Kabanata V.

17.4K 334 26
                                    

Madisson Hope's POV

"Nasaan na naman kaya si Zai?" Sambit ko sa sarili. Matapos nya akong iwan sa hideout ay hindi na sya nagpakita. Aish! 'Yong short hair na 'yon aigooo! Papaiksiin ko pa lalo ang hair nya makita nya.

Nagmamaktol na bumaba ako ng hagdan ng makita ko ang pinsan kong si Charity na nanunuod ng *toooot sensored*. "OH-EM-EF-G!" Bulalas ko at dali daling hinablot ang remote control ng t.v tsaka mabilis pa sa alas kwarto na pinatay ko iyon.

"Ano ka ba naman couz bakit mo pinatay 'yong tv? Nanunuod pa ako e." Sita nya sa akin at akmang hahablutin sa kamay ko ang remote control ngunit mabilis ko itong naiiwas. Dali dali akong umakyat muli ng hagdan at tumakbo patungo sa kwarto ko. Nang makarating ay agad ko itong ni-lock.

"Ayan, safe ka ng remote ka." Sambit ko sa remote control. Samantalang narinig ko ang malalakas na yabag ni Charity paakyat ng hagdan. Oh no!

Kaya naman dali dali kong itinago ang remote control sa cabinet ko at nilock din 'yon.

Wooooh.. Nakahinga ko ng maluwag. Pambihirang bata 'yon ke-bata bata e nanunuod na agad ng sensored. Anong feeling nya matanda na sya? Ha! E ako ngang 17 years old di pa nakakapanuod non e. Grabe.

Maya maya pa'y biglang tumunog ang cellphone ko. Sa sobrang excited ay tinalon ko ang kama ko dahil baka si Zai na ang tumatawag.

Mabilis kong pinindot ang answer button without looking in the caller's name. "Hello?!" Enthusiastic na sagot ko.

"U-um, hello?" Ang sagot sa kabilang linya. At boses lalaki! A-anak ng tipaklong! Paano nito nalaman ang number ko?

"Hello?! Si Zai ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Ow. Your too loud. Can't you minimize your voice?" Anito. Aba't! Loud daw ako? Loud?!

"Hoy Misterrr! Hindi ako loud! Walang loudspeaker dito. Tao ako. TAO." Pagdidiin ko sa kanya. Mukhang ewan pa ata 'tong kausap ko. "At kung hindi naman pala ikaw si Zai. Get lost!" Sabay pindot ko sa end button. Baka budol-budol pa 'yon e. Hihingi ng load sa akin tas kung ano-ano sasabihin. Ha! Nek nek nya. Wais 'to.

Nang ibaba ko ng muli sa side table ang cellphone ko ay bigla namang may nagtext. Aba! Imposibleng si Zai 'to. Bihira pa sa tsunami kung magtext 'yon.

Binuksan ko ang text at..

Hi. Can we be friends? Ang nilalaman ng text. Dali dali akong nagcompose ng reply dahil parehong numero ng tumawag ang nagtext.

Utot mo! I don't exchange messages with stranger. And I hit send. Ngunit hindi pa nakakalipas ang isang minuto ay nagreply na naman sya.

But I want to be friends with you.

'Yong totoo? Kilala ata ako nito.

Oy Misterrr kilala mo ba ako? Dahil ako sigurado akong HINDI KITA KILALA. And I hit send again emphasizing copslock letters.

Yeah, you don't know me but I probably know you. Ang text nya.

Whaaaaat? Ganon? Matapos ng text nya na 'yon ay napagpasyahan kong hindi na magreply pa dahil mukhang malaki ang pinagdadaanan ng lalaking ito. Kung sino man sya. At baka may schizophrenia pa 'yon.

Lumipas ang oras at nakaramdam na ako ng gutom kaya naman napagpasyahan kong bumaba na. Marahil ay wala na si Charity sa baba. Ngunit nakakadalawang baitang pa lang ako sa hagdan ay nakita ko na agad syang nanunuod na naman ng tv. Kaya naman mabilis pa sa alas kwatro na tumakbo ako patungo sa kanya.

"Saan ka nakakuha ng remote control?!" Ang unang tanong ko sa kanya. "At ano na naman 'yang pinapanuod mo?" Naniningkit ang mga matang tinitigan ko sya.

THE COLDEST (in major revision)Where stories live. Discover now