Kabanata XXVII. THE MAFIA HEIRESS Childhood

11.1K 241 16
                                    

YUE's POV

Matapos makaalis ni Zai dito sa Gym ay syang dating ng isang importanteng tawag. "Supremo." bati ko sa tao sa kabilang linya. Mahihimigan ang pagbibigay galang ko dito sa tono ng pananalita ko.

Tumikhim naman ito bago magsalita "kamusta sya?" tanong nito sa maawtoridad na tono ngunit nandoon ang pag-aalala.

"Maayos ang kanyang lagay supremo ngunit nababahala ako sa natanggap nyang pananakot galing sa kabilang organisasyon." pagpapakatotoo ko. Sadyang nabahala ako ng iparinig sa akin yun ni Zai. Hindi ko man ipinahalata'y batid kong alam nyang nangangamba rin ako para sa kalagayan nya.

Nagmistulang isang mahabang minuto ang hindi agad pagsagot ng supremo. Batid kong maging sya'y nabahala para sa apo nya. Alam kong kahit gaano kaistrikto at katapang ng Supremo ay ganun na lamang ang pagmamahal nya sa sariling apo.

"Ipinagkakatiwala ko sya sayo Yue." maawtoridad na anito.

"Ngunit supremo alam kong batid nyo ang pagkamatigas ng ulo ng inyong apo." sagot ko at ramdam ko ang pagkadismaya ng Supremo sa kabilang linya sa sinagot ko dahil sa malalim na pagbuntong hininga nito. Higit sa lahat ayaw ng supremo na hindi nasusunod ang kung anong utos nya. Alam kong may kaparusahan ang pagsagot kong ito. Subalit hindi ko matiis ang di sabihin ang ugali ng kanyang apo. Tsk. Daig pa non ang batang paslit sa tigas ng ulo. At kung ano ang naisin ay syang ginagawa.

"Kung ganoon ay subaybayan mo sya. Hangga't maaari ay huwag mo syang hahayaang mag-isa sa mga lakad nya." nag-uutos na tono ng Supremo.

"Masusunod Supremo." yun lang at ibinaba na nito ang linya.

Noon pa ma'y batid ko na ang pagmamahal at sinseridad ng supremo sa apo nyang si Zai.

Flashback

Nagkaroon ng malawakang labanan noon ng mga Mafia Groups at sa kadahilanang ayaw madamay ng Supremo ang kanyang apo sa labanan ay napilitan itong ipadala ang apo sa tunay nitong nanay, si Celine Wang. Sa pamilya Wang lumaki si Zai noon, inaruga sya, minahal ng tunay nyang ina na si Celine. Hanggang sa tumuntong si Zai ng limang taong gulang, nagawa ng supremo na ipakidnap ang sariling apo at nagtagumpay ito. Natapos na ang labanan ng mga mafia noon at matagumpay nyang naibalik sa pangangalaga nya ang apo.

Ngunit ang kabilang pamilya na nag-aruga kay Zai ay hindi tumigil sa paghahanap sa nawawalang apo ng President Wang.

Natatandaan ko pa noon, labing apat na taon na ang nakalilipas. Ako at ang ama ko ang inutusan ng Supremo na kunin ang kanyang apo sa pangangalaga ng mga Wang. Kinaibigan ko pa noon ang panganay na anak ni Zander, ang tito ni Zai, upang mapalapit kami ng ama ko sa kanilang pamilya.

Nagtagumpay ako sa pakikipagkaibigan kay Zairus Wang na kaedad ko din. Sa murang edad ko noon ay sumabak na agad ako sa misyong ibinigay ng Supremo sa aking ama. Hindi ako tumutol noon dahil iyon ang gusto at pangarap ko, ang makabilang din sa Mafia Zeus.

Hindi nagtagal ay itinuring ko ng tunay na kaibigan si Zairus dahil sa tuwing kasama at kalaro ko sya nakakalimutan kong nasa misyon ako at may utos na dapat sundin galing sa Supremo.

Hanggang sa dumating ang araw na kailangan na naming kunin si Zai. Ang batang Zai noon ay masayahin, masigla, at kakikitaan ng magandang pag-uugali. Isang mabuting anak kina Celine. Ngunit andon pa rin ang dugong mafia na nananalaytay dito. Dahil sadyang mabilis itong kumilos, mabilis mag-isip at sa murang edad ay nagagawa nitong mag-solve ng difficult puzzle. Maging Soduko ay nilalaro nito. Tinalo pa nito ang talino at galing namin ni Zairus.

Araw ng linggo noon, papalabas na kami ng Simbahan ng yayain ko si Zai na mauna na kaming lumabas dahil may bibilhin ako. Hindi ganoon karami ang nagbabantay na bodyguard ng Presidente kaya naman noon namin naisip na isigawa na ang plano.

"Bakit? Andito pa sina mommy." tukoy nito sa pamilya na kausap pa ang kuraparoko ng simbahan at ilang opisyal.

"Sandali lang naman tayo." sagot ko.

"Sige. Balik tayo agad." sambit nito at inilagay ang mga kamay sa bulsa ng suot nyang puting denim short na tenernuhan ng checkered blouse. Noon pa man ay maangas at cool ng maglakad si Zai. Diretso lamang itong nakatingin sa dadaanan patungong pinto ng Simbahan.

Nang makalabas kami'y agad hinanap ng paningin ko kung nasan ang aking ama. Nang hindi ito makita ng paningin ko'y sinabihan ko si Zai na "dito ka lang." Iniwan ko sya sa isang malaking puno sa gilid ng Simbahan at umalis ako saglit at nagtungo sa harap ng simbahan upang hanaping muli ang aking ama. Ngunit lumipas ang dalawang minuto ay wala pa rin ito. Baka makahalata na ang President Wang. Sambit ko sa isip at binalikan ko na si Zai sa gilid ng Simbahan.

Nang makarating ako di kalayuan sa lugar na pinag-iwanan ko kay Zai ay napatigil ako sa nakita ko. Si Zai may kausap na batang lalaki na sa tingin ko'y kaedad lamang nya. Umiiyak ito habang sinasabing "galit sa akin ang lolo ko*sniff*" usal nito ng nakatungo at pinapahid ang luha gamit ang likod ng kanyang palad.

"Bakit naman nagalit?" malumanay na tanong ni Zai sa batang lalaki. Sa pananamit ng bata ay halatang nanggaling din sa mayamang pamilya. Nakasuot ito ng puting denim short na sa tingin palang ay branded na pati ang polo shirt nitong itim na may tatak na Nike.

"Hindi daw ako goodboy *sniff sniff*" animo'y nagsusumbong na usal ng batang lalaki.

Nang dahil doon ay dumukot si Zai ng panyo sa kanyang bulsa at iniabot ito sa batang lalaki. Tinanggap naman ito ng huli. Kasabay noon ay kumuha si Zai ng matulis na bato sa lupa at umukit sa puno ng isang smiley " :) ". Nang dahil doon ay napalingon ang bata sa inukit ni Zai at agad na gumuhit ang ngiti sa labi ng batang lalaki. Ang kaninang luha sa mga mata nito ay napalitan ng tuwa.

Kasabay noon ay ang pagtawag ng isang batang babaeng hindi katangkaran. "Ace! Halika ka na. Uuwi na daw tayo sabi ni lolo." tawag nito sa batang lalaki na kausap ni Zai.

Lumingon ang batang lalaki sa kapatid at sinabing "sandali lang Alexis magpapaalam lang ako." sagot nito pabalik. At muling hinarap si Zai. "Aalis na ako pero babalik ulit ako dito ha." sabi nito kay Zai na direksyong nakatingin sa kanya.

Tumango lamang si Zai bilang sagot at muling gumuhit ang ngiti sa batang lalaki tsaka nagmamadaling umalis at nagtungo sa batang babaeng tumawag sa kanya kanina. Kumaway pa ito bago tuluyang pumasok sa loob ng simbahan.

Sakto naman ang pagdating ng aking ama ng mga oras na yun sa lugar kung nasaan kami at agad nilagyan ng panyo ang ilong ni Zai. At tsaka kami tahimik at nagmamadaling umalis.

itutuloy..

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon