Kabanata XIV. She's still the same. ; FLAMES.

15.1K 349 18
                                    

Hope's PoV

Hindi ko masasabing malaki na ang pinagbago ni Zai sa nakalipas na dalawang taon dahil kung ikukumpara sya sa dating Zai na nakita ko sa beach resort nila sa Batangas ay walang pagkakaiba. Or pwede kong sabihin na she's more colder now. Hindi ko alam kung ang pagpunta nya sa Beijing ay nagpagaan ng loob nya ngunit sa nakikita ko'y mukhang hindi.

"Tara na, dadaan pa tayo sa locker room." yaya ni Nyx matapos naming kumain ng lunch.

"Sandali, CR lang." sabi ko. Naging routine ko na ang pagpunta sa magandang CR ng school na 'to matapos mag-lunch.

"Sabi ko na nga ba't walang ligtas ang CR kay Miss Banyo Queen." sambit ni Nyx kay Zai ngunit sa akin nakatingin. Hinintay nila ako hanggang matapos akong umihi.

At dumaan muna kami ng locker room bago dumiretso sa classroom.

CLASSROOM

Habang naghihintay ng prof at habang nakaupo at nagmamasid ay kapansinpansin naman ang pagtitig na ginagawa ni Ace kay Zai. Sus tinamaan na ang isang 'to sa best bud ko. Sabi ko sa isip at napangiti.

Si Ace na kaya ang sagot upang magmelt down na si Miss Cold Zai. Yiee.. Naeexcite ako kung magkakaron ng lovelife between them. It's not impossible? Isn't it?

Sa pag-iisip ko kina Ace at Zai ay biglang may kumulbit sa akin.

kulbit kulbit

Tsk! "Anooo?" singhal ko kay Enzo. Panay kasi ang kulbit e. Sa kalahating dipa na pagitan namin ay nagagawa nya pa rin akong makulbit. Pambihira din ang haba ng mga galamay ng isang 'to. Nasa pagitan naming dalawa ang center aisle ng classroom ngunit talagang makulit ang isang 'to.

"Pahiram ng ballpen." sabi nya ng nakasahod ang kamay. Psh! Estudyante ba talaga ang isang 'to bakit walang dalang ballpen. Grabe..

"Ano namang gagawin mo sa ballpen e wala pa naman yung prof natin ah! Mamaya na lang!" sabi ko at inirapan sya. Psh! Binabadtrip ako ng isang 'to talaga. Kung hindi lang maganda ang biceps nya ay hindi ko sya papansinin. Hihi. Ang ganda pala ng katawan ng loko. Mabuti na lang at nagtrabaho ako sa gym nakita ko ang mga biceps nya at ang abs nyang bumabakat sa fitted sports wear nya tuwing nasa gym sya. Sa pagpapantasya ko ay bigla syang sumagot.

"Ngayon na, may gagawin kasi ako." sabi nya. Nakakapagtaka naman..

"Ano namang gagawin mo aber?" sabi ko ng naka-crossed arms.

"Mag-fe-flames ng pangalan nating dalawa." sabi nya ng may malapad na ngiti.

[O.O]

Magfeflames ng pangalan nating dalawa..

Magfeflames ng pangalan nating dalawa..

Magfeflames ng pangalan nating dalawa..

Loading.. Loading..

Seeding...

Completed.

Tug dug!

Para akong kamatis na pumula ng husto. OMG! Bakit kumabog ang dibdib ko?

"Enzo to Amplifier." sabi nya na nilapit ang mukha sa mukha ko. Hindi ko namalayan na nakatayo na sya sa harapan ko at nakalapit ang mukha nya sa akin.

Bigla naman akong naglipat ng tingin dahil bigla akong kinabahan sa sobrang lapit nya. OMG! What was that again?

Tinignan ko syang muli at napatitig ako sa kanya ng biglang.. "Goodafternoon class." dumating ang prof namin. At para akong nakawala sa pagkakasakal. Parang nawalan ako ng hangin kanina noong makita kong napakalapit nya sa akin.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon