Kabanata XVII. Hospital PART 2

14.1K 287 13
                                    

ACE's POV

Matapos kong mareceived ang message ni Alexis na na-confine daw si Alexa sa SVU Memorial Hospital ay dali-dali akong umalis ng classroom kahit nagkaklase pa si Agusan. Tinext ko na lang yung tatlo kung anong nangyari.

Nang makarating ako sa Hospital ay agad kong nabungaran si Manang at Alexis na nakaupo sa upuan kalapit ng bed ni Alexa. Mahimbing ng natutulog si Alexa ng madatnan ko. Maputla ang balat nito. At ang sabi daw ng doctor ay may dengue daw ito ngunit hindi naman daw malala at mabuti't naagapan. Ngunit macoconfine daw muna si Alexa upang mamonitor ang platelets nito.

"Parating na si grandpa." Wika ni Alexis habang isinasalansan sa babasaging bowl ang mga prutas na binili ko para kay Alexa. Samantalang umuwi muna si Manang upang kumuha ng ilang gamit pa ni Alexa.

"Magpapasundo daw ba sya?" tanong ko. At lumapit sa bed ni Alexa, payapa pa rin itong natutulog ng mahimbing at may nakakabit na dextrose sa kanya.

"Sa palagay ko'y hindi na. Kaya na daw nya at didiretso na daw sya dito makagaling sa Meeting nya. Hindi ka na ba papasok?" tanong nito.

"Hindi na. Dito na lang muna ako." sagot ko. Hindi naman kakulangan na umabsent ako ngayon sa school. Tsh. Boring din ang mga dinidiscuss ni Agusan don kanina. Psh.

At maya-maya pa'y bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan namin. Iniluwa non si--

"General. Ah--S-senator na pala." nasambit ko at bahagyang natigilan. Tsk. Ikaw ba naman makaharap mo ang isa sa mga Senator ng bansa di ka ba mapapatayo agad? Buti na lang at sya ang lolo namin kaya naman agad kaming nakapasok ng SVU dahil sa kanya na nasa politiko.

Sa hitsura at tindig ni grandpa. awtomatikong mapapatayo ka kung sakaling nakaupo ka dahil mababakasan ang pagka-istrikto sa mukha nito at maawtoridad na personalidad nito. Marahil ay kinasanayan na nya ang ganyang karakter dahil na rin siguro sa mataas na katungkulan nya sa bansa. "Kamusta ang apo ko Alexis Hera?" tanong nito sa maawtoridad na boses. Tsk. Kinakabahan ako. Pero wala kang dapat ikakaba Ace, wala. Inhale. Exhale. Tsk. Mukha akong tangang naka-gawk lang kay grandpa. Ayoko magsalita baka may masabi akong hindi nya magustuhan.

"Bumuti na ang lagay nya grandpa, ang sabi ng doctor nya ay kailangan na lang imonitor ang platelets nya." sagot ni kakambal kong si Alexis.

"Paanong nagkaroon ng ganitong sakit ang apo ko? Mukhang hindi na maganda ang lagay ng inyong tahanan ngayon." may diin sa bawat sambit ng dating ni grandpa ng mga kataga. Tsk. Bakit kasi nagkaron ng lamok sa bahay? Pero imposible weekly nag-spray ang mga katulong doon.

"Ayon sa napag-aralan ko grandpa ay nakukuha ang sakit na dengue sa mga stagnant wate--" hindi na naituloy pa ni Alexis ang dapat sasabihin dahil kusa syang pinutol ng dating General na ngayon ay Senator na.

"Yan nga mismo ang gusto kong iparating sa inyo Alexis Hera. Kailangan nyong isanitize ang buong kabahayan nyo."wika ni grandpa at nalalaman kong hindi yun pakiusap kundi utos. "At hindi na maaring maulit ito." dagdag nya. Tsk. Malagong at maawtoridad ang boses ni grandpa sa tuwing makikipag-usap sya.

"Ace Martin." baling nito sa akin.

"S-senator." wika ko at bahagyang tumungo.

Tumikhim muna sya bilang panimula at tsaka nagpasyang magsalita, "Batid kong hindi ito ang tamang oras at panahon upang tanungin kita sa ganitong bagay ngunit nasa tamang edad ka na at nais ko ng magkaroon ka ng kasintihan at matapos ang dalawang taong relasyon nyo bilang magkasintahan ay ipagkakasundo na namin kayo sa kasal. Kaya naman tatanungin kita ngayon.. handa ka na bang makilala sya?" tanong nito at seryosong nakatingin sa akin. Tsk. Kung ganoon may nakita na syang magiging kasintahan ko?

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon