Kabanata XX. The ACQUAINTANCE PART 3

15.4K 259 11
                                    

Zai's POV

Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako bigla ng kaba matapos ang sayaw nila Hope at makababa sila ng stage. Ngunit bago yun at habang sumasayaw sila ay wari'y may iba pang nagmamasid maliban sa mga tao sa Grand Hall.

Tsk. Hindi maaaring ganito ang pakiramdam ko. Kung sakaling tama ang hinala ko'y hindi maaaring dito dahil masyadong marami ang madadamay. Napailing ako sa isiping ito. Sana'y mali ang instinct ko ngayon. Nasabi ko sa isip.

Ngunit, ang pakiramdam ko'y hindi pa nagkamali kahit minsan. Kaya batid kong may nagmamasid nga di kalayuan dito sa Grand Hall.

Kaya naman masuri kong tinignan ang labas ng Grand Hall. Sa pagmamasid ay-- isang sniper at reaper. Nasabi ko sa isip ng mamataan ko di kalayuan ang mga ito. Malas nila natamaan sila ng sinag ng buwan sa pwesto nila ng saktong pagbaling ko sa kinaroroonan nila. Ang sniper ay asintado na sa target nya. Wari'y naghihintay na lamang ito ng timing at hudyat sa kasama.

Mabilis din silang nag-iba ng pwesto ng mabatid ang buwan na malayang nagbibigay sinag sa kanila. Awesome! Hindi nila napuna agad yun. Kaya naman panibagong pag-aasinta sa target ang ginawa ng sniper. Batid kong hindi pa nila ako napapansin.

"Zai bakit?" tanong ni Hope ng may pagtataka sa mukha.

"Wala naman.." sagot ko sa mahinahong boses. Hindi ko maaaring sabihin kay Hope. Mas delikado, lalo na pag nag panic sya. At dumagsa ang sangkatutak na tanong sa bibig nya.

"Zai ha ano yang mga tingin mong yan sa malayo? May nakikita ka ba? May multo ba? Huhuhu." natatakot na aniya at kumapit sa braso ko.

"Maupo ka lang dyan. At wag kang gagalaw." seryosong saad ko at tinuro ang isang mababang upuan.

Multo? San naman nya nakuha yun? Tinignan ko muli ang kinalulugaran ng dalawa. Ayokong hiwalayan sila ng tingin dahil isang maling lingat ko lang baka may masaktan at higit pa sa isa ang madamay. Tsk. At iyon ang kailangan iwasan.

Hindi ko sila makilala dahil may suot silang mask at armor. At dahil halos lamunin na sila ng dilim sa kinalulugaran nila ngayon ay sa galaw na lang nila ako bumabase.

"Pero Zai nagugutom na ako." nakangusong usal ni Hope sa gilid ko. "Punta na tayo ng buffet table." nakikiusap ang mga matang dugtong nya.

Mabilis ko syang tinignan at umiling. "Hindi pwede." sambit ko.

At ilang segundo lang matapos kong sabihin yun ay--

BAAAAANG!

Nakarinig na ako ng pagsabog at wari'y malaking pigurin ang nabasag. Sh*t! That's too fast!

"Dito ka lang." Muling baling ko kay Hope at nagmamadaling lumabas ng Grand Hall.

Nang makita ko ang dalawa'y mabilis silang nagtatakbo. Mga wari'y ninja sa kanilang kasuotan.

Ngunit bahagyang kumunot ang noo ko at tumaas ang isang gilid ng labi ko ng ang sniper ay nakuha pang magsindi ng yosi.

What an arse..

"Hindi ba dapat nakasibat na kayo sa mga oras na 'to?" tanong ko.

At halatang mga nagulat ang reaksyon nila. Nasa likod nila ako, at parehas silang nakatalikod sa akin. Ang sniper na hihithit na dapat sa yosi nya ay biglang natigilan. Ang assasin nama'y bahagyang tumaas ang dalawang balikat.

Hindi ko akalaing ganito sila magrereact. Batid kong magagaling sila. Ngunit, ang hindi ko inaasahan ay ang magiging reaksyon ng katawan nila sa tanong ko.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon