Kabanata XIII. The PAST

13.1K 322 10
                                    

Continuation of Flashback

Hope's PoV

After the incident in the School Gym, Zai became COLDER compared before. I barely noticed her. She moves as if she's like an air. And she walks as if she was a slow Zombie.

She doesn't talk.

She always wear a blank expression.

She is there but her gazed never met yours.

She's like an Ice burg longing to melt down.

Matapos ang pangyayari na 'yon ay marahang tumalikod si Zai sa pagkakatayo nyang yon sa gym at umalis. Ang sabi lamang nya ay uuwi daw muna sya. Ayoko nga sana syang hayaang umalis ngunit batid kong kailangan nyang mapag-isa.

Noong mga oras din na yon, nang makaalis si Zai ay nais kong bumalik sa Gym at sampalin si Kyle. Ngunit alam kong hindi yon ang gusto ni Zai na gawin ko. At ayoko rin bigyan ng satisfaction si Kyle sa mga ginawa nya. Wala ako sa posisyon upang magsabi ng mga bagay na dapat kay Zai manggaling.

Palalagpasin ko ulit 'to Kyle ngunit sa oras na masaktan mo ulit si Zai ay hindi na ako magdadalawang isip pa.

Makalipas ang ilang araw ay hindi pa rin nagpakita si Zai sa School. Hindi sya pumasok ng isang buong linggo noon.

Hanggang sa nasabi ni Zairus sa akin na may posibilidad daw na nasa isang resort na pagmamay-ari nila sa Batangas naroroon si Zai. Kaya naman ng mga oras ding 'yon ay tinahak namin ni Zairus ang daan patungong Batangas.

At nang makarating kami ay agad naming hinanap si Zai sa buong resort at nang makita namin sya ay maituturing na isang perfect view kung hindi lang talaga labis na nasasaktan ang babaeng nasa harap nito--

She was standing in the seashore with the sun ready to set in her front. The sun seems oblivious to the girl watching the breathtaking view. While the ocean was in way too peaceful and it was in transparent to the color of the beautiful sun set. And the small waves of the sea are reaching Zai's bare foot. She was looking in the endless ocean intently. It was a picture perfect but unfortunately, the girl in that picture was the same girl who was in deep pain, who suffer sorrow and devastation. She's alive but she's now getting colder. She's hurt, we know.

Hindi na pumasok si Zai ng buong linggo na iyon. Sa makatuwid ay dalawang linggo na syang di pumapasok.

Hanggang sa malaman kong nag-dropped out na sya. Nag-iwan sya ng sulat kay Zairus na nagsasabing nakapagdesisyon na sya na pupunta sya ng Beijing.

Kasabay ng pag-alis ni Zai ay sya namang pagpapauwi sa akin ng mga magulang ko sa Davao. Hindi magandang balita ang bumungad sa akin ng makauwi ako.

Nalulugi na ang kompanya namin at hindi nagtagumpay ang expansion sa Cebu. Nagdulot ito ng malaking utang sa bangko. Humaharap ngayon ang pamilya ko sa malaking suliranin. Kaya naman noong mga oras din na yon ay nagdesisyon sila na tumigil muna ako sa pag-aaral at si Kuya Hunter muna ang patapusin dahil ito ay nasa ika-apat na taon na sa kolehiyo. Samantalang ako'y High School pa lamang.

Tinanggap ko ang desisyon ng pamilya ko na tumigil muna ako. Hindi rin naman nagtagal ay nakatapos si Kuya Hunter at sya ang nagbangon muli ng kompanyang pinaghirapan ng lolo namin at ni daddy. Nakatanggap ng samu't saring papuri si kuya Hunter hindi lamang sa pamilya namin maging sa larangan ng business. Hindi ko maitatangging napakagaling ng kapatid ko at matalino. Bukod pa doon ay biniyayaan din sya ng kagwapohan.

Kaya naman sa pag-angat ng kapatid ko ay hindi maaalis ang maikumpara kaming dalawa. Maging si Mommy at Daddy ay wala ng ibang bukam-bibig kundi ang nakatatanda kong kapatid. Papuri dito at papuri doon ang natatanggap nya.

Hindi ko na alam noong mga panahon na yon kung may lugar pa ba ako sa pamilya nila o talagang si kuya Hunter na lang ang naging 'apple of the eye' nila.

Hindi ko maitatangging labis akong dismayado ng mga panahon na yon. Kaya naman itinuon ko ang atensyon ko sa ibang bagay.

Sinimulan kong makipagkaibigan muli. Lumabas ako at nakakilala ng iba't ibang klase ng tao. Hanggang sa natuto na akong maglaro ng mga larong pangtambay kagaya ng tantsing, dama, chess, pakikipagbuno, at maging pakikipag-away ay napasok ko. Nalulong ako sa barkada at halos di na umuuwi ng bahay.

Sa mga oras na napapaaway ako ay naaalala ko si Zai. How I miss my best bud. Nasabi ko sa sarili ko.

Nalulong ako sa barkada noon. Halos gabi na rin ako kung umuwi sa bahay at napapadalas na iyon. Hindi daw naging maganda ang dulot sa akin ng Davao kaya naman inilipat ako nila Mommy ng Cebu. Dahil doon ay inuumpisahan na muli nila ang panibagong expansion ng business ng pamilya Tuangco.

Ngunit ng mabalitaan kong nakabalik na muli si Zai galing Beijing ay agad akong lumuwas patungong Maynila kasama ko si Charity. Ang aking pinsan na syang naging malapit sa akin at tinuring akong higit pa sa isang kapatid kahit na madalas ko syang awayin. Inintindi nya ako at ang sitwasyon ko sa pamilya namin.

Ang nagdaang dalawang taon ay naging napakabilis ngunit puno ng iba't ibang klase ng ala-ala na hindi ko malaman kung gugustuhin ko bang balikan.

Agad kaming nagkita ni Zai pagkalapag na pagkalapag pa lang ng eroplano namin galing Cebu.

At noon din ay nagdesisyon kaming ituloy ang pag-aaral namin sa Black Star High. Kasama na namin si Charity na nag-aral doon.

Ngunit di rin nagtagal ng matapos namin ni Zai ang ikaapat na taon sa High School ay nagpasya kaming lumipat na ng paaralan dahil hindi na maganda ang nagiging pamamalakad ng mga namamahala sa BSU. Madalas din na mapaaway si Charity sa ibang estudyante at maging sa mga guro nya. Kaya naman kami ni Zai ang humaharap sa mga iyon.

Nang dahil doon, nagpasya kaming hindi na doon magkolehiyo at lumipat na kami sa--

SVU. Ang ShakespearVille University.

Kung saan kami nag-aaral ngayon.

End of flashback.

itutuloy...

Please don't forget to VOTE, leave a COMMENT. It's highly APPRECIATED. THANKYOU!

Please share also..

ARIGATO!

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon