Kabanata 43 Ang pagdating ng ilang gangster, capo at reaper.

5.6K 133 8
                                    

ZAI's POV

Tanghali, matapos ang klase pang umaga ay nagtungo ako sa motor ko upang kunin ang ilang gamit na itinabi ko doon. Sina Hope ay nasa library pa at ginagawa ang project na ibinigay ni Timbol. Magkikita na lamang daw kami sa canteen ng SVU.

Habang naglalakad sa pathway ng school ay may natanaw akong pamilyar na pigura. Hindi ko inaasahan ang presensya ng taong iniisip kong nagmamay-ari ng pigurang natanaw ko.

Ipinagkibit balikat ko lamang ang nakita at diretsong tumuloy sa motor kong nakapark di kalayuan. Habang kinukuha ang iilang gamit ay damang dama kong may mga matang matatalas na nagmamatyag sa akin.

Mabilis kong inilibot ang mga mata ko ng hindi inililingon ang ulo. Tanging ang mga mata ko lamang ang ginamit ko upang tignan sila.

Nang mailibot ko ang paningin ay nabilang kong anim silang lahat.

Ano ang pakay nila? Bahagya akong nabagabag sa presensya nila. Hindi lingid sa kaalaman ko na ako ang pakay nila kaya naman dahan-dahan akong lumapit sa kinaroroonan nila ng nakapamulsa ang isang kamay habang ang isa ay hawak ang helmet.

Damang dama ko ang nag-aalab nilang tingin. Parang nais nila akong itumba gamit lang ang matatalim na tingin na iyon.

Nasa pinakagilid na bahagi na kami ng SVU kaya naman hindi na ako magtatakang bibihira ang nagagawing estudyante dito. Sa laki ng paaralan ay ito na ata ang pinakahuling nanaising puntahan ng mga estudyante.

Sumenyas ako na magsilabas na sila. At hindi naman bumilang ng minuto ay nagsilabasan na sila sa pagkakatago nila, pinangungunahan ni Novu. Umiiling iling na tinitigan nya ako ng matalim. Bagaman bahagyang nakataas ang isang gilid ng labi nya. "Magaling Zai, ang talas pa rin talaga ng pandama mo. Akala ko'y kinalawang ka na sa mamahaling paaralang ito." Anito na may nakakalokong ngiti.

"Anong kailangan nyo?" diretsong tanong ko. At binigyan ako ni Novu ng nakakaloko at mapang-asar na ngiti na masarap burahin sa mundo.

Pilit akong nagpapakakampante dahil iniisip ko ang mga estudyanteng maaaring madamay sa lugar na ito.

"Pinapatawag ka ng Supremo." anito na biglang nagseryoso ang tono at maging ang mukha. Habang ang iba ay masuring nagmamasid sa paligid. Kapansin-pansing wala si Xander. At wari'y nabasa ni Novu ang iniisip ko ng tignan ko silang isa-isa. "Napansin mo na ring wala si Xander.. magaling Zai." mapait ang tonong wika nya. Alam ko kung ano ang ipinupunto nya. "Nagpapagaling sya ng dahil sa'yo hindi na sya maaaring lumaban pa." bakas ang galit sa mukha ni Novu ng sabihin ang mga katagang ito. "Hindi mo nga sya tinuluyan ngunit ginawa mo naman syang baldado!" hindi na nya naiwasang hindi sumigaw sa tindi ng galit habang nakakuyom ang isang palad. Pilit syang pinapakalma ng mga kasama dahil sa sitwasyon nya ngayon ay di maiiwasang sugurin nya ako.

Ngunit ang ipinagtataka ko ay ang sinabi ni Novu na naging baldado si Xander. Hindi ko sya iniwang baldado. Hindi umabot sa ganoon ang naging laban namin. Kung sasabihin ko ito kay Novu ay wala rin saysay dahil batid kong sarado na ang isip nya sa paniniwalang ako ang may gawa noon.

"Boss kalma lang. Hindi dito ang tamang lugar upang gumanti." utas ng isa sa mga kasamahan nya.

"Oo nga boss." pag-sang ayon ng isa pa. Onti-onti ay kumalma si Novu at muling sinabing, "pinapatawag ka ng Supremo." sa mababang tono.

Napakunot ang noo ko at bahagyang nagsalubong ang mga kilay sa sinabi nya. "Nakapagtataka naman.." hindi makapaniwalang sabi ko. "Sa lahat ng kasapi na myembro ay batid kong ikaw ang pinakaayaw ako at lubos ang pagkadisgusto mo. Bakit ikaw ang uutusan ng Supremo upang sunduin ako?" utas ko na hindi nagpakita ng kahit anong emosyon.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon