Kabanata XVI. SVU Memorial Hospital

15K 296 5
                                    

Zai's PoV

"Andito na naman ang malalandi at walang kwentang sina Zai at ang sidekick nyang baliw. Hindi sila nararapat dito sa school natin!"

"True! Ang papangit nila e." ang grupo ni Lindsy ang sumalubong sa amin ng mga panlalait.

"Tandaan mo Zai hindi pa tayo tapos." Pagbabanta naman ni Lindsy na halos manggigil na sa pwesto nyang nakapameywang.

Yan ang sumalubong sa amin sa paglalakad namin sa Hallway. What a nice greeting in a Wednesday morning. Tsk. Sarkastikong sabi ko sa isip.

Samantalang si Hope naman ay panay ang senyas gamit ang kamay nya ng pakyu sa grupo nila Lindsy. Tanging sila lamang ang may ngitngit at galit dito sa amin sa school. Palibhasa ay sana'y na silang nambubully.

Nakakasakit ng damdamin, oo. Pero batid kong lingid yun sa kaalaman nila. They're being cynical and childish I know.. but I also know what's their point of being like that.

Sabi nga nila in order to understand others you must understand yourself first. Magulo ba? Bahala ka ng umintindi.

Kaya naman kung ano ang ipinupunto nila'y naiintindihan ko. Ang hindi ko lamang maintindihan ay ang kung paano sila magsalita at makitungo. Tsk. That's the unbelievable part.

"Grabe Zai araw-araw na lang sila ganito. Kakaasar na." reklamo ni Hope.

"Wag mo na lang pansinin." malumanay na sabi ko sa kanya habang naglalakad sa stairs paakyat ng 3rd floor.

"Tsh! Kahit anong pilit at iwas ko na wag pansinin e nagpapapansin pa rin sila." reklamo pa rin nya at nag-make face.

"KSP ba?" tanong ko at binalingan sya ng tingin sa kanan ko.

"Hahahahaha! Tama!" at sabay pa kaming natawa.

"WOW! Kaibigan kong tunay! Nagagawa mo na ulit tumawa! Hahaha!" utas sabi nya at tinuro pa ang mukha ko.

tsk.

"Ganyan nga Zai! Ganyan nga. Pagpatuloy mo. Hahaha!" muling wika nya.

Baliw...

Nang makarating kami sa classroom ay agad dumating si Agusan kaya naman hindi na sila nakapagdaldalan pa ni Nyx. Agad itong nagbigay ng long quiz at sinundan ng mahabang discussion na pati ang pangalawang subject na walang lecturer ay sinakop na nya.

"SH*T!"

"Ano yun Mister Lim?! Don't cussed in my class." asik ni Agusan.

-___-

"I'm sorry Miss but this is emergency." sabi ni Ace at nagmamadaling lumabas ng classroom. Tinawag pa syang muli ni Miss ngunit mabilis na syang nakaalis.

Siniko naman ni Hope ang braso ko at "ba't kaya nagmamadali yun si Ace? Anong emergency yun?" tanong nya na nakabaling sa akin. Ngunit hindi ako sumagot.

"Sabi ko nga hindi mo din alam." aniya at bahagyang napangiwi ang mukha. Parehas lang naman kasi kaming nandito sa classroom. "Baka kasi kako alam mo kasi loveteam kayo." dagdag nya at wari'y nang-aasar.

"Tsk."

Itinuon ko na lang muli ang pakikinig kay Agusan. Ganon rin naman si Hope.

Nang mag-lunch break na ay usapan agad ang pag-alis ng biglaan ni Ace. At ang pagkainis nila kay Agusan dahil pati time slot ng pangalawang subject ay sinakop nito.

"Grabe si Miss Agusan walang patawad. Nag long quiz na nga tapos pati time slot ng Curriculum Development class kinuha din nya porke nalaman nyang wala tayong lec doon ngayon." reklamo ni Nyx.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon