Kabanata XI. I can feel you, Zai.

20.4K 326 23
                                    

Hope's PoV

Takte! Bakit ba palagi na lang nagpapakita sakin yung Enzo na yun. At kalalaki nyang tao ang puti nya. Dinaig pa ako. Psh!

At sa lahat ng pwedeng pasukan nilang Gym bakit sa YZ pa?

"Kung magmamaktol ka lang dyan umuwi ka nalang." huhu. Ang bad ni Zai pinapauwi na ako.

"Ayoko pa. At tsaka hired na ako dito." sabi ko ng nakanguso. Hindi ako pwedeng paalisin ni Zai. Kailangan ko rin magtrabaho para matulungan ko sya at para makasama ako sa kanya paglipat nya ng bahay.

"Tsk. Sino ba may sabi magtrabaho ka?" tanong nya habang nagpapalit na ng tshirt na puti. May nakalagay na Maintenance sa likod.

"Ako lang.." sabi ko sa mababang tono. Kailangan maawa si Zai sa akin at wag ako paalisin.

"Tsh. Basta kapag di mo na kaya magresign ka na." yes! That means pumapayag na sya magtrabaho din ako dito. Yiipee! "wag ka masyado masaya baka maudlot pa at magbago isip ko." psh!

"Kayang kaya ko dito Zai hindi ako aayaw promise." sabi ko ng nakataas pa ang kanang kamay. This is it! Makakapag-ipon na ako para makasama kay Zai sa paglipat nya. "Nakahanap na ba si Yue ng apartment para sayo?" tanong ko.

"Hindi pa." sagot nya at nag umpisa ng kunin ang mga gamit nya panlinis sa stock room ng gym.

"Ganun ba? Oh sya tutulungan na kita dyan." sabi ko kay Zai at kinuha ang ibang gamit panglinis. Taga linis daw ang magiging trabaho namin sabi ni Yue para lahat maexperience namin at maging flexible sa lahat ng oras.

Linggo ngayon kaya wag na daw ako magtaka kung bakit madami-dami ang myembro ng gym na nandito ayun kay Mel kanina. Medyo nahihirapan pa ako nung una sa mga dapat kong gawin pero habang tumatagal ay nasasanay na ako sa paglilinis dito.

Nang makabalik kami sa loob ng gym ay "doon ka na lang sa mga dumbbell ihanay mo ng maayos yung mga nagulo na." sabi ni Zai at tinuro ang kinalulugaran ng mga dumbbells. Ang bilin ni Yue kailangan daw maingat kami sa galaw namin. Ewan ko ba kung bakit ang daming bilin ni Yue kanina. Na parang may nangyari dito at ayaw na nyang maulit.

At sa pagpunta ko sa lagayan ng mga dumbbell napuna ko ang pader na may mga guhit. [O____O] Ang akala ko painting lang ngunit ng tignan ko ng malapitan ay totoo nga! May litik ang pader. Dali dali akong lumapit kay Zai. "Zai, nakita mo na ba ang mga litik don sa pader? Tignan mo oh ang hahaba. Baka mag-cause yun ng pagkagiba ng gym." seryosong sabi ko at inisa isa ng tingin ang bawat litik.

Samantalang si Zai ay hindi ako pinansin at kahit sulyap ay di nagawa sa pader na tinuturo ko. May nangyari ba dito kahapon?

"Tsk." yun lang ang reaksyon ni Zai at patuloy na nag-mop. Bigla naman akong nagtaka. May nangyari dito alam ko. Kaya naman dala ng kuryosidad ay tinahak ko muli ang pader na may litik at sinundan ang pinagmulan nito. Nakita kong nasa likod ng lalagyan ng mga barbell ang pinagmulan. Kaya naman marahan kong inipod ang lalagyan na nagtataklob sa pader at..

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita! OH-EM-EF-G! Automatic na napatakip ako sa bibig ko. At nagmamadaling lumapit muli kay Zai. "OMG! OMG! Zaaaaaai! Anong nangyari don sa pader? Grabeeeee! Kawawa yung pader." bulalas ko kay Zai na binigyan ako ng naniningkit na mga mata.

"Tsh. Sa pader nag-alala ka. Don sa gumawa nyan.. hindi?" animo'y nanunumbat na sabi nya.

I crossed may arms and said, "hindi. Dahil alam kong malakas ang gumawa nyan sa pader." at automatic na napatingin sya sa akin.

"Tsk."

"Oh bakit? Hindi ba? Tignan mo na lang ang nilikha sa pader. Kamuntik na gumuho yung pader. Buti nakapagkontrol pa ang gumawa nyan. Dinaig nya pa si San Goku." utas ko at tinignan si Zai ng naniningkit. Nag-iwas naman sya ng tingin at itinuon sa ginagawa nyang pagmamop. Andito kami sa third floor at kagaya pa rin kanina abala pa rin si Zai sa pagmamop. Kanina ay ako ang nagmop sa second floor, sya naman daw ngayon.

THE COLDEST (in major revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon