Kabanata 42

11.9K 306 52
                                    

Ace's POV

Nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa kanya. Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Parang may kung anong kumikiliti sa tyan ko. Naghahalo ang tuwa, kaba at pagka-miss ko sa kanya. Ito na marahil ang pakiramdam na ipinapaliwanag ni Drei kanina tungkol kay Enzo. Kakaiba dude! Kakaiba pala sa pakiramdam!

Para akong natameme sa kinatatayuan ko. Ang bibig ko ay di ko namalayang nakabuka pala ng mapansin kong pinagtitinginan na pala ako ng mga babaeng dumadaan. Karamihan pa ay may ibinubulong.

"Ang gwapo gwapo ni Ace kahit nakanganga pa sya."

"Korek! Kahit pasukin pa ng langaw ang bibig nya ay gwapo pa rin sya."

"Hmm. Ang bango bango nya. Amoy fabric fresh na fresh! eeeeeh!"

Napangiti naman ako ng malapad at inamoy din ang sarili. Hummn.. Mabango ka ngang talaga Ace pwedeng pwede mo ng harapin si Hell.

Malapad ang ngiting lumapit ako sa table namin. Kasama na nung tatlo sina Hell at dalawa nyang kaibigan.

Nang makalapit ako'y agad akong sinalubong ni Drei. "Pre, kanina ka pa namin iniintay. Saan ka pa ba nagpunta?" tignan mo 'to nagawa pa kong tanungin ng ganon.

"Tsh. Iniwan nyo kaya ako. Tsk." asik ko at sinamaan ko sya ng tingin.

"He-he-he.." napapangiwi syang napangiti at biglang, "Zai! Oo tama! Si Zai andito na pre wag ka ng magalit." animo'y parang asong biglang umamo.

"Tsh. Pag iniwan nyo ulit ako patay na kayo sakin." banta ko sa tatlo.

"Eto kasing si Enzo!"

"Anong ako? Ikaw ang may sabing iwan na natin si Ace dahil walang lovelife."si Enzo kay Drei.

At kita ko ang biglang pamumutla ni Drei. Alam na nya pag ganoon na ang usapan ay may parusa na ko sa kanila o sa kanya lang.

"Hep! Mamaya na kayo magtalo. Pag-uusapan natin yan mamaya."utas ko at tinapik tapik ang balikat ni Drei.

Pinagmamasdan ko naman si Zai kung makukuha nya ba akong tignan ngunit kahit sulyap ay hindi nya magawa. Tsk.

Ano? Ganyan na ulit sya, COLDna naman kung itrato kami? Parang nakalimutan na agad nya na tinawagan nya ako kagabi at pinakilig nya ako ng todo. Ha! Pambihira talaga. Tinitigan ko lang sya baka sakaling lumingon.

Ngunit,

Hindi. Kahit pasimpleng tingin ay wala. Nakatingin lang sya sa malayo. Wari'y pinagmamasdan ang hangin sa labas ng cafeteria. Tsk. Hanggang sa maupo ako sa tapat nya ay hindi pa rin sya tumingin. Kung titignan ay tagos sa akin ang mga tingin nya.

Demmit!

Di ko na 'to matiis. Kaya naman tumayo akong muli, "hoy! Ikaw ba ang tumawag sa akin kagabi? Aminin mo! Aminin mo 'yon." sigaw ko sa tapat nya at onti-onti parang slow motion na tinignan nya ako.

Napalunok ako ng malupet ng makita kung gaano kalamig ang mga mata nya. Brrrrr. Parang gustong ginawin ng katawan ko. Tumindig ang mga balahibo ko sa lamig ng mga mata nya. Sa kabila noon ay hindi sya nagsalita.

"Ha?? Totoo Ace? Tinawagan ka ni Zai?" si Drei.

"Pre maupo ka muna. Nakakaagaw pansin na tayo sa mga estudyante. Huminahon ka." si Enzo habang pinapaupo akong muli. Sinunod ko ang gusto nila at naupo ako ngunit hindi natinag ang tingin ko kay Hell. Ganoon rin naman sya sa akin. Ang pagkakaiba nga lang namin ay malamig ang kanya.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon