[59] The Ring

493K 9.4K 3.3K
                                    

[59] THE RING


GAIL'S POV

"So, you're the maid of honor and Mr. Lee is the best man?" Napalingon ako nung marinig ko ang matabang na boses ni Fifth. Nakatitig lang siya sa wedding invitation nina Kaye Anne at Nathan. "That'd be great," dagdag pa niya.

Aish! Ramdam na ramdam ko yung over flowing sarcasm sa boses niya. Naglakad siya palabas ng kitchen kaya sinundan ko siya hanggang sa sala. Umupo siya sa couch at 'di na ako inimik pa. Ugh. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Ganyan na ganyan din ang reaction ko nung mabasa ko ang laman ng invitation. Talaga namang si Kaye Anne... napakakulit!

"Fifth, don't make a big deal out of it."

"I don't," matabang pa rin ang boses niya kaya bumuntong-hininga ako at tinabihan siya sa couch.

"Bestfriend ko kasi si Kaye Anne, at pinsan pa. Halos sabay na kaming lumaki," I started explaining in the calmest way I can. "Si Kurt naman... Uh, I don't know why pero magkaibigan kasi sila."

Parang nung isang araw lang pagkauwi namin galing sa office ay sinukat ko ang gown at binasa na rin ang invitation at talagang nawindang ako nang makitang partner ko pa si Kurt! Like is there anyone playing a prank on me? Hindi pa nga ako maka-get over noong isang araw sa stairs tapos malalaman ko nalang na best man siya?? Oh geez, I can't imagine walking down the aisle side by side and hand by hand with him.

Tumitig siya sa mga mata ko at hinawakan ang mga kamay ko sa kandungan ko. "Do I have to worry?"

"N...no, you don't have to." Pero bakit ako tensionado?

He frowned a little and then smiled. Dun na ako nakahinga ng maluwag. Ayokong nag-aaway kami ni Fifth. Yun ang pinakainiiwasan ko.

"Can I come with you on Saturday?" He asked, smiling now.

Tumingin na ako sa harapan at isinandal ang ulo ko sa braso niya. Agad naman niya akong inakbayan. "Of course, Fifth. After the reception, we'll go home immediately."

"Sure," he said while carressing my head with his fingers. "Anyways, Christmas is only 2 weeks away. Do you have any plans?"

I gasped at his question. Ang bilis naman ng araw. Magpapasko na naman. Parang kailan lang, nagpaparty pa ako nun sa Germany noong Christmas eve tapos ngayon kasama ko na si Fifth.

"Wala. Ikaw?"

"I'd like to go home."

Natigilan ako. Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong irereact ko, pero sigurado akong nalulungkot ako sa ideyang yun.

I tilted my head up and touched his chin. "Uuwi ka? Paano ako?"

Christmas na Christmas tapos mag-isa ako?

"You will come with me, of course," he declared and my mouth fell half-open. "I told you, I won't leave you. We'll spend Christmas together no matter what."

Napaayos ako ng upo habang hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya. Parang hindi ko yata gustong umalis ng bansa ngayon.

"Bakit dun pa? Dito nalang tayo."

"I'll introduce you to my family. My dad and brother are there."

Lumunok ako. Hindi ko talaga gusto ang ideyang 'yan. Bakit pakiramdam ko ay may nangyayaring kakaiba? Unti-unti na niya akong pinapakilala sa pamilya niya.

"Is there a problem?" he asked.

Bumuga ako sa hangin at umiling. Sana mali ang kutob ko. "Pag-iisipan ko muna, Fifth ha?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon