Kabanata 44 He loves me? He loves me not?

7.1K 146 17
                                    

Zai's POV

Matapos ang pakikipag-usap ko kay Novu ay humahangos na dumating si Nyx sa kinaroroonan ko dito sa parking lot. Mataman ko lang syang tinignan habang papalapit sya sa akin.

"Zai! Omegesh! Nasira ang beauty ko pagtakbo. Kasalanan 'to ng Hopeless na 'yon e." wari'y pinupunasan nya ang mga butil ng pawis na tumulo sa mukha nya at maarte nyang hinahawi ang buhok nyang medyo nagulo.

Hindi naman ako sumagot bagkus ay ibinalik kong muli ang helmet sa motor ko at sinukbit ang bag ko.

"Zai naman! Saan ka pupunta?" wika ni Nyx.

"Pupunta na sa classroom." sagot ko habang naglalakad ng palayo.

"Ano ka ba bakla ka! Sinundo nga kita tapos iiwan mo lang ako. Ang bilis bilis mo pang lumakad. Bagalan mo naman." pagrereklamo nya. Mabilis na ba 'to? Napaisip ako. Matangkad kasi ako kaya medyo malalaki ang hakbang ko. Akala lang nya mabilis. "Palibhasa mas mukha pa akong girl sa'yo. Hmp!" tinignan nya ako mula ulo hanggang paa sabay taas ng isang kilay nya. "Lumamang ka lang talaga ng ganda sa akin. Huhuhu. Huwaaaaaaay! Oh Lord! Sana girl na lang din ako." at pinaghahampas nya ang mga halamang nadadaanan namin.

Kakaiba na ang isang 'to. Nahahawa na kay Hope. Malakas talaga ang toxin non sa katawan. At ang toxin na 'yon ay poisonous at mabilis makahawa. Tsk.

"Zai ha.. ayan ka na naman sa mga tingin mong yan ha. Baka akala mo naiinggit ako pwes..

OO NA! Huhuhu." at pinagbubunot nya ang mga dahon ng halaman sabay pitas ng isang bulalak. Kunot noo akong napatingin sa kanya dahil bigla syang tumigil sa paglalakad at nagsimulang hugutin ang mga petals ng rosas na hawak nya.

"He loves me.." pitas sa isang petal.

"He loves me not.." pitas muli sa isa pa.

"He loves me.." at isa pa. Hanggang sa may matirang isang petal at ang huli nyang sinabi ay..

"HE LOVES MEEEEE! O MY GOOOOSH Zaaaaaai!" at animo'y nakuryente ang katawan nya sa galak at kulang na lang ay mag-cramping sya sa sobrang saya.

"Yaaaaah! Zai inlove sya sa akin. Weeeee!" masayang sabi nya.

"Sino ba sya?" tukoy ko sa taong inlove sa kanya.

"Sigurado ka ba gusto mong malaman?" tanong nya at inilapit ang mukha sa akin.

"Ahm. Itatanong ko ba kung hindi?" malumanay na wika ko.

"Ay oo nga naman.. Hahaha! Kaya lang baka magselos ka e.."animo'y hindi mapakaling utas nya.

Kunot noo akong napatingin sa kanya. Bakit naman ako magseselos? "Kung ayaw mong sabihin ayos lang.." utas ko at muling nagtuloy sa paglalakad.

"Waaaaaait! Ang maswerteng lalaking tinutukoy ko ay ang gwapong gwapong si fafa ACE! Eeeeek!" kilig na kilig na sambit nya. At bigla akong napatigil sa paglakad. Onti-onti akong napabaling sa kanya at hindi namalayang salubong na pala ang dalawang kilay ko.

"Ooooooy. Selooooos.. Aminin..." tukso ni Nyx sa akin at tinusok tusok ang leeg ko gamit ang hintuturo nya. "Salubong ang kilay mo. Wag ka ng tumanggi. Kulang na lang magbahay-kubo yang mga kilay mo." impit syang napahagikgik.

"Tsk."

"Oy Zai ikukwento ko ito kay Hope. At speaking of Hope iniintay nya pala tayo sa canteen." pagbibigay alam nya. Kaya naman iniba ko ang direksyon ko at nagtungo sa canteen.

Tsk. Salubong ba talaga ang mga kilay ko? Tsh..

Dirediretso na akong lumakad kasunod si Nyx na ang ngiti ay abot tenga. Parang baliw.. Hindi ko alam kung hinuhuli nya ba ako o may iba syang intensyon.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon