Kabanata VI. Team A vs B and the Mystery Girl

16.2K 313 28
                                    

ACE's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa classroom at nag-uusap usap sa nangyari kanina sa kaibigan ni Zai. "Enzo kilala mo ba 'yong babaeng pinagtripan kanina nina Lindsy?" Tanong ni Drei na may makahulugang tingin kay Enzo.

"H-hindi ah." Pagtanggi ni Enzo.

"Ows? Para kasing kilala mo na sya. Kung ipagtanggol mo sya kanina parang matagal na kayong magkakilala." Muling paghihinala ni Drei.

"N-naawa lang ako don sa babae. Bago pa naman pero kung i-bully ay ganoon na lang." Ani Enzo.

"Sabagay.. Wala pa naman tayong ibinully ng ganon." Pagsang-ayon naman ni Drei. "Anong masasabi mo Ace?" Baling naman nito sa akin.

"Wag mo kong tinatanong." Asik ko sa kanya. Una sa lahat ay ayokong magsalita o magbigay man ng opinyon dahil baka malaman nilang kilala ko si Zai maging ang kaibigan nitong malakas ang boses.

"Highblood ka agad. Parang ang sama ng gising natin ah."

"Ikaw lang." Sagot ko at umupo na ng maayos. Baka dumating na si Agusan mapagtripan pa ako.

Pero bakit naman kasi pinagtripan ng grupo nina Lindsy ang kaibigan ni Zai. Tsk. Hindi ba nila alam na street fighter si Zai at baka gumanti 'yon sa ginawa sa kaibigan nya.

At..

at.. Ako din! Baka balikan non dahil hindi ko sya sinamahan kahapon na mag-tour dito sa school ah.

HINDI PWEDE!

Lalabanan ko sya. Ha! Ako pa! Hindi ako papatalo sa kanya.

E tiklop ka nga sa mga nakaaway nyo non sa Macau. Sambit ng konsensya ko. A-anak ng!

Tsk! Pesteng konsensya. Oo na! Kaya lang naman ako pumikit non dahil baka matamaan yong mata ko. Oo tama! Baka ikabulag ko pa. Tsk.

Aish! Marahas akong napailing. Bakit ko ba kinakausap ang sarili ko? Tsk.

"Ace may problema ka ba?" Tapik ni Enzo sa balikat ko.

"W-wala." Marahas akong umiling.

"Para kasing may bumabagabag sa'yo."

"Tsk. Wala nga."

Maya maya pa'y ang dumating ay ang P.E instructor namin at sinabing mag-proceed na kami sa Gym dahil doon kami maglalaro para sa P.E group games. Ngunit wala ako sa mood. Iniisip ko pa rin ang nangyari kanina kay Zai at sa kaibigan nya.

Nang nasa gym na kami at nakaupo sa mga bench ay patuloy pa rin ang pangungulit sa akin ni Drei.

Ngunit tumahimik na sila dahil alam nilang wala talaga ako sa mood. At sa pagkakatahimik ko sa isang sulok ng gym ay natanaw ko na si Zai kasama ang kaibigan nya. Papasok na sila ng entrance ng gym. Bigla akong napatayo sa pagkakaupo ko at gayon din ang ginawa ni Enzo.

Nagkatinginan kaming dalawa at biglang nagkailanganan. Samantalang si Drei at Troy ay may kakaibang tingin na ipinupukol sa aming dalawa. "Anong mga tingin yan ha Troy?" Sita ko kay Troy.

"Wala naman." Mapang-asar nya akong tinitigan.

"Tsh."

Muli akong bumaling sa entrance ng gym at wala na don si Zai?! Asan na 'yon? Ang bilis namang nawala? Hinanap sya ng mata ko sa kabuuan ng Gym at ng makita ko'y kasama nya na si Troy?! Nilingon ko ang inuupuan ni Troy at wala na rin sya dito?!

"Oh pre, bakit nakakunot ang noo mo?" Tanong ni Drei sa akin.

Sa badtrip ko ay, "wala!" nasigawan ko sya.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon