[11] Egg Party

277K 8.6K 1.2K
                                    

Please play the music video located at the right corner. 'Yan ang pinapakinggan ko habang ginagawa 'tong update. I hope maapreciate niyo. Stop & Stare by One Republic na po ang magiging official soundtrack ng By the Way, His Name is Jack Frost.

Happy New Year!

Follow me on twitter: @mimhytotwp

Enjoy! Comment kayo ha? :)

*****

Nabasag ang itlog at mabilis na namantsahan ang unipormeng suot ko. Natahimik ang lahat dahil sa ginawa ko. Tumingin ako kay Cursing Machine and I thought I'd see anger in his eyes but I was wrong. There was pain in it. Bigla na lang din akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Pero, bakit? Bakit ganito na lang kung tingnan niya ako?

"Stop right there, Storm."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng tinig na iyon at nakita ko ang annoying na may isa pang weirdong pangalan. Hawak-hawak siya ng iba pa nilang kasama at tila inaawat siya sa balak niyang gawin.

"Damn that rule, Drake. Let me f*cking go. She's... She's.... F*ck! Let me go!" nababanas na saad niya habang tila nasasaktang nakatingin sa akin.

Why are they looking at me like that? Ibinalik ko ang tingin ko sa gangster na cursing machine at hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha.

Napatingin ako sa kanyang kamay nang tila may dinukot ito mula sa bulsa ng kanyang pantalon—isang panyo. Humakbang siya papalapit sa akin pero lumapit ang lalaking may dilaw na buhok sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

"We have rules, Frost. You can't do that. You can't help her." pigil nito sa kanya.

Lumapit na rin ang iba pa niyang mga kasama na may iba't-ibang kulay na buhok. Hinawakan siya ng mga ito sa kanyang balikat at animo'y anumang oras ay handa ang mga itong kaladkarin siya palayo sa akin.

"Let me go." ma-awtoridad na utos niya pero hindi natinag ang mga kaibigan niya. "I said, let me go." ulit niya pero nanatili lang silang nakahawak sa kanya.

"Sorry man, but we have no choice." saad ng lalaking may dilaw na buhok at saka tumingin sa iba pang nakahawak kay Jack. "Let's bring him out." utos nito at tuluyan na nilang kinaladkad si Jack palayo sa akin.

"F*ck! Let me go!" sigaw niya pero wala na siyang nagawa dahil apat na silang kumakaladkad sa kanya. Habang kinakaladkad siya ay nanatili siyang nakatitig sa akin. Pilit siyang kumakawala sa kanila pero desidido ang mga kaibigan niya na mailayo siya sa lugar na kinatatayuan namin ngayon.

Napatingin din ako kay Storm nang dumaan siya sa harapan ko habang kinakaladkad siya ng isa sa mga lalaking may iba't-ibang kulay ang buhok.

"Summer, I'll be back, so don't worry. I will, I promise." saad niya.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang makalabas ng covered court. Bago pa tuluyang sumara ang pinto ng court ay nasilayan ko pa ang mukha ng gangster na iyon habang pilit itong pumapalag. Kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pangyayari na hindi ko inaasahan. Sabay-sabay na tumama sa katawan ko ang mga itlog na hindi ko alam kung saan nagmula.

Napaupo ako at pilit na sinasangga ang pagtama ng mga itlog sa akin. Tila wala nang katapusan ito. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko upang tingnan sila at nagulat ako nang makita ko ang limang babae na ipinagtanggol ko kanina na nakikiisa sa pagbato ng itlog sa akin. Napatingin ako sa sarili ko, punong-puno na ng basag na itlog ang buong katawan ko.

Hindi pa sila nakuntento at may isang lumapit sa akin at tinadyakan ako sa sikmura. Nagsinuran na ang iba at nakisipa na rin. Pilit kong pinipigilan ang sarili kong maiyak pero hindi ko na kinaya. Tuluyan na akong napahikbi.

Sapilitan nila akong itinayo. Lumapit sa akin ang limang babae na kanina lang ay gusto ng gangster na iyon na batuhin ko ng itlog. Isang malutong na sampal ang inabot ko mula sa isa sa kanila. Nalasahan ko na lang ang sarili kong dugo dahil sa malakas na sampal na iyon.

"B*tch, akala mo ba'y uso pa ang pagpapakabayani?" tanong ng isa sa kanila at isa pang malakas na sampal ang tinanggap ko.

"In this school, it's either you're the bully or you're the one being bullied. You gave up a chance to become someone that will be feared. You're so stupid."

Nagulat ako nang bigla nila akong binuhusan ng malamig na tubig. Mas lalong naging manhid ang katawan ko. Pakiramdam ko ay wala ng katapusan ang paghihirap na natatanggap ko mula sa kanila. Mas malupit pa ang pangto-torture na ito kumpara sa mga napapanuod ko sa mga teleserye.

Isang itlog muli ang tumama sa mukha ko, pero parang iba ang itlog na ito, hindi na katulad nung mga naunang itlog.

"Tapos na kami sa hilaw na itlog." Napatingin ako sa babaeng nagsalita habang nilalaro niya ang itlog na hawak-hawak niya. "Second round na tayo," saad nito at ibinato sa akin ang itlog na hawak niya. "Boiled eggs naman ngayon."

Tumama ito sa mukha ko at nakaramdam kaagad ako ng sakit. Ipinikit ko ang mga mata ko at sunod-sunod uli nila akong pinaulanan ng itlog. Mas masakit ito kumpara sa kanina.

Hindi ko alam kung gaano katagal bago sila tumigil sa pambabato. Basta bigla na lang akong binitiwan ng mga taong nakahawak sa akin kanina dahilan upang mapaupo ako. Sinubukan kong punasan ang mukha ko dahil sa likidong gumagapang pababa sa pisngi ko. Pagtingin ko sa kamay ko, puro dugo na iyon.

Natawa ako ng pilit na dahilan upang kunot noo silang tumingin sa akin. "How many eggs are you willing to waste for this egg party? Hindi ba kayo nanghihinayang na sinasayang niyo ang daan-daang itlog na ito, na pwede pa sanang makain ng madaming mahihirap na tao, para lang sa isang walang kwentang taong tulad ko?"

"B*tch. Ang lakas ng loob mong ipahayag pa ang opinyon mo. Hindi mo ba alam na binibigyan mo lang lalo kami ng dahilan para lumpuhin ka?"

Tiningnan ko ang babaeng nagsalita, kung pwede ko lang ibalik ang oras, sana binato ko na lang siya ng itlog kanina! Lalapit pa sana siya sa akin pero natigilan siya nang biglang bumukas ang pinto ng covered court.

"Time's up, people! Papunta na ang mga guards! Bilisan niyo!" sigaw ng lalaking kakapasok pa lang ng court. Wow. So may guards pa pala sa school na ito?

Pagkarinig nila noon ay nag-uunahang silang nagtakbuhan palabas ng covered court at ilang sandali lang ay naiwan na akong mag-isa kasama ng lahat ng kalat sa paligid ko.

Napahikbi ako ng mahina. Hindi ko maintindihan pero halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. Pupunasan ko na sana ang aking basang pisngi pero natigilan ako nang makita ko ang puting panyo di kalayuan sa akin. Iyon ang panyo na nagmula kay Cursing Machine.

Hirap na hirap akong gumapang at inabot ang panyo. Mabuti pa ang panyong ito, hindi namantyahan o nadamay sa dungis na inabot ko. Tuyo pa rin ito at walang bahid ng kahit anong dumi. Naamoy ko rin ang pabangong inilagay ng gangster na iyon dito. Napabuntong hininga ako at pabagsak na nahiga sa sahig. Tama siya, pagsisisihan ko nga ito.

BY THE WAY, HIS NAME IS JACK FROSTKde žijí příběhy. Začni objevovat