Kabanata II

43.5K 754 31
                                    

HOPE's POV

Tumawag si Zai sa akin at nagmamadali akong pumunta ngayon sa hide out/ camp.

Ano na naman kaya ang nangyari sa kanya? Tanong ko sa isip habang sakay sa motor ko. Mabilis ko itong pinatakbo at wala pang kinse minutos ay nasa camp na ako.

At nakapagtatakang nasa labas si Zai. Nakasandal sa pader habang matamang nakatitig sa malawak na kalangitan. Hininto ko ang motor ko at pinagmasdan sya di kalayuan.

Nakakalungkot isipin na ganyan na naman sya.. Ang mga mata nya malamig na naman. Daig pa ang ice burg. Kung tignan nya ang kalangitan ay parang gusto nyang magyelo ito kagaya nya. Hindi na ako magtataka na baka pati ang puso nya ay nababalot na rin ng yelo.

Zai.. Sambit ko sa isip ng pangalan nya habang nandoon ang pagkalungkot at awa sa aking puso sa nakikita kong kaibigan ko ngayon.

Ngunit gaya ng inaasahan ko'y nilingon nya ang kinaroroonan ko. At alam kong kanina nya pa alam na nandito ako.

Binigyan ko sya ng isang malapad na ngiti habang papalapit na ako sa kanya. Ngunit tsk. Dinedma akoooo! Psh! "Cold killjoy Zai!" Hmp. Maktol ko ng pabulong.

"Narinig kita." wika nya ng hindi ako tinitignan. Psh. Matalas ang pandinig talaga.

Pero.. "bakit mo ba ko pinapunta dito?" tanong ko at maayos na ipinark ang motor kong si Shadow. Hihi. Coooool!

"Pumasok muna tayo sa loob." malamig na sabi nya at nakapamulsang tinungo ang pinto. Ang camp namin ay nasa isa ring subdivision ngunit malayo sa ibang kabahayan dito. At tanging ito lamang camp namin ang napalilibutan ng naglalakihang puno na halos lumagpas na sa bakuran. Binili ito ni Zai. Binili nya sa kanyang ipon. Oo, ganoon kalaki ang laman ng bank account nya noon. Noong hindi pa komplikado ang buhay nya. Ngayon ay iba na, ibang iba sa kinalakihan nya.

Dinala ako ni Zai sa isa sa mga silid ng camp at laking gulat ko ng makita ang..

ISANG LALAKING NAKAHIGA SA KAMA?!

"W-what the.." hindi makapaniwalang sambit ko. "Zai! Zai sabihin mong hindi pa patay ang lalaking yan." turo ko sa lalaking nakahiga at nakasuot pa ng rubber shoes at jogging pants na itim. Bigla akong tinayuan ng balahibo sa buong katawan sa naisip na baka patay na ang lalaking ito.

May pangingilid ang luha na nilingon ko si Zai na prenteng nakasandal lamang sa pinto habang magkakrus ang mga braso. Naluluhang nilapitan ko sya. "Zai.. T-this can't be.. Bata ka pa! At marami pa tayong pangarap." madamdaming saad ko. "A-ayokong makulong ka.." lumuluha ng sambit ko at akmang hahawakan sya sa braso ngunit umiwas sya at binuksan ang pinto.

"Buhay yan. Unconscious lang." utas nya at lumabas na ng kwarto.

"Whaaaaat?" Para akong nalugi at bagsak ang balikat na sinundan ko si Zai sa labas ng kwartong iyon.

"Zai naman! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Hinayaan mo pa talagang mag-emote ako doon ng todo." maktol ko.

"Hayaan mo na ako lang naman ang nakakita." walang emosyong sambit nya.

"Hmp! Ang baaaaaad mo!" at nagpapadyak ako sa sahig.

Nang biglang.. "manang kape nga po." galing sa isang boses lalaking halatang bagong gising ang tono.

At sabay kaming napalingon ni Zai sa gawi ng kwartong pinanggalingan namin kanina dahil doon nanggaling ang boses ng lalaking nagsalita.

"Pft. Zai kape daw oh.."natatawang sambit ko.

"Bigyan mo." utos naman ni Zai.

At parang biglang nabuhayan ng dugo ang lalaki at nanlalaki ang mga matang inilibot ang paningin sa kabuuan ng camp.

Hindi mawari ang itsura nya. Epic dude! Epic! Sa sobrang epic gusto kong matawa. Kaya naman impit akong nagpigil ng tawa samantalang si Zai ay wari'y walang pakielam sa lalaki dahil prente lang syang nakasandal sa gilid ng lababo habang magkakrus ang mga braso.

"WHAT THE HELL AM I DOING HERE?!" makabasag eardrum na sigaw nung lalaking bagong gising. Infairness kahit lalaki sya makinis ang balat nya at maputi. At may kakaibang appeal ang isang 'to. "WHO THE HELL ARE YOU?" turo nya sa akin habang matalim ang mga tingin.

"Oh no. Not me.. I'm just uh.. I'm.. I'm me!" Omygosh! Nose bleed pala ko sa lalaking 'to. Nak ng tipaklong oh. Kaya naman para mawala na ang masamang tingin nya sa akin ay itinuro ko si Zai na bahagyang nakakunot ang noo habang may kakaibang tingin sa akin na wari'y sinasabing, what-the-hell-are-you-saying-look. Psh! Oo na. Wrong grammar na nga. Hmp. Tinaasan ko na lang sya ng kilay ay bumaling sa lalaking nagtataglay ng makinis at maputing balat. Pangarap ko yan e. Nabilad lang talaga ko sa araw.

Nang makita ko sya ay nanlalaki ang mga matang nakatitig sya kay Zai habang si Zai ay nakatanaw lamang ang paningin sa labas ng bintana ng kusina ng aming camp house. Tanging natatanaw nya lamang ay ang isang malaking bakanteng lote na may mumunting mga damong ligaw na tumutubo.

Hayy.. Ang hirap nyang pasayahin.

Nakakalungkot ang pagmasdan sya.

Mukhang napansin naman ng lalaking estranghero ang katahimikan kaya naman sya na mismo ang lumapit kay Zai at mabibigat ang mga paang tinungo nya ito. Wari'y nakikipagmartsa at salubong ang dalawang kilay.

"You!" turo nya kay Zai. Oh no! Parang mangangain ng buhay ang lalaking 'to. Ngunit sa kabila ng nakakatakot na aura nya ay pfft hindi sya pinansin ni Zai. "Hoy babae tignan mo ako kapag kinakausap kita!" nanggagalaiti pa ring bulalas nung lalaki. At sa pangalawang pagkakataon hindi pa rin sya pinansin ni Zai. Ngunit ng akmang hahablutin nya ang braso ng huli ay parang nag-slow motion ang pagbaling ni Zai dahil kitang kita kong biglang namilog ang mga mata nung lalaking makinis ang balat.

itutuloy ..

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon