[38] The Transformation of Jack Frost

276K 8.9K 7.3K
                                    

Isang maingay na motor ang umagaw sa atensyon ng mga tao sa paligid ng isang elementary public school. Huminto ang motor sa tapat ng gate ng paaralan at nang alisin ng lalaking nakasakay rito ang helmet na suot-suot niya ay kaagad na naglaglagan ang panga ng mga babae sa paligid.

Bumaba sa motor ang binatang si Jack at tumingin sa relong suot-suot niya. Nakita niyang saktong alas-dose na sa relo niya at tamang tama lang ang pagdating niya sa tapat ng paaralan dahil nagsimula nang maglabasan ang mga estudyante.

Isa-isa niyang sinuring mabuti ang mga batang estudyante na dumadaan sa harapan niya. Hindi siya maaring magpabaya at hayaang makaalis ang batang sinadya niya sa public school na ito dahil malaki ang sakripisyo niya para lang makita ito. Nagawa niyang hindi pumasok sa klase niya at hindi makasama ngayon ang babaeng ni minsan ay hindi na naalis sa isipan niya para lang sadyain ang batang ito.

Napaayos siya ng tayo nang matanaw na niya ang batang sinadya niya na papalabas na sa gate ng munting paaralan. Lumapit siya sa batang lalaki at humarang sa daraanan nito. Dahil sa pagharang na ginawa niya ay napahinto sa paglalakad ang bata at mabilis siyang tiningala.

“Teka, diba ikaw ‘yung weirdong lalaki?” bungad ng bata sa kanya.

Inis siyang napakagat sa labi niya dahil sa bungad nito sa kanya. Tinatanong tuloy niya sa sarili kung bakit pa siya nagpunta rito. Naiirita pa naman siya sa batang ito dahil sa napaka-annoying nito.

“Anong ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong ng bata habang nakatingala sa kanya.

Naupo siya sa harapan nito upang hindi ito mahirapang tumingala.

“Yow, kiddo. Do you want ice cream?” tanong niya rito. Nanatiling nagtatakang nakatingin lang sa kanya ang bata at tila hindi nito naintindihan ang sinabi niya. “I will treat you again.” Dagdag niya.

Napahawak ang bata sa baba niya at umastang tila malalim na nag-iisip. “Sorry pero sabi ng ate ko hindi dapat ako sumasama sa strangers,” sagot ng bata sa kanya.

Kaagad na hindi makapaniwalang natawa ang binata sa naging sagot nito.

“What do you mean by stranger? You, kiddo! I’m your future brother-in-law!” pagdidil-dilan niya sa batang kapatid ni Summer.

“Hindi ka pa naman nagpropropose kay ate ah? Saka diba binasted ka niya?” sagot nito.

Inis siyang napapikit at napahawak sa noo niya. This little boy really knows how to get in his nerves. Sa tuwing kinakausap niya ito ay sumasakit ang ulo niya. Pasalamat na lang talaga ito dahil kapatid siya ng babaeng gusto niya.

“Hindi. Niya. Ako. Binasted.” puno ng pagtitimping saad niya.

“Whatever. Uuwi na ako.” Saad nito at saka mabilis siyang nilagpasan.

Hinabol naman niya agad ito at hinarangan ang daraanan. Hindi niya magawang isink-in sa utang niya na nilagpasan lang siya ng batang ito.

“Hey, kiddo. I’m not that someone you can just walk over like that.” Asar na saad niya.

“And so?” mabilis na sagot ng bata sa kanya.

Inis siyang napasabunot sa sarili niya. Talaga bang parehas sila ng ate niyang hindi kinikilala kung sino siya? Siya si Jack Frost. Ang banggitin lang ang pangalan niya ay makakapagbigay takot na kaagad sa iba.

“Look, I’m a very impatient person but I’m still trying my best to be kind to you. You better be extra cautious with your words while I’m still being nice because honestly speaking, you wouldn’t want the bad side of me.” He said through gritted teeth.

Napahikab ang bata matapos pakinggan ang napakahabang sinabi niya. “Ah, ganun ba?” ang tanging sagot nito at sa muling pagkakataon ay nilagpasan siya nitong muli.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon