy. Wala silang parehas reklamo at prenteng pumasok sa loob. Nang kainin na sila ng dilim sa kweba tsaka muling bumaling sa amin si Timbol at tinawag ang panibagong pares. "Mr. Elixer and Mr. Choi." tawag ni Timbol sa malakas at maawtoridad na boses. Agad namang tumalima ang dalawa, sina Enzo kaibagan ni Vegeta at si Elixer na kabilang sa mga bagong transferees. Tahimik lamang si Elixer samantalang si Enzo ay bahagyang salubong ang mga kilay habang papasok sa loob ng kweba. Marahil ay nais nyang makapareha si Hope ngunit bigo sya.

Samantalang, naagaw naman ang atensyon ko ng taong hindi mapakali sa pwesto nya at paikot ikot habang nag-iintay na tawagin ang pangalan nya. Para syang pusang hindi na naman mapaanak. Si Vegeta.. pabalik balik ng lakad at salubong ang dalawang kilay. Kunot noo ko syang tinitigan hanggang sa lumingon sya sa akin at parang on cue ay biglang nanlaki ang mga singkit nyang mata at napalunok ng malupet.

Magsasalita na sana sya sa pagtitig ko sa kanya ng maagaw muli ni Timbol ang atensyon ko ng tawagin nya si Hope. Ang akala ko'y babae ang ipapares ni Timbol dito ngunit nagkamali ako. Si Nickel ang ipinares nya kay Hope. Ang iba ay hindi makapaniwala ngunit wala din namang nagawa. Nagmamaktol namang nilingon ako ni Hope at binulong, "unfair talaga ang king inang Timbol na 'to." utas nya at mabibigat ang mga paang lumapit sya kay Nickel na nasa bukana na ng kweba.

Samantalang hindi naman nakaligtas sa akin ang mga nakakalokong ngiti sa mukha ni Nickel sa ginawang pagpares sa kanya at kay Hope. Tsss. Pabor sa kanya ang sitwasyon at halatang natutuwa sya.

Batid ko namang hindi kami gagawing magkapareha ni Hope dahil alam ni Timbol na kaibigan kong matalik ito. At napuna kong personal nyang pinili ang bawat pares base na rin sa papel na hawak nya. Marahil ay ginawa na nya yan kagabi pa. Kaya naman ng tawagin ang pangalan ko'y nakapamulsa akong lumapit sa entrance ng kweba kung saan nag-iintay si Timbol.

"Ano Wang madilim sa loob nyan siguraduhin mong makakalabas ka ng buhay. At kahit papaano ay mabawasan ang kaangasan mo sa dilim sa loob." tsss. Ang akala ko'y wala na syang masasabi sa akin ngayong araw ngunit nagkamali ako.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon