1 - His Possession

207K 3.2K 229
                                    

Ingat na ingat si Amara sa paggalaw mula sa kaniyang pinagtataguan ngayon. Iniiwasan niyang makalikha ng ingay dahil sa dami ng pwedeng pagtaguan, ang maduming bodega pa ng University na puno ng tambak na bagay at libro. Maalikabok na rin ito pero mas mabuti na rin kesa makita siya ng taong naghahanap sa kaniya.

Mula sa pinagtataguan niya, sumilip siya sa maliit na siwang ng pintuan, napakagat siya ng labi nang makita ang dalawang lalaking busangot na tropa nung makulit na manliligaw niya. Sa tindi ng inis niya kanina, binayagan niya ang lalaki dahil kinaladkad siya nito para sumama.

Napisa niya yata ang itlog ng lalaki pero imbes na matawa, takot ang rumehistro sa kaniyang mukha nang utusan nito ang dalawang lalaki ng dakpin siya. Hindi naman siya tanga kaya takbo ang kaniyang ginawa at doon siya napasok sa maduming bodega. Bakit ba kasi naisipan niyang magpaabot ng gabi? Ah, dahil may tinapos pala siyang libro sa library at hindi niya na namalayan ang oras.

Natawa siya ng lihim nang makitang lingon nang lingon ang mga ito na parang baliw. Mga gonggong! Gusto niyang sigawan ang mga ito pero sa isip lang niya ginawa iyon kundi matsugi siya ng wala sa oras.

Shit!

Nanlaki ang kaniyang mata nang malakas na tumunog ang kaniyang cellphone sa loob ng bag. Nagkukumahog siyang binuksan ang bag saka naman biglang bukas ng pintuan. Nauntog pa ang kaniyang noo sa pagtulak nito sa dahon ng pinto.

"Dead end ka na, Amara Legrand!" ngumisi ang mga ito at bago pa man siya mahawakan, sinipa niya ang isa sa tuhod at tinulak naman niya ang isa saka mabilis na tinakbo ang labas.

Panay ring pa rin ang kaniyang cellphone kaya tumatakbo siyang hinahalungkat ang bag. Akmang sasagutin niya na ito nang mahila ng isa ang kaniyang braso kaya tumilapon ang phone niya.

Nagpupumiglas siya at panay lingon sa paligid. Dinadasal niyang may tumulong sa kaniya sa madilim na bahaging iyon ng Unibersidad. Tanga rin siya minsan, bakit dito siya tumakbo kanina?

"Kapag ako nakawala sa mga hawak niyong mga unggoy kayo, pagsisipain ko pagmumukha niyo!" matapang na saad niya.

"Iyon ay kung makakawala ka!" ngumisi ang isang nakahawak sa kanang kamay niya na mukhang butiking naipit sa cabinet ng limang taon.

Nagpupumiglas siya sa pagkakahawak ng mga ito pero tawa lang ang naririnig niya sa dalawa. Nag-ring ulit ang kaniyang cellphone pero malakas na inapakan naman ito nung isa kaya basag ang screen nito.

Oh no! My latest brand new iPhone!

Gusto niyang maiyak. Bigay ito ng kuya Azael niya at marami silang pictures dalawa sa kaniyang gallery. Hindi siya nanghihinayang sa iPhone, sa mga pictures lang na naka-stored doon dahil pinapa-auction pa niya ang mga 'yon.

"Mga bullshit kayo!" inis na sigaw niya.

Hinila siya ng mga ito papunta sa kung saan. Sigaw siya nang sigaw pero wala yatang nakakarinig sa kaniya. Tumili kaya siya?

"Kuya Azael tulungan mo ako!!!" kahit alam niyang imposible na matulungan siya ng nakakatandang kapatid dahil out of town ito kasama ang mga kaibigan.

Nasanay siya na lagi itong lumalabas mula sa kung saan kapag nasa panganib ang buhay niya. Ito ang tanging Superman niya simula nung mga bata pa sila kahit hanggang ngayon na Junior High. Pinagkakaiba lang, wala ito ngayon kaya malalakas ang loob ng dalawang africang hito ito na hawakan siya at kaladkarin.

Pero nagulat na lang si Amara nang biglang may umigkas mula sa kung saan na kamao at lumagapak ang isa sa damuhan. Isang sipa naman sa isa at tulog na bumagsak rin ito. Napatingin siya sa kung sino ang sumaklolo sa kaniya, nanlaki ang kaniyang mata nang makitang si Azael ito. Mabilis itong yumakap sa kaniya ng subrang higpit.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now