Kabanata 39: THE RETURN

8.5K 206 5
                                    

Hope's POV

Nagkahiwahiwalay kami matapos ang nakakayanig na pagsabog. Buti na lamang at nakita kong muli sina Nyx. Dahil sa matyagang paghahanap sa akin ni whiteboard ay nakasama ko ng muli ang mga kaklase ko dito ngayon sa bus. At ngayon ay nababalisa kami ni Nyx kung paano hahanapin si Zai. Nasan na naman kaya 'yon? Nakaalalay ako sa kanya kanina ng may sumabog ngunit kahit sa bilis ng pangyayari ay ramdam kong may humigit sa kanya. Ang tanong lang ay kung sino?

Maging si Ace ay wala pa rin dito. Abala na sa paghahanap 'yong tatlo nyang kaibigan dahil malalagot daw sila sa lolo ni Ace pag nagkataon. Akalain mo 'yon lolo's boy pala ang leader ng fantastic four. Kung ito'y normal na araw lang at hindi nawawala si Zai ay tatawanan ko sya ng malupet ngunit dahil nga madami ang nangyari ngayong araw ay ipagpapaliban ko muna ang pagtawa ko kay Ace.

"Ano bakla sumagot na ba?" aligagang tanong ni Nyx. Kasama ko sya ngayon. At parehas kaming  nag-aabang dito sa labas ng tour bus sa pagdating ni Zai. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil ligtas na kami ngunit si Zai ay hindi pa.

Nakuuuu! Zai Hella kakalbuhin na kitaaaaa! Palagi mo ko pinag-aalala. Maktol ko sa isip habang tinatawagan ang number ni Zai.

"Unattended na Nyx. Anong gagawin natin?" nag-aalalang tanong ko sa nag ngangatngat na ng kukong si Nyx. Nag-aalala na rin ang bakla.

"Darating si Zai. Manalig ka lang! Think positive, wag kang aayaw!" sabi nya na sumuntok sa hangin. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nya. Parang commercial 'yon ah.

Nagpabalik balik kami ng lakad ni Nyx sa labas ng bus sa labis na pag-aalala. Parehas kaming hindi mapakali. Isa pang pinag-aalala ko ay ang sugat ni Zai sa tagiliran nya. Hindi pa 'yon tuluyang nagagamot. Nilagyan lang daw 'yon ni Anton ng bandage gauze at betadine. Hindi pa 'yon natatahi kaya naman may posibilidad na bumuka 'yon.

"Bakla, tignan mo si Sir parang prente at kampante lang na nawawalan sya ng estudyante." biglang utas ni Nyx ng mapuna nya si Timbol na nagbabasa lang ng dyaryo habang nagyoyosi. Tsk! King ina. Kung hindi lang sya prof baka nasapak ko na sya. Halos mamatay na kami sa pag-alala pero sya pangingiti ngiti pa sa kasamang fieldtrip organizer na kasama namin. Parang gusto kong manuntok! Tsk. Nawawalan na sya ng estudyante pero parang balewala lang sa kanya. At no scratch that! BALEWALA talaga sa kanya.

"May araw din yan si Timbol." nasabi ko na lang. At inalis ang tingin sa pagmumukha nito. Lalo lang akong nagagalit kapag nakikita ko syang masaya kahit may nawawala na syang mga estudyante. If I know hinihiling nyang wag ng bumalik si Zai. Pero sorry na lang sya hindi matutupad ang hiling nya dahil alam kong babalik si Zai. At hindi ako bibiguin non. Kung masamang damo si Timbol. Madaming buhay naman ang meron si Zai. Parang pusa 'yon e. Sa tuwing nahihirapan sya ay mas lalo syang nagpupursige at lumalaban kaya alam kong makikita ko pa sya.

At maya maya pa ang sinabi kong 'yon ay hindi nagkamali dahil kitang kita ko ngayon ang papalapit ng si Zai kasama si Ace at ang tatlong kaibigan nito. Iika ikang maglakad si Zai na wari'y may iniindang sakit sa katawan. Samantalang si Ace ay nagpupumiglas sa pagkakaakay ng tatlong nyang kaibigan sa kanya.

"Hindi ako ang nasaktan! Bitawan nyo ako. Si Zai! Sya ang may sugat!" nagpupumiglas na sigaw nya doon sa tatlo.

"Alam namin. Kaya ka namin hinahawakan dahil ayaw naming masaktan mo ang sugat ni Zai sa sobrang pangungulit mo sa kanya." paliwanag ni whiteboard sa kaibigan. Ganoon pala.. tsk. Nakakamatay nga naman ang kakulitan ni Ace.

Saan kaya nila natagpuan ang dalawa?

"Zaaaaai!" Patakbo akong lumapit sa kanya upang alalayan sya. Ganoon din naman ang ginawa ni Nyx. "Pinag-alala mo na naman ako!" asik ko sa kanya.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon