Kabanata 34 ANG PAGKABALISA ni YUE.

10.9K 214 26
                                    

Ace Point of View

Sa parehong araw, nang hapon ding iyon ay may inanunsyo si Timbol sa buong klase. "Magkakaroon tayo ng fieldtrip. Pupunta tayo sa Quezon Province upang puntahan ang isang natural abundant place doon, ang Malusak Cave." anunsyo ni Timbol sa buong klase.

"Sir bakit doon?"

"Sir sa beach na lang tayo."

"Kailan po ba yan Sir?"

"Sa ibang lugar na lang Sir!"

"Paano kung ayaw namin sumama Sir?"

"Sir wag na doon!"

Iba't iba ang naging reaksyon at komento ng mga kaklase ko ngunit karamihan ay ayaw sumama sa fieldtrip.

Cave? Anong trip ni Timbol? Sa dami ng pupuntahan, kweba pa?! Angal ko sa isip. Maging ako ay ayaw ko din sumama tsk. Baka makakita pa ako ng exotic animal doon.

Siniko naman ako ni Drei sa gilid ko at tinanong, "anong trip ni sir bakit sa kweba tayo pupunta?" tanong nyang iritable. "Mas gusto ko sa beach madaming naka-swimsuit. Doon sa kweba wala!" asik nya ng pabulong.

"Wag ka sa akin magreklamo doon kay Sir." tch. Tinuro ko si Sir na ngayon ay nag-uusok sa galit dahil sa ingay ng buong klase. Madami ang umaangal sa gaganaping fieldtrip.

"QUIEEEET!" sigaw ni Sir at agad tumahimik ang buong klase. "Ang ayaw sumama ay mag-drop na. Magpapasa kayo ng reaction paper tungkol sa Malusak Cave, sa makikita nyo doon at sa karanasan nyo. Kaya naman ang hindi sasama ay natural na walang maipapasang reaction paper. Mag-isip kayo." dugtong nito na seryosong tinignan ang buong klase.

"Serr naman.." reklamo ng mga baklang sina Nyx at Anton.

"Sir magkano ho ba ang gagastusin dyan?" tanong ni Megaphone matapos makipagbulungan kay Frieza. Anong pinagbubulungan nila? Problema sa panggastos sa fieldtrip? Tch. Kung bakit kasi kailangan pa nilang itago na mayaman sila. Pero ang alam ko'y sagot ng school ang fieldtrip. Kasama na sa tuition iyon.

[O___O] Bigla naman nanlaki ang mga mata ko ng mapatingin kay Megaphone. Napaisip ako kung si Megaphone din kaya mayaman?

"Ano ba yan! Kung tayo place ng fieldtrip ang pinoproblema sila naman pera? OMG mahihirap talaga."

"Korek! Mga hampas-lupa ang dalawang yan friend." bulungan ng dalawang babaeng nasa unahang row namin.Kung makapanghusga ang mga 'to. Tsk.

"Hoy. Ang iingay nyo."sita ko sa kanila at para silang mga natakot at nagkubli. Ang dadaldal!

"Magsitahimik kayo! This is a must. Ang hindi sumama ay babagsak sa asignaturang ito." may pinalidad na utas ni Timbol. "At kung panggastos sa fieldtrip ang inaalala mo Miss Tuangco ay sagot iyon ng paaralang ito para sabihin ko sa iyo dahil mukhang hindi ka nakinig noong orientation meeting." sarkastikong sabi ni Timbol kay Megaphone.

"Para nagtatanong lang e.." dinig kong reklamo ni Megaphone. Mayaman din kaya sya kagaya ng kaibigan nya na apo pala ng isang Chairman. Tsk. Bakit parang ang daming lihim ng magkaibigang Frieza at Megaphone?

Madami pang naging bilin si Sir, "aalis tayo the day after tomorrow. Yang mga permit na ibinigay ko'y papirmahan nyo sa mga magulang nyo. Kokolektahin ko yan bago tayo umalis. Magdala kayo ng flashlight siguraduhing bago ang baterya o kaya'y naicharge nyo ng maayos kung hindi ay bahala kayong mangapa sa dilim sa kweba. Magbaon din kayo ng makakain nyo." imporma ni Sir sa lahat. "May katanungan pa ba?" pahabol ni Sir.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon