Kabanata III Flashbacks of how they met. (MACAU escapade)

23.8K 508 23
                                    

ACE's POV

Nang lumingon sya sa akin at makita ko kung sino talaga sya ay parang nagflashback lahat sa akin. Ang itsura nya, ang pananamit nya, ang postura nya at maangas nyang dating.

Flashback (at MACAU)

"Psh! Badtrip!" naiusal ko sa sobrang inis. Bakit kasi mag-isa ako nagbakasyon? At bakit kasi hindi sumama ang tatlong yun! Tsk!

Kung si Alexis naman ang isasama ko masyadong annoying at puro shopping lang ang gagawin non dito. And besides, busy yun sa immersion nila. Kaya hindi rin makakasama. Kung bakit kasi may summer class ang college. Tch! Kaya naman susulitin ko na ang bakasyon ngayon pa lang bago ako pumasok sa madugong pag-aaral sa college.

Ako nga pala si Ace Martin Lim. Ays ba? Gwapo ba? Pangalan pa lang yan. Pero..

Naliligaw na ako at di ko na alam kung saan ako nanggaling at kung saan na papunta ang direksyong tinatahak ko. Parang napalayo ako sa mismong city ng Macau.

Nasaan na ba ako? Tanong ko sa isip. Bakit mangilan ngilan na lang ang tao dito? At ang masaklap di kami magkakaintindihan kahit kausapin ko sila dahil iba ang language nila. Tsk. Badtrip talaga!

Ang daming eskinita ng lugar na napasukan ko. Matatayog ang kabahayan dito, dikit dikit na ngunit malinis pa din. Nakapagtataka na walang dumadaan dito. Asan na ang mga tao?

"Boss, tignan mo nga naman ang pagkakataon." biglang may nagsalita at naglabasan ang mga lalaking halos kaedad ko lang kung titignan. Ang iba may hawak na baseball bat at ang iba naman may mga nakalagay na bakal sa kanilang mga kamao. Napailing ako habang salubong ang dalawang kilay. Delikado pala ang lugar na 'to.

"Mukhang mayaman ang isang yan." narinig kong sabi nung tinawag na boss kanina. Mukha syang delinquent at basag-ulo pero maayos ang pananamit nya naka-leather jacket at blue denim pants di kagaya ng ibang kasamahan nila na may mga hiwa ang suot na pambaba na akala mo nilaslas ng kutsilyo at mga nakaitim sila. Mahahalata na karamihan sa kanila ay mga Pinoy pero bakit naman sila nandito sa Macau? Nagbabakasyon din kaya? Nah.. Mukhang hindi, mukhang nambibiktima sila nang mga taong dumadaan sa lugar na ito.

"Anong kailangan nyo?" tanong ko sa kanila. Nagbabakasyon lang ako dito sa Macau at ito pa ang nangyari. Demmit!

"Eh boss Filipino pala ang isang 'to. Akala ko Koreano." sabi naman nung pinakaunang nagsalita kanina. Tsk. Stupid. Parang sila lang dalawa nung boss nila ang nag uusap.

"Mas maganda kung Filipino wala ng lusot yan dito." sagot naman nung boss. Delikado na ako dito. Bakit kasi napunta ako dito?

Flashback

Lumabas ako sa hotel na tinutuluyan ko dito sa Macau para maghanap ng specialty nila dito kasi GUTOM na ako.

Sabi ni Alexis masarap daw ang Portugese Egg Tarts dito at gustong gusto ko ang tarts pero saan ko naman makikita yun dito? Si Alexis ang nakakatanda kong kapatid at si Alexa naman ang bunso namin.

Ang sabi din ni Alexis masarap din daw yung Baka? Bawka? Aish! Ano nga ba ulit yun? Bakkwa ata? Psh! Bahala na basta hahanapin ko na lang kung saan man yun nagtatago. Dahil gusto ko yun matikman.

May mga nakakasalubong ako at kailangan ko ng magtanong. Kaya naman hinarang ko ang isang lalaking may kalakihan ang katawan dahil sya ang una kong napansin.

"Do you know where I can--"

"No english no english!" sabi nya na winagayway pa ang mga kamay nya habang umiiling. Tsk. Parang takot sa English. Sayang ang laki ng katawan nya. Universal language yun e foreigner pa naman.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon