Kabanata X. Indenial Stage at YZ Gym.

17.9K 341 18
                                    

Ace's PoV

"Tito, goodafternoon po." bati ni Enzo at Drei kay Dad. Araw ngayon ng Linggo. Ngayon napagkasunduan na pupunta kami sa Gym.

"Goodafternoon." pormal na bati ni Dad habang abala sa laptop. Malamang, kahit araw ng linggo nagtatrabaho pa din sya. Sinenyasan ko naman si Drei na magsabi ng aalis na kami.

"Ahem, Tito aalis na po kami." diretsong sabi ni Drei. Tsk. Hindi manlang dinahan-dahan ng gagu.

Bigla namang napatingin sa amin si Dad. Tsk. Pahamak ka talaga Marc Andrei Chua. Baka di pa ko payagan ni Dad. "Saan ang punta nyo Ace Martin?" seryosong sabi ni Dad at nakatingin sa akin. Istrikto din si Daddy kagaya ni General.

"A-ah tito.. Hindi po ba nabanggit sa inyo ni Ace na nagpamember po kami sa Gym?" si Enzo. Yown! Saved by a friend. Si Drei kasi binigla si Dad. Tsk. Kaya nawala ako sa wisyo.

"Totoo ba Ace Martin?" tanong ni Dad.

"Y-yes Dad." tsk. Bakit ako nauutal. Pambihira.. Si Dad lang yan Ace. Di yan si General. Pero nakakatakot din kasi si Dad lalo na pag seryoso sya at busy sa ginagawa. Parang di sya papayag sa anumang gagawin at sasabihin ko.

"Okay. You may go." sabi ni Dad at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Yown! Ayos..

Nang makalabas kami ng bahay ay agad kaming dumiretso sa kotse ni Enzo. At tinahak ang daan patungo sa sinasabi nilang Gym. Malapit lang daw yun sa SVU.

"Wow pre, ang daming bagong member na chicks." sabi ni Drei na nagniningning ang mga mata. Nagugunita na namin ni Enzo kung ano ba talaga pinunta nya dito. Tsk.

Napailing na lang kami ni Enzo sa sinabi ni Drei. Pambihira, umatake na naman pagiging chickboy. Hindi sumama sa amin si Troy dahil may pupuntahan daw sya ngayong araw.

"Yow Miss beautiful." bati ni Drei sa nasa front desk. Wag nyang sabihin na pati yan chicks nya. Aba'y matinde!

"Kaw pala Andrei. Kamusta?" yung nasa front desk.

"Well, eto gwapo pa rin." wew.. napasipol na lang ako sa sobrang hangin ni Drei. Si Enzo naman napailing na lang.

"Dude, tara na ang hangin na dito e." yaya ni Enzo sa akin. Bahala na si Drei kumuha ng membership para sa akin.

Naglalakad kami paakyat sa second floor nang, "Ow, sorry." biglang sabi ni Enzo na nauunang maglakad sa akin. Tinignan ko kung sino yung nabangga nya-- what the hell is she doing here?! bulalas ko sa isip.

"Anong sorry?! Hindi ka tumitingin sa dinadaan mo bwisit!" asik ng kaibigan ni Zai na si Hope. Sa lakas ng boses nya nakaagaw na kami ng atensyon ng mga member sa Gym. Tsk. "Hindi mo pa ba aalisin yang paa mong nakaapak pa rin sa mop ko?!" sigaw na naman ni Hope. Tsk! This is embarrassing to other members. Bakit naman kasi dito pa naisipan mag-mop nito. Pwede namang sa bahay na lang nila.

"Sigurado ka bang sayo nga yang mop?" nakakalokong ngumiti si Enzo kay Hope. Dito pa naisipang mag-LQ.

"Aba't--" hindi na naituloy ni Hope ang sasabihin sana nya dahil may humawak na sa braso nya na sya namang ikinagulat ko.

And what on earth is she freaking here ALSO?! Ano 'to reunion?!

"Zai.." malumanay na wika ni Hope at nagharap ang magkaibigan.

"Tsk. Now I know." sabi ni Zai kay Hope. Ano naman kaya pinag-uusapan ng dalawang 'to.

"Eee.. kasi.. Zai ano e.." putol putol na sabi ni Hope na wari'y kinakabahan.

"Tsk." yun lang at bumaling na si Zai sa amin. "This way." sabi nya at nagpaumunang maglakad. Anong this way this way ang sinasabi nito?

Tinapik naman ako ni Enzo at sumenyas na sumunod na ako dahil napansin nyang nakatigil lang ako doon habang nakatitig sa likod ni Zai. Inassist nya kami sa bakanteng parte ng Gym. Anong klaseng trip naman ng mga 'to at inassist kami dito? tanong ko sa isip. Tsk. Wag nyang sabihin parehas sila ni Hope na nagtatrabaho dito? Bakit dito pa kung saan kami mag-memember?! Pero naisip ko, mabuti na lang at hindi sumama si Troy kundi baka magkalapit pa silang lalo ni Zai. Napangiti akong sa isiping 'yon. Parang nakahinga ako ng maluwag.

Bigla naman kaming tinalikuran ni Zai at umalis kabuntot si Hope. Tignan mo yun dinala kami dito tapos iiwan din kami?! Tsk! Aba'y matinde!

Maya-maya ay bumalik muli si Zai kasama pa rin si Hope at may kasama pang silang lalaki. Sino naman yan? Nakadisenyo na parang pang k-pop ang buhok nya. Mukhang may angkin syang galing sa paglalagay ng wax. Parang pang k-pop sa korea ang datingan ng tindig nya.

"Excuse me." tawag pansin nung lalaki sa amin ni Enzo.

"What's up dude!" bati ni Enzo don sa lalaki. Tsk. Magkakilala na sila?

"Kaw pala Lorenzo. It's nice to see you here again dude." sabi naman nung lalaki. Kumunot ang noo ko sa pag-uusap nila na napansin naman ni Enzo. Malamang magkaibigan na sila dahil ilang linggo na ring naunang mag-gym sa akin yung dalawa.

"By the way dude, this is my bestfriend Ace. Magmemember na rin sya dito." pakilala ni Enzo sa akin.

"I see." anito at tumango. "Yue.." pakilala nung lalaki sa sarili at inilahad ang kamay nito sa akin. Agad ko namang tinanggap iyon at nakipagkamay.

"Pre, he's the owner of this awesome Gym." ani Enzo at tinapik ang balikat nung nagpakilalang Yue. Sa hitsura nya mukhang mas matanda sya sa amin. Ngunit tiyak kong hindi rin nagkakalayo ang edad namin sa kanya. Kaya naman nakakahangang may sarili na syang Gym sa edad nya ngayon.

"Pwede ba layuan mo si Yue baka mahawahan mo pa sya!" singhal ni Hope at tinabig ang kamay ni Enzo na nasa balikat ni Yue.

"Sayang ang ganda masungit lang talaga at napakalakas ng boses." bulong ni Enzo na narinig ko dahil mas malapit ako sa kanya.

"Ano kamo?!" si Hope yan nakasigaw na naman.

"Wala.." matabang na utas ni Enzo. Mukhang tinamaan na ang bestfriend ko dito kay Hope ah. Aba'y matinde sa bilis!

"Yue, sa office muna kami." paalam naman ni Zai. Aalis agad sya? Pero ano daw yun office? Kasama ba sya sa may-ari nitong gym?

Bigla kaming nagkatinginan ni Enzo. Marahil ay iniisip nya rin ang naiisip ko. Iba na talaga kapag close ka talaga sa bestfriend mo nagkakatulad na kayo ng iniisip minsan.

"Sige.. Susunod na ako don mamaya." sabi naman ni Yue at tumango sa dalawa. Wala namang alinlangan na umalis si Zai at di manlang  kami tinapunan ng tingin. Ano kami invisible sa paningin nya? Tsk.

"By the way, in 10 minutes one of our good instructor will be here. If you need anything just approach one of the assistants. I'll go ahead dude. Help yourself here." sabi nung Yue. "And by the way, nice to meet you Ace." dagdag nya at tinapik kami ni Enzo sa balikat at umalis.

"Oh pre, what's with that face?" tanong sakin ni Enzo ng bumaling sya sa akin.

"Wala naman, hindi lang maganda pakiramdam ko sa Yue na yun." totoong pag-amin ko.

"Pre, baka naman nagseselos ka lang dahil nakita mong kasama nya kanina si Zai." w-what the?!

"H-hoy Enzo wag kang nagsasalita ng ganyan." sabi ko ng nakakunot ang noo. Ako magseselos? HINDI!

"Oh bakit hindi ba totoo pre?" binigyan ako ng nanunuksong tingin ni Enzo.Tsk.

"Hindi nga!" napalakas ang boses na sabi ko. Badtrip.. Bakit ba kasi nila ko inuudyok kay Zai.

"Sus. Indenial stage." bulong ni Enzo na narinig ko naman. Tsk. Hindi nga sabi e! Bahala sya dyan. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nagseselos nga ba ko? Tsk tsk. Hindi maaari. Hindi pwede. At AYOKO! Bakit ba pinapakiramdaman ko pa sarili ko e alam ko namang HINDI ako nagseselos. Hindi talaga.

itutuloy ..

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon