Kabanata XXIV. UNEXPECTED VISITORS Part 2

13.6K 236 39
                                    

ACE's POV

Iika-ika akong pumasok ng bahay nina Zai. Aish! Ang malas. Bakit kasi naputol ang sanga na yun? Anong gustong palabasin ng puno na yun na mabigat na ako? Buset na puno. Siguraduhin nya lang na masarap ang bungang nakuha ko sa kanya kanina kundi ipapuputol ko sya gamit ang chain saw at gagawin ko syang panggatong sa inihaw.

"Oh pre anong nangyari sayo?" bungad ni Drei sa akin makapasok ng pinto.

"Wala. May tumapid lang sa aking aso sa labas. Tsh." sagot ko at iika-ikang lumapit sa sofa na kasya lang ang dalawa.

"Grabe namang aso yun pre. Gaano ba kalaki at nakaya ka?" tanong pa rin nito. Napapalo na lang ako sa ulo ko sabay sambit ng "Aissh."

"Oh bakit pre pati ba ulo mo napasapok din? Naku pre pacheck-up kana pag ulo daw tinamaan delikado." nag-aala talagang usal ni Drei na lumapit sa akin at tinignan ang kabuuan ng ulo. Tsk.

"Nasan yung dalawa?" pagiiba ko. May pagka-ewan rin kasing kausap si Drei minsan.

"Andon sa kusina kumukuha ng mga plato at kutsara. Pinatulong sila ni Hope wag daw batugan dahil papalamunin na nga daw tayo." turan nito na nginuso pa ang kusina. "Wag ka mag-alala palabas na rin ang mga yun dahil dito tayo kakain sa sala nila dahil kung sa kusina nila ay sikip. Apat lang ata ang magkakasyang kumain ng sabay-sabay don." anito.

"Tsh. Oh eto yung mangga dalhin mo sa kanila. Iniwan ni Zai don sa labas kainis." wika ko at ibinigay sa kanya ang isang bungkos ng mangga na nakuha ko. Mga anim lahat. "Pinaghirapan ko pa naman kunin yan." reklamo ko. Badtrip na Zai yun bigla na lang akong iniwan matapos akong utusan.

Nagmadali naman pumuntang kusina si Drei dala yung mangga. Gutom na siguro ang loko hindi na kasi nakakain ng breakfast. Di kagaya ko na ni-rush ang pagkaing hinanda ng mga katulong. Paano kasi ang aga kaming pinagtatawagan ni Enzo. Akala ko nga may emergency, yun pala pinagplanohan na nya ang lahat. At kinonsensya kami isa-isa. Pambihira ang dating ng pag-ibig sa kanya.

"Oh eto naaaa." sigaw ni Hope dala ang isang pitsel ng juice. Tsk. Lakas ng boses talaga. Kabinge. "Oh Ace tinapid ka daw ng aso sa labas? Aba'y wala naman kaming aso dyan sa likurang bakuran ah." nagtatakang usal nito. Naniwala naman kay Drei ang baliw. "Ayos ka na ba?" tanong nya. Kasunod nya ng lumabas sina Enzo at Troy na parehas may dalang malaking tray.

Sa bahay nila hindi sila ang nagsisilbi pero dito ay naging sila ang taga-silbi.

"Oo, ayos na 'ko. Salamat sa kaibigan mong iniwan ako." sarkastikong sabi ko at namataan kong pababa na si Zai ng hagdan. Aba't! Nagpahinga pa ata ang isang 'to. Samantalang ako'y sumasakit pa din ang pwetan dahil sa pagbagsak nya sa akin. Naghihikab pa itong naglakad patungo sa amin.

"Asan na ang mangga?" tanong nito kay Zai. At tinignan ako. Bakit parang gumaganda sya?

O____O

Ano ka ba naman Ace. May gusto ka na ba talaga sa kanya? Tsk. Hindi ako sigurado. Pero parang OO?

Malakas akong napailing. Baliw ka na Ace. Baliw ka na.

"Andon binabalatan ni Drei." turan ni Hope na ngumuso sa kusina habang inaayos ang mga pagkain sa table.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakitang inilagay nya sa mesa. Anong pagkain yan?

"Adobong manok yan Ace, A-DO-BONG MA-NOK." usal ni Hope.

"Alam ko. Pero bakit ganyan? Ang liliit naman ata ng gayat nyan." reklamo ko. Anong tingin nya sa amin 2 years old?

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon